4.

3.4K 93 0
                                    


3 linggo na, 3 linggo na simula nang halos hindi ko na makita at maabutan si loyd sa bahay. Paminsan minsan nalang, tapos madalas nya pa akong pagalitan. Tapos nun parang lagi pa syang galit sa mundo. Mainitin ang ulo. Kawawa tuloy yung dalawa naming katulong.

wala na naman yun sa akin. Hindi ko din naman kasi alam kung ano nga ba ang estado namin sa ngayon. Basta ang alam ko lang asawa ko sya. Madalas nya din kausapin si monika sa telepono. Tuwing kay monika ang atensyon nya bigla nalang syang bumabait at nagiging malambing. Medyo masakit sa heart pero wala akong magagawa. Sya ang totoong mahal at kabit ay este sabit lang ako.
Isang araw napaaga ako ng uwi, nakita ko ang kotse ni loyd sa loob. Teka 4 pm palang ha? Bigla ako naging exited kahit alam kong magagalit lang sya sa akin.favorite nya kasi akong sigawan ewan kung bakit. Ngayon lang naman to na ginawa nya sa akin.
Umakyat na ako, bubuksan ko na sana ang pintuan nang magulat ako sa sinabi nya.

"Okay okay monika honey, kalma lang, alagaan monalang ang baby natin okay? Yeah iloveyoutoo. Oo sasama ako sa checkup. Yeah bye"
malambing na sambit nya kay monika sa telepono. At bago nya pa ako makita bumaba na ako at lumabas ng bahay. Ewan koba pero naiiyak ako. May anak sila?? Paano?? Ano na gagawin ko? Iyak ng iyak ako. nasa taxi na ako. Wala naman akong karapatan eh. Pero bakit sumsikip ang dibdib ko. Papunta ako ngayon sa taong alam kong makakaintindi sa akin. Ang nag iisa kong bestfriend na totoo.

Kumatok ako sa condo unit nya.naka uniforme pa ako. Feeling ko ngayon nagiisa lang talaga ako sa mundo. Tang ina namang buhay to.
Bigla naman bumukas ang pinto. Niyakap ko agad ang lalaking kaharap ko ngayon.
" y-yael.. sambit ko humihikbi parin. Oo lalake sya kaibigan ko at kaklase korin. Nagulat sya pero niyakap nya parin ako.

"Hush baby kiara-- sabi nya pa sabay haplos sa likod ko. Kiara si yael lang ang tumatawag nyan sa akin. " ano bang nangyari ha?? H-huy tama na baby kiara naman eh naka brief lang ako, higpit ng yakap mo, hindi na makahinga si junjun ko"
tumawa naman sya pagkatapos. Pinagpapalo ko naman sya. Malay kobang naka brief lang sya. Habang sinusuntok ko sya. Panay naman syang iwas at tawa parin ng tawa. " aaray! Kiara tama na! Ang sakit na nyan ha" ---.

"Ikaw kasi napakamanyak mo yael! Kita mong umiiyak pa ako-" sambit ko. Bigla na syang tumigil
At hinila na ako paloob. Inupo nya ako sa sala, sumeryoso na ang mukha nya..

" dahil ba sa asawa mong hilaw? Tanong nya tumango naman ako. At naiiyak na naman pero pinigilan ko.

"Narinig ko na buntis ang girlfriend nya, yael anong gagawin ko?? Kaya pala sa tatlong linggong nakaraan panay syang galit at mainitin ang ulo lalo na sa akin," sabi ko. Bumuntong hininga naman sya.

"Tarantado naman pala yun eh! Wala akong masasabing payo baby, pero kung ganoon naman pala at magkakaanak na sya. Edi hiwalayan mo nalang sya kiara, kasi hanggang ngayon diko pa din alam kung bakit kayo pinakasal eh. basta ako andito lang ako lagi sayo hindi kita iiwan".

Seryoso nyang sabi sa akin. Ang swerte ko tuloy sa kanya, extra bonus pa dahil pogi tong si yael ko. ang bestfriend ko.napa ngiti tuloy ako. Sya talaga ang stress reliever ko. Bigla naman nanlaki ang mata ko. Pano kasi? Kanina wala pa akong napansin sa brief nya, eh ngayon biglang lumaki at bumukol. Shiyt.

" yael nga magshort kana muna"-- tatawa tawang usal ko sa kanya. Sya naman ay bigla akong niyakap at inihiga ako sa coutch, kiniliti nya ako. At dahil dun nawala ang problema ko. Sabay kameng nag dinner. Nanood ng movie. Tulad lang ng dati. Kaya ayun hindi ko napansin na mag aalas dyes na pala. Patay.

______________

"Salamat sa pag hatid yael " nakangiti kong sambit sa kanya.
"Nag enjoy talaga ako ng sobra!ikaw ang pinaka hotty at gwapong bestfriend sa mundo!"-- niyakap ko sya ng mahigpit. Kasi parang nalulungkot naman ako dahil nakauwi na naman ako sa bahay. Tumawa lang sya at sinalo ang yakap ko.

"Bastat lahat para sayo kiara! Alam mo naman, malakas ka sa akin." Sabi pa nya at ginulo ang buhok ko. " paano ba yan pumasok ka na, gabing gabi na!".hinalikan nya ako sa noo pagkatapos.

Ilang segundo pa at nagpaalam na kami sa isat isa, sinubaybayan ko ang pag alis ng kotse nya. At pumasok na rin ako na may ngiti sa labi.si yael nalang ang meron akong matatawag kong akin. Pamilya ba kumbaga.

__________

Madilim na pagkapasok ko,isasarado ko palang sana ang maindoor ng mapatili at magulat ako sa boses na sumigaw sa likod ko.

"Saan ka naman nanggaling?? Kailan kapa natutong umuwi ng dis oras ng gabi ha? Sino ang kasama mong putang ina ka!!" Sigaw nya sa akin at galit na galit.
Nagulat ako oo, pero masyado na akong maraming ginawa sa araw na to na kahit gusto ko magpaliwanag ay diko magawa, kaya tinignan ko lang sya, at pagod na ngumiti at nilagpasan sya.
" sorry loyd, bukas nalang pwede? Pagod na pagod ako"... sabi ko habang paakyat na ng hagdan. At iniwan syang nakatayo parin sa paanan ng baitang, hindi nya siguro ineexpect na inignora kolang ang pagmura nya.eh sa pagod ako eh!at wala pa ako sa mood. Sa katotohanang magkakaroon na sya ng anak..

Nasa loob na ako ng kwarto ng may humigit sa braso ko.

" tinatanong kita kung sino ang lalake na humatid sayo! Ano ha? May tinatago kapa lang boyfriend, galing mo rin ano?" Sigaw nya parin sa akin at tinulak ng mahina.kalma lang iya.

"Hindi ko sya boyfriend! Kaibigan ko sya, si yael yun, hindi mo kilala!!huwag ka ngang mamintang ng kung ano ano,pwede ipagbukas nalang to? Sabi ko naman sayo pagod ako eh"!!-- pagod na sigaw ko sa kanya. Pinipigilan ko ang umiyak. Gusto kona talaga matulog. Mas dumilim ang mukha nya.

"Wow napagod? So ano ginawa nyo ng putang ina mong kai----"" bago nya pa tapusin ang salita nya sinampal ko na sya, dala na ng lahat ng galit at frustration na meron ako. Wala na naubos na kasi ang pasensya ko eh.

"Wag kang umasta loyd, na parang alam at kilalang kilala mo ako, patutulugin mo ba ako? O sasabihin ko kina tita at tito na magkakaroon ka ng anak kay monika, ano?? Well then lets call it a night!" Mahinahon pero galit kong sumbat sa kanya.

Nakita ko naman na namutla sya at nagulat sa sinabi ko. May something sa mata nya, sa halos 3 linggo na iniignora nya ako, ay ngayon lang ulit sya tumungin sa aking ng ganoon. Ngayoy naman para akong isang multo sa harap nya. Parang nalungkot din sya habang tumitingin sa akin. Parang may something nga na ewan.

"Dont you dare!" mariin na sabi nya. At bago pa ako makaprotesta, hinalikan na nya ako. Mapusok at malalim.

My Pure Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon