Evil Plan

19 6 2
                                    

Michelle's POV:

Hinihintay niya ako sa isang sulok sa set ng taping namin. At nung natapos na, nilapitan ko siya.

"Why are you here?" tanong ko kay Liam.

"I just want to talk to you. May importante akong sasabihin." sagot naman niya.

"Why not just call me? Or itext mo na lang. Pinuntahan mo pa ako dito, baka sabihin mo na naman na marami na akong dinidemand sa'yo." tugon ko.

"No, kailangan nating mag-usap ng harapan. Let's go." sabi niya.

Kaya sumunod ako sa kanya at sumakay kami sa car niya. Mahal na mahal ko si Liam. Siguro nga ang dami ko nang demand sa kanya kaya nasasaktan na siya. But I will fix everything today. Since mag-uusap naman kami ngayon, I will say sorry. Babawi ako.

Wala kaming imikan while he is driving. Ni hindi ko nga siya natanong kung saan kami pupunta. Then suddenly, nahinto kami sa isang pamilyar na lugar. Sa resto kung saan niya pinagtapat sa akin na mahal niya ako.

"Why are we here?" tanong ko.

"Let's just get inside." sagot naman niya.

Kaya pumasok na kami sa resto. Unlike those times na okay pa kami, di na niya ako inaalalayan papasok ng resto. No holding hands as in parang ang layo ng distance namin sa isa't-isa.

Naupo na kami. Bago pa siya nagsalita, inunahan ko na siya.

"I'm sorry. I'm sorry if demanding ako masyado sa'yo. I admit its my fault. Alam kong masyado akong nagiging selfish in our entire relationship. But Liam, I love you. And I want to fix this. Ayoko nang ganito na nagkakaproblema tayo. I just want to be happy with you. " sabi ko at hinawakan ko isang kamay niya.

"Its okay Mich. Naiintindihan kita. Pero sana wag kang magagalit kung sasabihin ko sa'yo na.... may nagbago na sa nararamdaman ko sa'yo." seryoso niyang sabi sa'kin.

"What do you mean?" tanong ko.

"I loved you and you know that. Ginawa ko lahat ng gusto mo para maging masaya ka lang. Pero kasi Mich, dumating sa point na natanong ko sa sarili ko kung happy pa rin ba ako kasama ko. And I was never sure of my answer until I realized na.."

Di ko na siya pinatuloy. Nagsalita na agad ako.

"That you're not anymore happy with me? Ganun ba?" naluluha kong tanong.

Yumuko lang siya at di na nagsalita.

"Are you breaking up with me?" tanong ko.

Tiningnan niya ako and he said, "I'm sorry Mich."

"No! This can't be true. Mahal mo pa ako di ba? Liam, please naman. Wag mo kong ginaganito. Akala ko ba naiintindihan mo ko? Unless iba na ang nilalaman ng puso mo."

"No. This is only between the two of us."

"Si Sandra ba? Si Sandra na ba mahal mo? Tell me! Tell me the truth!" galit kong tanong.

"No! Bakit nasali si Sandra dito?"

"Alam ko na Liam. Akala mo ba di ko napapansin ang mga titig mo sa kanya? Yung ngiti sa labi mo kapag kausap mo siya? Yung mga titig at ngiting yun, di ko nakikita kapag tayo ang magkasama."

"I'm sorry Mich. I don't know what you are talking about. If you're just making excuses for me to stay, then your move is a mistake. Wag na wag mong idadamay si Sandra dito."

"Liam, you both will pay for this." huling sabi ko sa kanya tsaka umalis.

Its maybe because of my mistakes pero Im sure malaking dahilan ng hiwalayan namin si Sandra. Never akong nagalit, nainsecure at nainggit sa babaeng yun. Sino ba naman siya para kainggitan ko. She is just a kontrabida. Wala pa siya sa kalingkingan ko. Kung sakin marami ang natutuwa at naaawa, kay Sandra marami ang galit. Marami siyang bashers. Kaya never akong nainggit sa kanya. But now it was changed. Inggit na kung inggit pero it will never change the fact na siya ang dahilan kung bakit ako hiniwalayan ni Liam. And she have to pay for this.

I am driving papunta sa studio ng management namin. I know my plan sounds so desperate pero bahala na. Wala akong pakialam.

Pagkadating ko, pinuntahan ko agad ang office ng big boss namin. Hindi naman ako nabigo kasi nandiyan siya.

"Mr. Rosales, I want to talk to you and the team." Seryoso kong sambit sa boss namin.

"What is it all about? Bakit biglaan?" Tanong niya sa akin.

"Its about my contract."

Tinitigan lang ako ni Mr. Rosales then he approached the phone. Tinatawagan niya ang secretary niya at inutusang ipatawag lahat ng kasamahan niya sa team.

Almost an hour passed at nandito na ako sa conference room with the big bosses of the network. Sinisimulan na naming idiscuss ang tungkol sa contract ko.

"I just want to thank you first for giving me the chance to meet and talk to all of you." Magalang kong sambit.

"No big deal Michelle. You're a blessing to this network. Because of your top-rating soap dumadami ang advertisers na gustong magadvertise sa broadcast ng network kaya anything for you." Sabi ng isang matandang babae na nasa tabi ni Mr. Rosales.

"Yan po sana ang pag-uusapan natin. Kasi sa pagkakaalam ko hanggang 3 months pa lang matatapos ang soap ko and the production is also planning to extend it for five months more but the problem is until next week na lang ang contract ko sa network na to." Sabi ko sa kanila.

"Don't you worry Michelle, we are now preparing your contract kasama na dun ang mga new projects mo. We'll present it to your manager tomorrow."

"Well, ang totoo po niyan ay may offer din ang kabilang network sa akin. Part of the contract that they prepared for me are two new soap, sitcom, and a talk show. Tsaka marami na ring endorsements na sa akin nila ibibigay if ever I'll be with them. And they are also offering me 70 million pesos for my first year with them." Kwento ko sa kanila.

"Michelle, we'll change your contract. We will give you more than that just stay with us." Sabi ni Mr. Rosales.

"No need to change Mr. Rosales. Isa lang naman ang gusto kong mangyari. And hope mapagbibigyan niyo ko."

"What is it Michelle?" Tanong ni Mrs. Cruz (isa sa mga big bosses namin).

"I want Sandra out of the soap that I am working with now."

"What? Michelle, its impossible. Malaki ang tulong niya sa soap mo. She's the only artist who could best play as kontrabida there." Sambit ng isa sa mga big boss.

"It is just a matter of choice. Sino ang gusto niyong umalis. Ako o si Sandra."

The Kontrabida's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon