Wednesday, October 30, 2013

3 0 0
                                    



4:25 PM

Last day na ng Exams, Heto nagbabasa ako ng ilang mga lesson sa Accounting dito sa paborito kong spot ng library. Pinakadulong upuan malapit sa hagdan kung saan ay naroon ang CR ng mga babae. Naka earphone habang nagbabasa tama lang para may marinig pa rin akong ingay at para malaman kung may paparating o papalapit sa akin. Ramdam kong parang may nakatingin sa akin sa madilim na sulok ng mga book shelves, pero hindi ko ito pinansin, baka naman kasi guni-guni ko lang. Nagpatuloy ako sa pagbabasa nang may narinig akong footsteps na papalapit sa kinaroroonan ko, habang tumatagal ay lumalakas ito, 'yung para bang nagdadabog na lakad. Pinapakiramdaman ko muna 'yung mga hakbang, naisip ko rin kasing pinagtitripan lang ako ni Rain, naikwento ko rin kasi sa kanya 'yung nangyaring 'yun. Heto na, parang nararadaman ko nang nakatayo na sa likuran ko 'yung kanina pang nagdadabog maglakad. Habang hawak ko ang course pack na binabasa ay dahan-dahan akong yumuko, para masilip kung sino man 'yang taong nakatayo sa aking likuran. Pero hirap akong makita kung sino man siya, kaya ang naisip ko naman ay, pakunwaring maihulog ko ang aking ballpen at pupulutin ito para masilip ko kung sino man siya. 'Boog!', habang ako'y nakayuko para makuha ang ballpen, may nakita akong paang puno ng magkahalong dumi ng putik at dugo. Hindi ko ito masyadong nakita ng mabuti kaya tiningnan koi tong muli. Pagkakita ay dali-dali kong kinuha ang ballpen at bumalik sa ayos na pagkakaupo, pero nagulat ako nang may nakita akong babaeng nakatayo sa aking harapan na puno ng putik at dugo ang kanyang suot na lumang uniporme ng pamantasan. Umiiyak ito habang binibigkas ang mga katagang, "Tulungan mo ako, tulungan mo ako, tulungan mo ako.". Sa sobrang gulat ay napasigaw ako at napatayo nang paatras sa aking kinauupuan, "Arrgghhh!". Nagsitinginan ang ilang mga estudyanteng nakaupo aking likuran na may halong pagtataka sa kanilang mga mukha. Narinig ko rin ang, "Ting! Ting! Ting!" na nagmumula sa bell ng librarian, hudyat 'yun ng pag warning sa ingay na dulot ng aking pagsigaw. Bigla namang may humawak sa aking balikat na siya namang ikinagulat kong muli, "Ahhhhhhh!". "Ohhh! Anong nangyari sa'yo Henz?? Ba't nagsisisigaw ka dyan na mukhang nakakita ka ng multo?". "Ahh, Joy! Ikaw lang pala! Wala! Masamang panaginip lang, eh, nakatulog kasi ako sa kababasa ng Accounting.". "Ahh, akala ko kung napano ka na?". "Oh! Asan na 'yung iba? Ba't 'di mo sila kasama?". "Susunod na lang daw sina Rain pati na rin 'yung iba, kumakain pa ng fishball at kikiam sa front gate.". "Ah, sige.". Napag-usapan kasi naming mag group study para naman makapag-brain storming kami, 'yung magtatanungan. Sa ganoong paraan kasi ay mas madali naming maintindihan ang mga lesson, gaya ng Assets – Liabilities = Equity. Sa kurso kasi naming eh dapat mabilis kang mag isip at dapat pamilyar ka sa mga accounting methods, hindi lang kasi basta theory ng accounting o mismong pagbibilang ng pera at utang ang pag aaralan mo, kundi pati na rin kung papano mo ito mai-aapply sa realidad na panahon. Mga ilang sandali pa'y dumating na 'yung iba pa naming kasama, dumiretso na kami sa Discussion Room #4, kung saan pwede kaming makapag ingay, siyempre naman, eh meron bang nag-tatanungan na tahimik? 'Di ba wala naman?. Atsaka may warning na ako kanina, baka kung mag iingay pa kami dito sa labas ay ma kick-out na kami dito sa library ng sobrang sungit na librarian na parang pinag bagsakan ng langit at lupa! Laging galit! Menopausal na ata eh! Hahaha! Joke! Baka isumbong niyo pa ako eh.


5:15 PM

Dong... Dong... Dong... Dong............... Dong... Dong... Dong... Dong..................

Mga halos mag isang oras 'din kaming nasa loob ng Discussion Room. Sa mga unang minuto lang kaming nag-brain storming, ayun! Ang group study 'daw' ay nauwi s kanya-kanyang agenda. Merong nag kukwentuhan kung ano na bang nangyari sa paboritong teleserye, ang iba naman ay nag dodrawing, ang iba ay natulog, kasi mas maganda daw 'yung relax ang utak mob ago mag exam at 'yung iba naman ay ginawang parlor ang Discussion Room. Hahaha life of a student nga naman. First bell na! Kanya-kanyang dasal ang mga mokong! Kesyo wala daw silang naintindihan, kesyo sana madali lang ang exam, kesyo sayang daw 'yung oras namin kanina, sana nagbasa na lang daw sila. Hahay! Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Sabay-sabay na kaming lumabas ng Discussion Room, nang pababa na kami ay parang may nakita akong isang babaeng pumasok sa Ladies Room o CR pambabae, na kung ikaw ay pababa, ito ang una mong madadaanan bago ka makarating sa hagdan, nagtaka ako dahil lage namang 'Out of Order' ang CR na 'yung sa second floor, sa baba lang ang gumagana. Napa mura ako sa aking isipan bigla ko namang naalala 'yung babaeng nagpapakita sa akin. Aalisin ko na lang siya sa aking isipan ng sagayong makapag-concentrate ako sa aking exam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Diary, Want to make a New EntryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon