Chapter 21:
Naglalakad na kami pabalik ng bahay ni Clyde
"Uy!humugot siya sino ba yun?,yung girlfriend mo?"
Ano ba tong pinagsasabi ko?ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito,naka move on na ba ako sa kanya?
Oo naman kasi matagal ko nang tanggap na kaibigan lang talaga kami
Tinignan ko naman siya sa mata nakakakita ako ng sakit at pagtataka sa mga mata niya
Bakit?may nagawa ba ako?
Yumuko na lang ako baka kasi below the belt na pala yung mga nasabi ko
Siguro may problema sila ng girlfriend niya
"Sinong girlfriend?"
Napatingin ako sa kanya
Ako naman ngayon ang nagtataka
"Yung yumakap sayo sa field nung isang araw"
Napaisip naman siya tapos biglang nayamot yung mukha niya
Ano ba talagang problema niya?
"Tss,hindi ko yun girlfriend"
Ha?Panong hindi?
Nang makita niya akong nalilito nag explain siya
"Nagkamali lang siya akala niya ako yung boyfriend niya yun pala si Layron malay ko baka isa sa mga babae niya"
H-ha?edi nagpakagaga lang pala ako iyak dati?
Silly of me -_-
"Ah,I thought------"
"Kaya mo ba ako iniiwasan dati dahil dun?"may bahid nang lungkot na sabi niya sa akin
Anong sasabihin ko???!!!
Pero teka gusto niya na ba ako?
Tss ang assumera ko naman
Pero anong sasabihin ko?!!!
"Uyyy tutunga nalang ba kayong dalawa diyan?!o ilalagay na natin yang bulb na hawak niyo!"
Oh yes!
My knight and shining armor cousin hahaha
Nakarating na pala kami sa bahay ng di namin namamalayan
Kinuha ko sa kamay niya ang bulb at binigay na kay kuya
"Ito kuya oh!ingatan mo baka sumabog na naman,tara Clyde ipaghahanda na kita nang meryenda mo"
Para ma iba lang ang topic
Sumunod naman siya
Naiilang tuloy ako shit to the max naman eh...
Pumunta na ako sa kusina at kumuha ng orange juice at meryenda niya
Napabuntung hininga nalang ako
Binuhat ko na ang tray
"Okay Relax wooh!"
Aalis na sana ako nang...
"Hoy!"
"Ay taeng kulay violet!"
Bwesit talaga tong pinsan ko oh!
Malapit na tuloy mahulog yung tray"May tae bang ganun insan?Mukhang stress ka ha?yaan mo libre kita bukas,just leave it to me baby haha"sabi niya at kumuha ng cookies sa tray tss marami pa naman
Yaan mo na!
"Yucks!kuya!"
Pinagtitripan na naman ako nang isa na ito tss

YOU ARE READING
I Should Have Known
Teen FictionLet's play truth or dare or maybe just dare because no one knows how to tell the truth anymore. (2015)