7:00 AM
Umagang kay lamig.!!
Naku! Late na naman ako. As usual, sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi naman akong late. (correction: hindi pala araw-araw, tuwing Sunday, hindi pala ako late, eh walang pasok eh, ito lang ang araw na nakakapag pahinga ako.) Tumalon ako sa kama ko at nagmadali ng gawin ang lahat ng dapat gawin, kamuntik ko na ngang makalimutan magsipilyo eh. Nakasakay naman ako agad ng multicab papaunta sa direksyon eskwelahan na pinapasukan ko. Traffic, ang ingay, mausok, malamig at sari-sari pa ang nararamadaman ko sa loob ng sasakyan. Nagsisikipan kami sa loob ng sasakyan natila ito na ang huling sasakyan sa mundo. Nagulat ako ng biglang nahinto ang sasakyan, may bababa lang pala at muli naman itong pinatakbo ni Manong. Nagiisip ako ng kung anu-ano, nakaka-Senti nga talaga ang ulan. Bakit kaya tuwing umuulan madalas nakatitig sa kawalan ang mga tao na para bang may iniisip na malaking problema o ano kaya ang mangyayari sa kanila sa buong taon o may nasagasaan na maliit na daga sa kalye o 'di kaya'y magugunaw na ang mundo. Hay, h'wag naman sana. Nagising na lang ako sa kasalukuyang panahon ng biglang si manong, " College na ba lahat?", sumagot naman 'yung guro sa tapat ko, "Oho manong, college na po lahat". Ano naman 'yung "College"? 'yan na ba 'yung kapag nakatapos ka na sa sekundarya? Ang "college" na tinutukoy dito ay 'yung lugar kung saan matatagpuan ang eskwelahang pinapasukan ko. Bigla namang nahinto ang sasakayan, may bumaba na naman at saka dirediretso si manong sa pagmamaneho. Nagulat ang lahat pati na rin ako, "Akala ko ba mag soshort-cut 'yung driver?" tanong ng isang estudyante. Nakita ko namn 'yung guro sa tapat ko na tumitingin sa driver 'yung tipong tingin na nanlilisik ang mga mata. Nabasa ko naman agad ang nasa isip ng guro. Oo nga no.? Tinanong kanina ni manong kung college na ba daw lahat, akala ko rin mag soshort-cut siya. Napaka tlaga ni manong oh. Hahay.!!
Nakarating ako sa eskwelahan mga pasado 7:30. Late na nga talaga ako sa duty ko. 7AM nag duty ko tapos dumating ako ng pasado 7:30, sino ba naman ang hindi sasabunin ng manager kuno namin sa canteen ng eskwelahan. Palagi naman ako late ah, pero ngayon lang ako nalate ng ganito, napouyat kasi ako sa kababasa ng mga libro ni Bob Ong kagabi na hiniram ko lang sa bestfriend ng kaibigan ng kasintahan ng kaklase ng lolo ng aso kaibigan ng pusa ng ibon sa kalye onse sa tapat namin. In short sa kapitbahay namin. Nakadalawang libro ako 'yung unang libro "Kapitan Sino", maganda to maraming aral na matututunan, 'yung isa naman "Ang mga kaibigan ni Mama Susan", ito 'yung libro na nagpatindig ng balahibo sa lahat ng parte ng katawan ko, medyo nakakanginig ang storya ang hindi ko lang naintindihan ay ang ending, Latin kasi at inaantok na rin ako. Teka, nasabi ko na bang isa akong working student sa pamantasang pinapasukan ko? Wala pa 'di ba? Oo, isa akong working student at sa canteen ako na destino. Hindi kasi ako dito lumaki, sa bukid ako nag elementarya at nag sekundarya, ngayong collge ko lang napag isip-isip na dito sa siyudad mag patuloy ng pag-aaral. Balik sa normal na panahon, may abnormal ba na panahon? Nalate na nga ako at tuluyan na akong hindi nakapagduty, idadahilan ko na lang kay ma'am na nagka soar eyes 'yung alaga kong aso o nadulas sa banyo 'yung pusa namin kaya napilayan o na traffic ako o nahulog sa imbornal ang pamasahe ko o nagka-LBM ako o 'di kaya'y nabangga ang sinasakyan ko, ah basta ang dami kong naiisip na idadahilan, dito talaga ako magaling.
