8

3.4K 93 4
                                    

Busy ang lahat para sa exam, kaya buong linggo aral lang ako ng aral, laking gulat ko nga din sa aking sarili na, sa buong linggo hindi ko naisip sila tita miguela, at si loyd, magpapasalamat naba ako sa exam namin?

Naglalakad ako papuntang canteen ng may yumakap sa akin sa likod, ngumiti ako alam na alam ko kasi kung sino, amoy palang eh, hinarap ko ang mokong,

"Yael jhon". Sambit ko na may malaking ngiti. Sumimangot naman ang huli,this time natawa na ako.

" iya kiara!wag mokong tawagin sa buo kong pangalan". Sabi nya pa at kinurot ang pisngi ko.

"Aray!

"Tara sabay na tayong kumain break time din namin". Ngisi nya pa at inakbayan na ako nagpatianod narin ako! Ang swerte ko lang sa beatfriend ko.

__________

Buong araw akong wala sa mood, bakit? Dahil halos dalawang linggo ko ng inistalk to si iya, gusto ko lang sanang mag usap kame, linawin ang dapat linawin, kaso wala akong lakas ng loob. Ewan ko ba!hindi naman ako dating ganito, isa pa naiinis din ako kay monika dahil ang dami nyang request, at lalong mas nayamot ako noong isang araw na nakita ko si iya at yung lalakeng bestfriend nya daw, maka akbay eh parang asawa nya. Eh bakit asawa mo din ba sya? Singit ng isip ko. Kaya ang resulta,wala ako sa sarili ko buong araw. Hay! Buhay!

Tulad ngayon, andito ako sa labas ng university ni iya, gusto ko lang naman mag apologize, i took something very very important from her, and para sa part ko wala akong pinagsisihan,pero its my guilt saying na i should apologize to her, or gumagawa lang ako ng rason,para makita at makausap sya? Shit. Nasubunutan ko sarili ko.

Nakita ko syang palabas ng university, ihahakbang kona sana ang paa ko ng tumunog ang cp ko,badtrip naman oh! Hindi ko sana papansinin kung hindi lang si monika ang tumawag, nakita ko si iya na mukhang nag aabang ng jeep, naglalakad na ako habang sinagot ang tawag.

"What is it honey? Wala sa loob na sagot ko. Ang daming nakaharang na estudyante sa harap ko na nagsisisuwian na din, kaya d ako makadaan masyado,

"Babe! I need you please go home". Napamura naman ako dahil good timing lang. Sinasabi nya kasi yun na nanginginig ang boses, so wala akong choice kundi ang tumakbo sa kotse ko,hnd ko alam kung ano ang nangyari kay monika, pero parang nasasaktan sya, bago ako pumasok, sinulyapan ko pa si iya, nagulat ako ng nakita na nakatingin sya sa akin.  Mabigat man ang mga paa, nagmaneho ako paalis sa kanya.

****
kakatapos ko lang kumain, at wala parin ako sa sarili ko, nasabunutan kona sarili ko, napukpok kopa ang kutsara sa noo ko,

"aray!daing ko. " ano ba ginagawa nya doon? Aysst! Baka napadaan lang naman! Puta! Bakit sa eskwelahan kopa? Naupo ako sa kama ko. Nakita ko talaga sa loyd eh, hindi naman ako nag aasume pero----- ayssst! " baka namalik mata lang ako?" Ay bahala na nga eh ano naman kung magkikita man kame ulit?tssss..
Mahihiga na sana ako ng may nagdoorbell sa pinto pagtingin ko sa wallclock ko 8:30 sino namang mokong yun? Ah baka si nanay lotlot sisingil ng renta.

"Sandali lang". Sigaw ko! Tumakbo pa ako papuntang sala at dali daling binuksan ang pinto; dahil sa sunod sunod na katok, pero sana nga hindi ko nalang binuksan dahil literal na nagulat at nanganga ako sa taong nasa harapan ko.

Puta! Anong ginagawa nya ulit dito? This time sa harapan ng pintuan ko. Andito si loyd fresh and hot. I mean alive and kicking.

Nag aalinlangan naman pero ngumiti sya. Mukha syang maputla "hi! Sabi nya at walang alinlangang pumasok sa bahay ko. "Hoy hoy! Bahay koto! Anong ginagawa mo dito at gabi na ha!umalis ka nga!" Hinila ko ang braso nya at tinulak  tulak pero hindi man lang natinag ang gago.
Naupo na sya sa sala. Nainis na ako.

" hoy! Naririnig moba ako? Paano mo nalaman tong bahay ko? Stalker kaba? Akala mo ba diko alam na pumunta ka kanina sa eskwelahan namin? Anong kailangan mo???"sigaw ko. Napahilamos sya sa mukha nya sabay baling sa akin

"Im sorry iya! I mean it,im so sorry". Sambit nya na parang maiiyak na sya.

"Wala na tayo, divorce na tayo,na hindi ko alam paano nagkaroon dito sa pinas nyan, please umalis kana" nakatalikod kong sagot sa kanya. Anong sorry yun? After ng onemonth sorry lang?alam kong wala lang yun at sorry lang ang maisusukli nya sa akin,pero sana hindi nya pinatagal, pinaghintay nya ako, sana lang bumalik sya kaagad at nagsorry, maiintindihan ko naman na sya, kung hindi nya ako paninindigan, birhen ko yun, nangyari na ang nangyari, kaya tapos na yun, naiinis ako kasi pinatagal nya pa, sana hindi nalang sya nagpakita pa.

Bigla syang tumayo at niyakap ako ng mahigpit ng nakatalikod, nagsitayuan ang balahibo ko, at feeling ko tumalbog ang puso ko sa sunod nyang sinabi.

"Ayoko".sabi nya pa at nakayakap parin sya sa likod ko.

"Pwede bang dito muna ako kahit ngayong gabi lang,nalulungkot ako hindi ko alam kung bakit, hinahanap ko yung babaeng pang bahay at ikaw yun, i love monika pero" he stop and inhale deeply, "hindi nya kasi ako inaalagaan, this time pinaharap nya ako sa kanya. Naiiyak ako pero pinigilan ko.

"Pwede bang alagaan moko kahit ngayong gabi lang, yung i baby moko! Im tired of work, hindi naman na pwede si mama eh! Pwedeng ikaw muna? Ganoon naman yung asawa diba?" 

Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya, pero para syang bata, na nagsusumamo, nanlalambing na nanghihingi ng kendi; as in malambing na malambing,

At dahil sa titig na nilalaan nya sa akin, i just melt.

Tang ina lang!

My Pure Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon