Chapter 1
'Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis'
Nakita ko ang aking love-of-my-life na kumakanta sa stage. Hawak nito ang mic at masayang kumakanta. Bawat bigkas ng liriko ay nagbibigay sa akin ng saya. Ito ang pang-anim na beses na nakita ko na naman siyang nagpeperform sa stage. Ang saya! Para akong mahihimatay sa sobrang saya! Gusto ko ngang umakyat ng stage at yakapin siya.
"I LOVE YOU!!! YOHANCE!! LOVE OF MY LIFE!!" sigaw ko at tumatalon sa gitna ng napakaraming fan girls.
"Whoo! Ang galing mo Yohance!!"
"Yohance!! Ang gwapo mo!! Tayo na lang please!!"
"Waahhhh! Mag-ingay mga Yohanatics!!"
Nabibingi ako sa kanila. Gusto kong lagasin ang kanilang buhok na kahit ni isang hibla ay hindi ko palalampasin. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagtatalon talon habang hawak ang isang malaking banner na may gwapong mukha ni Yohance.
'Ika'y biglang natuhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis'
Ayan na naman siya! Pikit na pikit ang kanyang mata na para bang ramdam niya ang kahulugan ng kanta. Kahit nakapikit ay gwapo pa rin siya. Mestizo, matangos ang ilong, mapupulang labi, malalim na titig, ang mala-spike na buhok at nakakapanindig balahibong jaw-line. Ang features ng kanyang mukha ay sumisigaw ng perfection.
At higit sa lahat, ang maganda niyang boses na tila ba gumayuma ng halos lahat ng kababaihan sa Wexford University. Kasali ako dun. Isa akong fan girl ng banda nilang Synergy at ang vocalist nito ay walang iba kundi si Yohance Narvaez. Ang napakagwapo kong asawa na hinulog mula sa langit at buong lakas kong sinalo sa buhay ko. Pero syempre, imagination is one of my passion. Nakakabanas!
"YOHANCE MY LOVES!!" Ito ang huli kong naalalang sigaw sa hall.
Tapos na ang event kaya nagisiwuian na ang lahat. Kita ko kung paano umaalis ang mga tao sa hall. Kita ko rin ang dismaya sa kanilang mukha dahil alam kong kulang na kulang ang performance. Gusto ko pa! Gusto ko pa siyang marinig kumanta! I want Yohance to sing again!
Hindi ako nagpatinag. Naghintay ako sa gilid ng hall para sa pag-uwi ng bandang Synergy. Gabi na pero para sa aking love-of-my-life, maghihintay ako. Kahit kainin na ako ng aswang dito ay maghihintay pa rin ako.
Kailangan ko lang talaga siyang makita! Hindi matatapos ang araw na 'to kung hindi kami magkikita.
From: Ate Madge
Hoy bata ka! Kanina pa tapos ang event! Umuwi ka na! Kung ano man iyang pinaplano mo, naku! Hindi ka talaga sisikatan ng araw sa akin!
Bahala ka ate! It's for my future! Yohance is my future! Siya ang magiging asawa ko! Siya ang magiging ama ng anak ko! Ayaw ko siyang pakawalan sa gabing ito! Hmp!
Pinatay ko ang phone. Panigurading tatawag si ate at ayokong maging istorbo siya. Napaka-unsupportive niya sa akin! Wala na siyang ginagawa sa buhay kundi sumbatan ako sa pagiging fangirl ng Synergy. Kainis.
"Oh sige. Alis na ako ah."
Hinigop ko ang lahat ng hangin sa paligid nang narinig ko ang malalim na boses na iyun. Kausap niya si Lester, ang guitarist ng Synergy. Gwapo din si Lester. Pero mas gwapo pa rin ang hubby ko!
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Unending Rhythm
Teen FictionA Fangirl's Unending Rhythm Written by: Howyll ©2016