Chapter 3
"WOOOOHHH!! ANG GWAPO GWAPO MO YOHANCE! MY LOVE OF MY LIFE!!" sigaw ko.
Tumatalon na naman ako sa tuwa kasi ito na ang pampitong beses na nakita ko silang nagpeperform. Maingay na humihiyaw ang mga fans ng Synergy at kasali ako dun.
Pinagmasdan ko ulit ang mukha ni Yohance na kumakanta sa stage. Ang gwapo niya! Talagang maraming humahanga sa kanya dahil sa kanyang talento.
Malakas ang tindig niya! Maayos na maayos ang kanyang porma. Hindi kagaya kanina na naka-school uniform siya, ngayon ay suot niya ang isang black leather jacket na may fit na fit na white undershirt. Naka-denim pants at isang pares ng rubber shoes din siya. Ang hot hot niya! Sinabayan pa ng tulo ng pawis mula gilid ng ulo niya! Shet. Maka-laglag panty!
'You and me got a whole lot of history oh
We could be the greatest team that the world has ever seen
You and me got a whole lot of history oh
So don't let it go, we can make some more, we can live forever'
"Kyaaahhh!! Yohance! Ang galing mo!"
"Wooohhh! LESTER!! Kainin mo ako!!"
"Ang astig mong mag-drums Derif!! Laglag panty ka! Shet!"
"Putang-ina mo Lazarus! Kinuha mo virginity ko! Pagbayaran mo 'to! Hoy!" Napaawang ang bibig ko dun. Hayop.
Maliit lang ang espasyo ng Presentation Stage ng Ayala Mall kaya naiinis ako sa sikip ng espasyo. Ang daming umaapak sa paa ko. Nakakainis. Marami ding sinisiko ako kaya para akong nagkastampede. Pero kailangan kong tiisin lahat para sa Love Of My Life ko!
Gusot na gusot na ang banner nang sumulyap ako pero patuloy pa rin ako sa paghihiyaw kay Yohance. Nasa unahan ako at abot ko na nga ang isang nakaharang na bakal. Mayroon pang mga security na pumupigil sa aming makaabot sa stage. Todo higpit kasi ganun kasikat ang bandang Synergy lalo na ang bokalistang Yohance Narvaez!
Ako? Isa lang akong hamak na fan girl na may gusto kay Yohance my loves! Naiinis ako sa idea na tama si Ate. Sikat sila. Talagang maraming magkakagusto sa kanila at isa ako dun. Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Pero I won't stop admiring them! I think this is really my passion after all.
Naiiyak ako. Pushang gala! Naiiyak ako! Habang kumakanta si Yohance ng History ng One Direction ay may nagbabadyang mga luha sa mata ko. Pilit pa rin akong ngumiti. Sigaw ako ng sigaw kung gaano ka-gwapo si Yohance.
Kinuha ko ang aking DSLR at kinukunan ko ng picture si Yohance. May memories na naman akong maisusulat dahil sa araw na ito. Ganito na talaga ako noon pa and I'm really proud. Kahit sa isang stage ko lang siya laging nakikita ay sapat na sa akin. Go na go ako.
Natapos ang concert pero maingay pa din ang loob ng Mall dahil sa mga crazy fans. Panay bow naman sina Yohance, Lester, Derif, at Lazarus para sa kanilang pagpapasalamat na maraming tumangkilik sa concert. May biglang sumabog, isang malaking party popper, at nag-ulan ng mga pira-pirasong papel na may iba't ibang matitingkad na kulay. It's a full blast.
"Thank you po sa walang sawang suporta!" sigaw ni Yohance habang nakatapat ang isang mic.
"We'll hope na supurtahan niyo pa rin kami hanggang sa muli!" Sambit naman ni Lester.
"SYNERGY! SYNERGY! SYNERGY!" ito ang naririnig ko sa mga madla.
Nakisabay na rin ako habang winawagyway ko ang mukha ni Yohance!
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Unending Rhythm
Teen FictionA Fangirl's Unending Rhythm Written by: Howyll ©2016