Sunday, October 20, 2013

7 1 0
                                    


9:30 AM

Ang aga naman ng call time ng practice namin para sa sayaw, kung sa bagay ay puspusan na rin kasi ang practice ng ibang mga klase eh. Malapit na kasi ang competition, mga ilang araw na lang eh sasabak na kami, ayaw rin naman naming biguin si Miss Santiz eh, gusto talaga naming manalo, pride na rin 'yun ng klase pati na rin ni Miss Santiez. Ang bilis natapos ng linggo, heto nasa kalagitnaan na kami ng aming sayaw, konte na lang ay matatapos na namin, konteng finalize na lang at blocking ng sayaw. Narito kami ngayon sa plaza nag papractice, ang daming ibang klase dito, ang iba nga ay halos tapos na nila ang kanilang sayaw. Tapon doon, tapon dito, lifting doon, lifting dito, konteng bali ng katawan, kembot at kung anu-ano pang mga steps. Hindi talaga ako sanay na sumayaw, yung tipong ipagawa mo na lahat sa akin h'wag lang ang sumayaw, sa tigas ba naman ng katawang to at parehong kaliwang mga paa. Heto pa, dagdagan pa ng kaparehang hindi marunong mag cooperate, eh halos hindi magpahawak, paano naman kaya kaming maka sabay at makasayaw niyan, ni dulo ng daliri hindi nagpapagalaw, ubod pa ng taray. Lage na nga kaming pinapagalitan ng leader ng grupo namin eh, kami laging napapansin dahil sa kaartehan nitong babaeng 'to. "Henz at Maja! Ano ba 'yan? Lampas isang linggo na tayong nag papractice eh, hindi niyo pa rin magawang magdikit o maghawak ng kamay?!!" pasigaw na salita ng leader na siya ring nagtuturo ng sayaw. "Ayusin niyo 'yan ha! Malapit na ang competition, dapat magawan niyo yan ng paraan!" dagdag pa niya. Napa buntong hininga na lang ako sa mga narinig ko, ramdam ko rin ang hangin na tumatama sa aking dibdib na siya ring nagmumula sa aking kapareha na kanina pa tahimik. Ako na ang nag lakas loob na hawakan ang kanyang mga kamay, bahagya naman siyang nakatingin na may halong pagkagulat sa kanyang mukha. Napapikit at hinihintay ko na lang na merong kamay na dadampi sa pisngi ko, pero wala. Pinagpatuloy ko ang paghawak sa kanyang kamay, wala naman siyang reaksyon sa ginawa ko. Sinasabayan niya lang ako sa pag sayaw hanggang sa matapos. "Okay that's it for now guys, mamayang hapon na naman, dito rin tayo, same place. Okay ba?" pag mamando ng leader. "Okay!" sabay namang sagot ng lahat. "1:30 tayo mamayang hapon ah, h'wag kalimutan, baka yang iba diyan male-late naman." dagdag pa niya. Natamaan naman ako sa sinabi ng leader na male-late, lagi kasi akong late eh. Papunta na ako sa tabi para kunin ang aking bag ng may nakita akong isang pink na panyo na nahulog sa lupa, pagdampot ko ay nakita kong may nakaburdang malaking letter 'M'. Naisip ko naman agad na bakasakaling sa kanya 'yun, agad ko siyang hinanap, pero hindi ko siya makita, nagpasya na lang akong itago ito.

Mag 1 pm na ng mag GM (group message) ang leader namin. ---Bzzt. Bzzt--- "Guys! Cancel na ang practice natin ngayong hapon, may pupuntahan kaming importante ni Mama ngayon. Make sure na lang guys na memorize niyo ang mga steps at kung pwede i-familiarize niyo mga figures ng sayaw. 'Yun lang guys. Love lots :*". Natuwa naman ako ng mabasa ko ang text ni leader, ang sakit na rin kasi ng buong katawan ko eh, kailangan din ng pahinga. Ngunit biglang nagbago ang emosyon ko ng ma realize na wala kaming practice, ibig sabihin hindi ko siya makikita. Nalungkot ako, bigla ko namang naisip na nasa akin pala ang panyo niya. Sabay labas nito sa aking bulsa at amoy nito, ang bango ng panyo niya, 'yung amoy na hindi mo maipaliwanag, na sa kanya mo lang maaamoy. Distinct kung baga pa.


4:00 PM

"Body of Christ". "Amen" tugon ko naman. Pabalik na ako ng aking inuupuan ng makita ko ang isang pamilyar na mukha habang naglalakad. Nakita ko siyang may kasamang lalake, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kinaroroonan nila. Nakita ko ring napatingin siya sa akin na may halong pagkagulat, akma ko namang ibinaling ang aking atensyon sa daan habang naglalakad pabalik sa aking inuupuan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa nakita. Wala naman akong karapatang magalit, sa sandaling nakilala ko siya ay tila nag iba na ang tingin ko sa kanya. 'Yung dating tingin ko na mataray siya at galit sa kanya, biglang napalitan ng selos. Ewan ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako nagkakaganito. Siguro may gusto na ako sa kanya, pero hindi naman pwede 'yun eh kakakilala ko lang naman sa kanya. Siguro ay nadadala lang ako sa mga nangyayari. Siguro nadadala lang ako sa sayaw namin. Ewan! Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko sa kanya lalo pa't ngayon nakikita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Nitong nagdaang linggo lagi siyang laman ng isip ko, mula nung nasa library pati na rin 'yung nasa hagdan. Bigla naman akong natawa nung naiisip ko mga bagay na 'yun. Pati na rin 'yung nasa Mall, na nagkasagutan kami sa harap pa ng nanay niya. Haha. Siguro papalipasin ko lang 'tong sayaw na ito, baka naman mawawala na itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya kapag natapos na ang competition. Sana nga, sana mawala.

Dear Diary, Want to make a New EntryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon