Friday, October 11, 2013

16 1 0
                                    


6:30 AM

Dumaan ang ilang araw ng lagi ko pa ring naiisip kung ano man yung nahawakan ko sa ilalim ng book shelves sa library. Ewan ko ba parang hugis paa na di ko mawari kung ano ba talaga yung nahawakan ko. Naglalakad ako ngayon sa pathway ng pamantasang pinapasukan ko papuntang canteen kung saan ako magtatrabaho. Maaga akong nagising dahil naalimpungatan ako dahil dun sa nahawakan ko. Lagi kong napapanaginipan ehh, ewan ko ba parang may masamang pahiwatig sa buhay ko o kung ano man. Hindi ako makapag trabaho ng mabuti, lagi kong naiisip. Napahinto ako ng nasa tapat na ko ng library, sabay tingin sa orasan ko, quarter to 7 pa may oras pa naman ako para dumaan sa library at magtanong sa janitor dun. Hindi rin naman ako malelate dahil sa susunod na building na rin naman ang canteen, so nag lakas loob ako na pumasok sa library. Wala pang katao tao, siguro ang makikita mo lang sa loob ay ang masungit na librarian at iilang mga estudyanteng gaya ko nagtatrabaho sa pamantasan upang magkaroon ng libreng pang tuition, kung baga pa ay working students. Nakita ko yung kaibigan ko na working student sa library, si Joy. "Hi Joy! Good Morning.". "Oh Henz ikaw pala. ang aga mo namang mag study?". "Hindi ahh! may itatanong lang sana ako kay manong.". "AHH! mamaya pa yun! balik ka na lang mamayang hapon mga 4pm nandito na yun.". "Hmm. okay Joy. Salamat!". "Sige Henz! uy! mag 7 na ohh! di ba 7 ang duty mo??". "Hala! patay! sige mauna na ako. Salamat ulit! Kita na lang mamaya sa accounting!". At kumaripas na nga ako ng takbo ngunit sa hindi inaasahan ay nabundol ko ang isang babaeng maraming dalang libro. "Ayyy! Ano ba yan!" sigaw nung babae. "Hala! sorry miss. Hindi ko sinasadya." sabay tulong sa pagpupulot ng mga librong nagkalat sa sahig. "Sa sunod kasi tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Nakakasakit ka ng tao ehh!" maldita niyang tugon habang nagpupulot din ng mga libro. "Sorry na nga miss. Hindi kasi kita nakita ehh." sabay napatawa ng patago. Talagang hindi ko talaga siya makikita, ehh ang liit niya kasi eh. mga tantiya ko nasa 4'11" lang tong babaeng to eh. Maganda siya, may pagka maputi, matangos ang ilong, mauumbok na labi at mapupungay na mga mata. Average naman ang laki ng katawan niya, perfect na nga sana siya ehh. Height lang talaga. HEIGHT lang! "Tulungan na kita, miss". "H'wag na!! kaya ko naman ehh!" galit niyang tugon. "Okay. sige mauna na ako. Bye!" sabay kaway sa kanya ng naka ngiti.


5:30 PM

Dong.. Dong.. Dong.. Dong......... Dong.. Dong.. Dong.. Dong.........

First bell na! Dali dali na naman akong tumakbo papuntang klase ko. Major subject ko ngayon, Accounting. Galing ako sa back gate ng pamantasan para mag mirienda ng banana que at turon pati na rin mag BJ! (Buko Juice po. Ang dudumi ng isip niyo ahh!) Ang layo pa man din ng building kaya tinakbo ko na ehh nakakatakot kayang ma-late sa major subjects lalo na kapag ang Prof. niyo ay halos magmukhang tigre at ugaling buwaya. Mukhang tigre dahil mukha naman talaga siyang tigre at ugaling buwaya dahil ang kuripot magbigay ng grado yung tipong 1 point na lang hindi pa niya ibibigay para makapasa. Nasa ground floor na ako tumatakbo pa akyat ng classroom, ehh nasa 5th floor pa naman ang mga Accounting rooms dito. Bakit naman kasi hindi sila naglagay ng elevator o di kaya'y escalator dito para hindi mapagod ang mga estudyante at Prof na umakyat baba ng building, ang laki pa man din ng matrikula dito sa pamantasang ito. Nag hahakbang na ako sa hagdan ng biglang. 'BOOOOGGSSHH!' May nabundol na naman akong babae. Kumokota na ako ngayong araw na ito sa pag bundol ng mga babae ahh, malas na araw naman to ohh! "Arayyyy! Ano ba yan? ang lawak lawak ng hagdan ehh...." napahinto ang babae ng magkatinginan kaming dalawa. "IKAW NA NAMAN!! O_O" nag chorus pa kami sabay turo sa isa't isa. "Ikaw! sinasadya mo talaga na mabundol ako ahh!" sigaw niya. "Hindi ahh! kasalanan ko bang haharang harang ka diyan? at isa pa ehh ako naman ang nasa tamang daan oh. WALK RIGHT nga po di ba?" pagpapaliwanag ko naman. Hindi na sumagot ang babae dahil tama naman ang sinabi ko ehh. May mga kasama siyang tatlo pang mga babae, siguro mga barkada niya o kaklase niya mga yun. Tumakbo na ako pa itaas dahil male-late na ako. Iniwan ko na sila dun, bahala sila wala naman akong kasalanan ehh atsaka hindi ko naman mga kilala yung mga yun.


8:45 PM

Naglalakad na kami ng mga barkada ko sa pathway pa labas ng pamantasan ng makasalubong ko si manong (yung janitor nung may nahawakan akong kakaiba sa library). "Mauna na kayo sa gate, susunod na lang ako.". "Oh sige!" sagot ni Rain isa sa mga barkada ko. Bumalik ako, tinapik ko si manong. "Manong, may itatanong lang po sana ako.". "Oh! ano yun iho?". "Tungkol po sa library.". "Ahh. itatanong mo ba ang tungkol sa mga nakatira sa library?". Natahimik ako sa sinabi ni manong at naguluhan. "Nakatira po? Sa library? Ano pong ibig niyong sabihin manong?". "Oo, ang sabi sabi dito ay may mga nakatirang hindi natin kauri sa library.". "Hindi natin kauri? Ano po? Alien? Halimaw? Multo?". "Hindi naman ako naniniwala sa mga ganyang bagay eh magmula nung madestino ako sa library biglang nagbago.". "Nagbago po ang alin?". "Biglang nagbago ang pananaw ko sa kanila, mula ng sa library na ako na destino. Minsan nung ako'y naglilinis merong biglang malamig na hangin ang dumaan sa batok ko.". "Ehh baka naman po, dumaan kayo sa may aircon, kaya po biglang lumamig ang batok niyo.". "Hindi iho, magkaiba ang lamig na nanggagaling sa aircon dahil ito ay diretso lang pero ang lamig na mararamdaman mo na nanggagaling sa kanila ay kakaiba, para bang may umihip sa batok mo ng sadya pero paglingon mo ay walang tao, tapos biglang mawawala ang lamig, maya-maya ay babalik naman, yun parang pinaglalaruan ka nila.". Bigla naman akong kinilabutan sa mga sinabing yun ni manong. Hindi naman talaga ako natatakot sa mga multo, minsan nga nanonood kami ng horror sa bahay, eh lahat sila kanya-kanyang tili at takip sa mga mata kapag intense na ang eksena, ako naman parang wala lang na nanonood ng movie. Minsan nga eh nanonood ako ng horror mag isa at nakapatay pa mga ilaw. Hindi naman ako naniniwala sa kanila unless na magpaparamdam at magpapakita sila sa akin. Naku! ibang usapan na yun. "Ehh manong ako nga po pala yung ginising niyo nung lunes sa library.". "Ahh, oo natatandaan na kita.". "Bakit mo nga pala natanong ang tungkol dito?". "Wala naman po. Itatanong ko lang rin po sana kung may nakita po ba kayong ibang estudyante maliban po sa akin nung mga oras na yun?". "Wala naman. Eh tatatlo na lang tayong natitira nung gabing yun. Ikaw, ako at yung Librarian.". "Nasaan po yung librarian nung gabing yun?". "Hmmm. Nasa office niya nag aayos ng gamit niya, pauwi narin kasi siya nun eh.". Pagkasabi ni manong nun ay napalunok ako ng isang malaking laway sa lalamuna ko. "Ahh ehh. sigurado po ba talaga kayong wala na kayong nakitang tao maliban sa akin?". "Wala na. eh kung meron pa ay sisitahin ko na rin sana. Bakit?". "Manong kasi meron po akong nahawakan nung iniaabot ko ang ballpen ko tagos sa kabilang shelf na tinulugan ko.". "Ahh baka libro lang yun. meron kasi talagang mga libro na nahuhulog sa ilalim ng mga shelf eh.". "Meron po bang librong korteng paa dito sa library?". Pagkasabi ko nun ay biglang natigilan si manong at parang nag iisip. "Iho, may sasabihin ako sa'yo kahit na ang librarian ay hindi pa ito alam. H'wag mong sasabihin na kahit kanino". "Ano po yun manong?". Nagsimulang nagkwento si manong ang dami nyang na ikwento tungkol sa library. Ang tanging natatandaan ko lang ay nung minsan ay naikwento sa kanya ng dating janitor ng library na merong babaeng nakasuot ng lumang uniporme ng pamantasan na gumagala sa loob ng library, duguan at kumakanta." Biglang may tumapik sa likuran ko. "Ohh Rain, ikaw pala.". "Henz kanina ka pa namin hinihintay sa gate, mag 9:30 na ohh, yung iba nauna ng umuwi.". Humarap ako sa direksyon ni manong para ipakilala si Rain pero bigla itong nawala. "Manong....??? Ohh asan na yun? Kanina lang nandito yun ehh". "Teka, sino bang kinakausap mo dito?". "Wala Rain. sige uwi na tayo.". Ang dami ko pa sanang gusto itanong at malaman kay manong, napaka weirdo talaga niya. Sabay na kaming umuwi ni Rain dahil magkapitbahay lang rin naman kami.


(Tok! Tok! Tok! Henz! matulog ka na! Pasado 11PM na oh! Nagpupuyat ka naman!) galit na tono ni Tiya Dita.

(Opo tiya! Tatapusin ko lang tong sinusulat ko.) Tugon ko.


Ohh sige dito na lang muna. Pinagsabihan na naman ako ni Tiya Dita. Lagot naman ako nito bukas.


P.S. Lapitin ako ng mga babae ngayong araw. Una yung babaeng nabundol ko ng dalawang beses at yung sinasabing babae sa library ni manong. Ano naman kayang misteryo ang dala nito sa buhay ko?...

Dear Diary, Want to make a New EntryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon