Chapter 16
Roden's POV:
Lalapit na sana ako sa kanila ng may humawak na naman sa balikat ko,paglingon ko si Jam at ang barkada kasama na rin ang mga babae hinanap siguro kami ,lumapit naman ang girls kila Jane
"Ano bang nangyari kay Jane?Clyde?" halos sabay na tanong nila kay Imperial
"Nakatulog siya sa kakaiyak" sabi naman niya
Tinapik naman ako ni Jam
"Ano bang nangyari dito tol?" tanong niya
"Yan eh!may balak atang masama kay Jane!" sabay duro ko sa Imperial na yan
Lalapitan ko sana siya ng pinigilan na naman ako ng barkada
"Ano ba!wag niyo nga akong hawakan!sasapakin ko pa yan eh!"
Pero hindi nila ako binibitawan,sasapakin ko talaga ang lalaking yan.
"Hoy!wala akong balak na masama kay Jane!at wag mo ngang baliktarin ang sitwasyon alam ko na ikaw ang dahilan kung bakit siya umiiyak kanina" sigaw niya rin
Napatigil naman ako dun,hindi ko naman itatanggi yun.
"Pero----"
"Tama na!wag nga kayong mag-away dito kita niyong natutulog si Jane tapos nagsisigawan pa kayo,at kayo ha!kausapin niyo yang kaibigan niyo!" salitang may diin ni Erroleene sa barkada at sabay turo sakin,galit na rin sakin ang barkada ni Jane tss,ano ba tong pinasok ko?!
"Tara na Clyde,dun nalang natin siya dalhin sa sasakyan ko" sabi ni Kristine sabay lakad nila paalis sumama naman yung Alex at Kevin, so kakampihan pa nila yang Imperial na yan ,tss sakit sa ulo
Napahawak nalang ako sa ulo ko!Kasalanan ko to!
"Ano bang nangyari kanina tol?" tanong ni Mac kaya napatingin ako sa kanila
Kasalanan niya to at ng barkada siya gumawa ng dare na yun eh
Tinitigan ko siya ng masama at sinuntok natumba naman siya
"Kayo!kayo ang may kasalanan yang mga bibig niyo kung sana tinitikom niyo lang yan hindi sana kayo narinig ni Patricia tungkol sa punyetang dare na yan, wala sanang mangyayaring ganito!"
"Wala namang sisihan pre,nakakalimutan mo atang pumayag ka sa dare na yun!"sumbat sakin ni Mac sabay punas ng dugo niya sa labi
"Ano ba Rods huminahon ka nga!" sabay tulak sakin ng mahina ni Jam,eh gago pala siya eh pano ako magre relax kung alam kong galit sakin si Jane
"At hindi namin kasalanan kung may lahi pa lang tsismosa yang kapatid ni Patrick!" sabat naman ni James
"Hindi ko siya kapatid inampon lang siya ni Dad at wag mo siyang sasabihan ng ganun"
"Totoo naman eh!" sabat naman ni Ash
Ha?!panong nangyari yun?!sh*t ang sakit na ng ulo ko kakaisip
"Tumahimik nga kayo!lalo lang lalala ang sitwasyon kung mag aaway lang tayo!" sigaw ni Ar
minsan lang to magalit pero grabe,kaya napatigil kami,tama siya."Sorry sorry nabigla lang ako" sabi ko sabay takbo paalis ng dahil sakin muntikan nang mag away away ang barkada.
"Tol!!!" sigawan nila pero hindi ko sila pinansin
Hindi na talaga ako mapapatawad ni Jane ,ikakamatay ko yun pagnangyari yun.
Nag commute nalang ako at tenextan si Manong Ruben na umuwi na dahil may iba kaming pupuntahan ng barkada,nagsinungaling ako kailangan ko talagang mapag-isa
YOU ARE READING
I Should Have Known
Teen FictionLet's play truth or dare or maybe just dare because no one knows how to tell the truth anymore. (2015)