Chapter 2
Ngayong araw na 'to ay napagdesisyunan kong pumunta sa university nila Ate. Mag-isa akong pumunta kasi wala akong bestfriend. Si Ate lang bestfriend ko kaso lagi naman niya akong kinokontra. Kaya ayaw na ayaw ko sa kanya. Banas na banas ako!
Dala ko ngayon ang isang box ng chocolate cake na binili ko lang sa kanto. Syempre, mas masarap ang nasa mga bake shop kesa home made. Ayaw kong magbake. Baka hindi magustuhan ni Yohance. Frustrated baker pa naman ako.
Pero laking gulat ko na lang nang may bumangga sa akin sa may gate ng university. Kaya ang resulta, nahulog ang cake. Uminit ang ulo ko. Pinaghirapan ko ito. Pinaghirapan kong bilihin ito tapos mahuhulog na lang. Hindi ko matatanggap!
"Hoy! Tumingin ka sa dinadaanan mo!"
Aba siya pa may ganang sumbatan ako. Siya nga 'tong dapat tumitingin sa dinadaanan eh.
"Hoy ka rin! Bayaran mo ang cake ko!" sigaw ko.
May katangkaran ang babaeng ito. Sa tingin ko'y mas matanda pa siya kay Ate Madgette pero wala akong pakealam at kailangan niyang bayarin ang nasayang kong cake na dapat ay ibibigay ko kay Yohance! Walang hiya siya!
"Oh?" Humalaklak siya. Adik ata 'to eh. "Ang cheap naman. Bakit? Magkano ba gusto mo?.... Teka, Guard! Bakit ka nagpapasok ng pulubi dito?! Hindi ba nasa policy that no outsider or beggar are allowed to go inside the school?!"
Lumapit ang school guard galing sa guardhouse. Nagkamot siya ng ulo habang tinitignan ako. Ang hindi alam ng babaeng ito, kaibigan ko si Manong guard dahil halos araw-araw na rin akong pumupunta dito.
"Naku Ma'am, kapatid ng isang estudyante 'yan dito. Hindi naman outsider si Ms. Dela Varden."
Ngumiti ako at napataas ng kilay habang nakahalukipkip. Panay rin ang padyak ng paa ko sa lupa.
"Oh. Paki ko. Look at her. She's still a beggar. Dapat suspended ka sa trabaho mo kasi nagpapasok ka ng mga ganyang klaseng tao dito. Tignan mo nga't nagkalat pa ng basura!" sabay turo sa natapong cake.
"Teka lang ha. Ikaw naman may kasalanan nito ah."
"Oh don't you dare talk back to me! Kung hindi ka magawang kaladkarin ng guard, ako ang kakaladkad sayo palabas. Kaya tsupeh! Shoo shoo you ugly creature!"
Tinutulak niya ako paalis sa university. Para nga siyang nandidiring hawakan ako. Kung makatingin siya sa akin ay isa akong maduming basura. Nakakainis.
"Ano ba? Kailangan kong makita si Yohance!" hiyaw ko at napatigil siya.
"Oww. Are you a die hard fan of Yohance Narvaez? Huh? Ano sa tingin mo, papansinin ka niya?"
"Bakit ba? Sino ka rin ba sa tingin mo para paalisin ako? Bakit? Sa iyo ba itong univeristy na ito? May pangalan mo ba dito? Ha? Wala naman diba?"
Humahalakhak na naman siya. Pinagtitingan na kami ng taong lumalabas sa school. Nakakayamot ang babaeng ito! Humanda siya kasi isusumbong ko siya kay Ate!
"Damn girl. Don't even try my patience kung ayaw mong masaktan. Hindi mo alam kung sinong binabangga mo. Hindi mo din alam kung anong relasyon ko kay Yohance Narvaez."
Napasinghap ako sa gulat. Is she Yohance's girlfriend? No way. Hindi naman siya kagandahan at kung tutuusin, mas maganda pa nga ako. Mas makutis ang balat ko. Mas maputi ang complexion ko. Kung may ipagmamayabang man siya sa akin ay ang katangkaran niya siguro. Pero all in all, mas maganda ako.
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Unending Rhythm
Teen FictionA Fangirl's Unending Rhythm Written by: Howyll ©2016