Chapter 15
Roden's POV:
Nagulat ako sa sinabi ni Mr.Seo kanina na anak niya si Patricia kahit nung mga bata pa kami ,iba ang mga magulang niya at nasisigurado ako dun,hindi kaya inampon siya?pero imposible walang nababangit si Patrick samin atsaka mayaman sila Patricia,itatanong ko nalang kay Patrick pag tapos ng party.
Kanina pa text ng text sakin si Patricia kesyo may alam daw siya samin dalawa ni Jane syempre tagal ko nang sinabi sa kanya yun eh syempre child hood friend ko siya eh hindi ko nalang siya ni replyan, nag eenjoy ako dito sa party dahil kasama ko si Jane pero sinisira niya
Pero nagulat ako sa sunod niya na text
"I know that you were just fooling Jane all this time because everything is just a DARE!"
Kaya nataranta ako na baka ikalat niya ,tapos na ang issue na yan eh tinigil ko na ,pero sisirain pa niya
Nag excuse ako sa barkada at kay Jane na mag C-cr lang ako ,ang hirap magsinungaling.
Pinapunta ko siya sa garden medyo malayo sa pinagdadausan ng party para makasiguradong walang makakarinig.
Naghintay ako ng ilang segundo at dumating na siya
"Grabe ka naman!Excited ka talagang makita ako noh!haha" nababaliw na siya
"Patricia ,mag seryoso ka nga at hindi ako nakikipaglokohan sayo!" nakakainis na siya
Biglang nagseryoso ang mukha niya at tumingin ng matalas sa akin.
"Ako din naman ah!"
"Pano mo nalaman?!"
"Ang ano?"
"Don't act as if you don't know,kakatext mo lang kanina sakin eh!" napipikon na talaga ako
"Ah yun ba?,madaldal kasi ang kaibigan mo kaya narinig kong nag-uusap sila sa bench dito sa school"
Yun talagang mga yun ,masking tape ko kaya mga bibig nila.Pahamak eh!
"Wag mong ipagkakalat!hindi yun totoo"
------------------------
3rd Person POV:
Habang nagsisigawan ang dalawa hindi nila alam na may papalapit sa kinaroroonan nila(si Jane)
Ng makalapit na si Jane banda sa bushes nakita siya ni Patricia nakatalikod kasi si Roden kay Jane kaya si Patricia lang ang nakakakita kay Jane
"Anong wag ipagkalat?na dare lang lahat ng panliligaw mo kay Jane at hindi mo talaga siya mahal?!haha!
Sinadya talaga niyang iparinig kay Jane
Matagal bago nakasagot si Roden ang gulo kasi kausap ni Patricia
Nakita ni Patricia na tumulo ang mga luha ni Jane,yan napapala ng mga assumera hahaha
Tumakbo na si Jane bago pa makasalita si Roden, ayaw niyang masaktan pa lalo kaya tumakbo nalang siya ng tumakbo
"Hindi yun!"
Narinig naman ni Roden na may mga yapak kaya lumingon siya sa likod niya nanlumo siya ng makita niyang tumatakbo si Jane palayo
"Jane!!!" tawag niya dito pero hindi siya nito pinapansin,narinig niya ang lahat ng dahil kay patricia,kung hindi lang siguro to babae baka nasuntok niya na ito

YOU ARE READING
I Should Have Known
Teen FictionLet's play truth or dare or maybe just dare because no one knows how to tell the truth anymore. (2015)