8:45 AM
Dahil sa hindi na nga ako nakaduty, dumiretso na lang ako sa Library, ito 'yung tambayan ng mga estudyanteng nalelate, nagka-cutting class at nagdedate. Nagdedate?? Sa loob ng library? Hanep ah! Hindi man lang nasindak sa matalin at sobrang taas na kilay ng Librarian. Ang dami kong nakikitang mga ganoon ngayon dito. Narito ako ngayon sa sulok sa likod ng mga shelves ng mga libro na animo'y panahon pa ni Lapu-Lapu at Magellan sa sobrang luma at inaamag na. Sakto namang kakilala ko ang nadestino dito na working kaya pinayagan niya na ako. Kapag wala kasi akong mahalagang ginagawa, hilig ko talaga ang mag sulat ng kung anu-ano, ito lang ang past time ko. Nagsusulat ako ngayon at sinisimulan ang aking talaarawan na kanina ko lang naisipan gawin. Sa pagiisip, ayun nakatulog ako ng nakasandal ang ulo ko sa katapat kong shelf. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin sa mahigit siyam na oras kong mahimbing na pagtulog. Siguro bunga ng pagkapuyat ko kagabi.
6:15 PM
Nagising na lang ako ng may gumagalaw sa akin at biglang sinundot ang ilong at pwet ko. "Ay! Puchang anak ng!". "Hoy! Gising! Magsasara na ang library iho". Napatigin ako sa wall clock ng library mag 6:30 na pala, hindi na ako nakapasok sa mga klase ko. Nakita ko na lang na nasa sahig na ang pulag notebook ko, pero nasaan na nag ballpen ko? Ang mahal pa man din 'nun tapos mawawala lang. Habang hinahanap ko ang mamahaling ballpen ko, may bigla akong nahawakan sa ilalim ng shelf na nasa tapat ko lang. "Ano ito?" ng akma kong sisilipin sa ibaba ay wala naman, ngunit ang nakita ko lang ay ang mamahalin kong ballpen na gumugulong papalapit sa akin. Dinampot ko ito sabay tayo na, saka ko lang napansin na hindi ko na maaninag si Manong Janitor, napaka weirdo tlaga ni manong. Bumaba na ako at dali-daling lumabas na ng library na kung titingnan sa loob ay bagong-bago pa, ngunit sa labas ay tila haunted na gusali na inabando na, sa bagay kung iisipin mo napakatagal na talaga nitong library, isa ito sa mga unang gusali na itinayo dito sa pamantasan panahon pa ng hapon. Dumiretso na ko sa pag-uwi ang dami ko pang dapat tapusin sa bahay.
(Henz! kakain na tayo.) tinatawag na ako ni Tiya Dita.
(Opo. bababa na po!) tugon ko naman
Oh sige hanggang dito na lang muna ang kwentuhan. Bukas na naman ulit.
P.S. Totoo kaya na may nahawakan ako kanina sa ilalim ng shelf? Kung totoo man 'yun, ano naman kaya 'yun?? Guni-guni ko lang siguro. Bye!
BINABASA MO ANG
Dear Diary, Want to make a New Entry
RandomAng ibang kaganapan sa librong ito ay base sa orihinal na pangyayari sa buhay ng may akda at ang ibang pangyayari naman ay kathang isip lamang, kung baga pa ay partly real ang librong ito. Ito ay isinulat ng may akda dahil gusto niyang maipamahagi a...