Saturday, October 12, 2013

8 1 0
                                    


12:35 Noon

Katatapos lang ng duty ko sa canteen. Heto nagbibihis na ako ng PE Uniform, PE Class ko kasi every sabado para hindi masiyadong nakakapagod. Kung sa bagay ako naman ang mag dedesisyon ng oras at subject na kukunin ko, eh international student eh, in other words irregular student. Kapag kasi working student ka ay hindi ka makakapag full load ng subjects, dahil kinakailangan mong mag laan ng apat na oras para sa trabaho mo. 7 AM ang duty ko magtatapos ito ng 11AM, sandaling pahinga lang eh sasabak na agad sa klase. Minsan nga ehh male-late pa sa klase dahil sa sobrang pagod ay hindi namalayang nakatulog ka na pala sa canteen, o kaya naman sa library o mas malala kung sa field ka makakatulog. Ganyan talaga ang buhay working student, kailangang mag sakripisyo upang makapagtapos ng pag aaral. Nasa ikatlong taon na ako sa pamantasang pinapasukan ko, dalawnag taon na lang eh magtatapos na ako.

Narito ako ngayon sa kiosk sa tapat ng field naghihintay ng oras para sa klase. Nasa likod o unahan na ng field ang Gymnasium o sikat na tinatawag dito na Dome, dahil sa sobrang laki nito eh halos nasa loob na nito ang lahat. Narito na ang kanya-kanyang court ng bawat sports, pati na rin ang Olympic size na pool at Auditorium o Theatre ng pamantasan. Minsan nga ay nakapag daos na ng concert ang sikat na bandang Syntax Error dito nung nag National Tour Concert sila, gustong-gusto ko talaga ang banda nila. Ang lakas ng dating ng mga kanta nila, tagos ehh. Hahaha. (Credits to HaveYouSeenThisGirl/Denny's Voiceless). Nagbabasa ako ng course pack ng PE, advance reading ba, para naman may alam ako sa mga ituturo ng aming Instructor mamaya. Sakto namang nag first bell.

Dong... Dong... Dong... Dong.......... Dong... Dong... Dong... Dong..........


Naglalakad na ako papuntang classroom ng biglang may tumawag sa akin sa likuran. "Henz!". Paglingon ko, "Ate Kristi! Ikaw pala, oh tara sabay na tayong pumasok.". Nang makarating sa classroom eh kanya ng nag sipag upuan ang mga kaklase ko, hindi ko sila halos kilalang lahat, naghalo na kasi kaming lahat dito. Merong ilang business students, mga accountancy gaya ko, com arts students at iilang psychology students. Konte lang kilala ko dito, siguro yung mga ka course ko at iilang mga business students lang, pati na rin siguro yung ibang kumakausap at nagtatanong sa akin. Mga ilang sandali pa ay may mga dumating pang estudyante. Ang ilan ay naupo sa tabi ko at ang isa naman ay naupo sa upuang nasa harap ko. Narinig kong tinawag siya ng babaeng nasa tabi ko ng, "Maja" sabay lingon nito. Parang nakita ko na tong pagmumukhang to ah, teka hindi ko maalala kung saan o kelan ba. "Good Afternoon Class!". "Good Afternoon Miss Santiez". "Sino na bang magdadasal ngayon?". Lumapit ako sa harapan at nagdasal, "Let us pray". Catholic School kasi ang pamantasan kaya required na every start ng klase ay magdadasal kahit spontaneous lang. "Amen.". Pagbalik ko sa upuan eh nakita kong nakatingin sa akin yung babaeng nakaupo sa harap ko habang nakataas ang isang kilay. Ang taray naman neto, pero parang pamilyar talaga ang mukhang yun.

"We will be having our inter-class competition, we will be dancing Contemporary Jazz, it is more likely lyrical dance with a twist because it is a combination of jazz and ballet dance.". Tumaas ng kamay yung isa kong kaklase at tumayo, sabay tanong "When will be the competition Miss Santiez". "The competition will be on October 26, Saturday. We will be sending excuse letters to your other classes if you have. Don't worry class, it will not affect your other classes because it is approved by the higher management.". "What will be the effect of the competition in our grade Miss?" tanong ng isa ko pang kaklase. "Okay. Here's the deal, if you will win this competition, I will not conduct a final examination for this class plus I will mark you all passed but if you will not win this competition, it's the other way around. Okay? DEAL class?". "DEAL Miss Santiez!" sabay na sigawan ng buong klase. "Okay now let's do the partnering. Let's have draw lots so that it will be fair to all. I have here two jars, one for the boys and one for the girls, containing a piece of papers that has different colors each of the respective pieces, if you have the same colors, you will be the partners. Okay? Let's start.". "Okay Miss." sabay naming tugon. "Green? Yellow? Black? Pink?.......................Red?" Pagkasabi ni Miss Santiez ng red napatingin ako sa babaeng nasa harap ko na tinataas ang kaliwang kamay sabay baling ng tingin sa papel na hawak ko. "Okay, miss Sabejon. Your partner will be.......". "Miss!" sabay naman ng pagtaas ng kamay ko. "Mr. Uriah". Napalingon siya sa likuran niya ng nakataas ang kanang kilay nito. "Okay Class. That's it! The competition will be 2 weeks from now so start practicing and don't waste your time, Class Dismiss."


4:00 PM

Nauna na akong umalis sa mga barkada ko dahil naalala kong inutusan pa pala ako ni Tiya Dita na mag grocery, eh madadaan naman din ang City Mall pag uwi ko. So ayun, nandito ako ngayon sa super market ng mall, nasa isle ng mga sabon. Pumipili ako ng mga naka lista sa listahang pagka haba haba na binigay sa akin ni Tiya kaninang umaga bago pumasok. Ang dami naman nitong pinapabili ni Tiya eh akala mo namang ang daming tao sa bahay eh tatatlo lang naman kami dun, si Tiya, ako at ang pinsan kong bunsong anak nina Tiya Dita at Tiyo Dilo. Si Tiyo kasi ay nasa Dubai nagtatrabaho bilang Crane driver sa isang malaking kumpanya doon. Ang pinsan ko namang si Red ay first year na sa parehong pamantasan na pinapasukan ko, engineering student. Napahinto ako ng may bigla akong nasagi na tao sa unahan ko. Busy kasi ako sa pagtutalak ng cart habang nagbabasa sa listahan, "Sorry po, Ale". Natigilan ako ng may sumigaw sa aking likuran. "Ma!" Paglingon ko ay , "IKAW!?!?!?". " Anong ginagawa mo sa mama ko?". "Wala ahh. Nag sosorry lang ako kasi nabundol ko yung cart na tangan ng mama mo.". "Hanggang dito ba naman, sinusundan mo ako?"galit niyang tono. "Hindi kaya. Bakit sa'yo ba 'tong Mall?" sagot ko naman. "Magkakilala ba kayo?" tanong ng Ale. "OO!" sabay naming sigaw. "Siya yung kinikwento ko sa inyong lalaking laging namamangga sa akin Ma!". "Anong laging namamangga? Eh ikaw nga 'tong hindi tumutingin sa dinadaanan mo eh, kaya ka nababangga.". "Ako pa talaga ah! Ako pa talaga?". "Oo ikaw!, teka parang ikaw rin yung kaklase ko sa PE 'di ba? Yung sa dinami-nami ng pwede ko pang makapareha sa sayaw, Ikaw pa. Kung hindi naman minamalas oh.". "Bakit? Sino ba may sabing gusto din kita makapareha?" pagtataray naman niya. Tinigil kami ng kanyang nanay sa pag aaway. "Ahhhh.........Ano nga pala pangalan mo iho?". "Henz po nay." sabay abot ko sa kamay at pag mano. "Mabuting bata, pagpalain ka ng Diyos anak". "Sige po nay, mauna na po ako, dami ko pa po kasing bibilhin." sabay pakita ng mahabang listahan na hawak ko. "Sige iho, mauna na rin kami, dadaan pa kami sa Golden Haven". "Sige po nay." Umalis na ako ng naka ngiti, ewan ko ba kung bakit pero parang ang saya ko ngayon ahh. "Teka, Golden Haven? 'di ba sementeryo yun?" tanong sa sarili ko. "Baka naman may kamag anak lang na bibisitahin" pagtugon ko sa sarili. At tinapos ko nga ang pag gogrocery at ng maka uwi na ako, baka kasi hinihintay na ako nina Tiya. Pagkatapos ko mag grocery ay dumiretso na ko ng bahay.


(Tok! Tok! Kuya Henz, kakain na raw sabi ni mama) tinig ng pinsan ko sa likod ng pinto.

(Oh sige Red. Susunod na ako. May tatapusin lang ako) pag tugon ko naman.


Okay! I will end up here. Kakain na kasi kami. Gutom na rin kasi ako ehh. Bye!


P.S. Grabe ha! Pati banaman sa Mall ay makikita ko yung babaeng yun! Pero nag iba ang tingin ko sakanya kanina, para bang nawala ang galit ko sa kanya. Ewan ko ba.    

Dear Diary, Want to make a New EntryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon