Chapter 17
Erroleene's POV:
Paakyat na kami ng hagdan papunta sa kwarto ni Jane,yung babae talagang yun hindi daw kasi kumain,ang laki siguro talaga ng problema.
"Ano kaya nangyari kagabi?"tanong ni Irish
Obvious?hindi rin kaya namin alam kaya nga pumunta kami dito
"Kami pa talaga tinatanong mo niyan?seriously Irish?"sungit ni Junieya,ewan ko ba siguro may period siya araw araw
"Di nama---"
"Tumigil nga kayo diyan andito na tayo"bara ko sa kanila dalawa andito na kami say harapan ng pinto ni Jane eh
Buti pa yung iba tahimik
Kinatok na ni Kristine ang pinto
"Mamaya nalang po talaga ako kakain"sigaw ni Jane sa loob
Tss malala na to
"Jane!kami to ang barkada"sigaw rin ni She
"Wala ang boys!"dagdag ni Allana
Alam kasi namin na kapag may problema ang isa't isa kami kami lang girls ang mag uusap usap.
Binuksan niya naman ,namamaga pa rin ang mga mata niya
Papasok na sana kami ng bigla niya kaming niyakap tapos bigla nalang siyang umiyak
"Tara,dun tayo sa loob"yaya ko sa kanila
Pumasok naman kami at umupo sa kama niya kaya siya lang ang nakatayo,sinarado niya ang pinto
"Jane"simula ko
Kaya napatingin siya sa akin
"Ano bang nangyari kagabi?,yung totoong nangyari."salitang may diin ko
Tinitigan niya naman kami tapos bigla nalang siyang humagulgol sa iyak kaya pina upo namin siya
"Hindi niya ako m-mahal,niloko niya lang ako,tayo,dare lang pala ang lahat"sabi niya na ikinagulat namin
"Ano?!!!!!"sigaw ni Irish
"Anak ng!"sigaw ni Allana
"Eh gago pala siya eh"Junieya
Natahimik lang sila She at Kristine pero niyakap siya ni Anna
"Hindi ko to palalampasin"
Galit na sabi ko at didiretso na sana sa pintuan ng harangan ako ni Jane,ano to?
"Wag!wag muna siyang puntahan,kasalanan ko rin naman eh,hindi dapat ako nagpaloko sa kanya"
What?sa kanya pa talaga nanggaling yan?at ano siya pa ang may kasalanan,hindi noh!yung lalaking yun kasi simula't sapul palang kinaibigan niya na kami pati na rin yang mga kaibigan niya.
"Ano Jane?naririnig mo ba yang sarili mo?wala kang kasalanan tandaan mo yan,pati na rin yang barkada niya hindi ko ipapalagpas!"pangaral ko sa kanya
"Ha?at bakit naman sila nadamay dito?"sabat ni Kristine at She,kaya nagkatinginan sila pero tumingin rin ulit sa akin
"Obviously,sila lang naman ang gumawa ng dare na yun,eh sino pa ba?"balik kong sagot sa kanya
"Tama!"pag sang ayon ni Junieya
"Pano kung di sila?"sabi ni Irish
"Wag ka ngang mag bulag bulagan diyan,obvious naman na kinaibigan nila tayo para makatulong sa panliligaw ng lalaking yun kay Jane para mas mapadali ang plano nila"

YOU ARE READING
I Should Have Known
Teen FictionLet's play truth or dare or maybe just dare because no one knows how to tell the truth anymore. (2015)