Lights, Camera, Action

25 7 0
                                    


Papunta na siya sa'kin, isang babaeng nasa pareho ko lamang ng edad pero kung titingnan mo ay mas matanda na  sakin dahil na siguro sa stress. In short, para siyang "manang" tingnan.
Kinalabit niya ako kaya napatingin ako sa kanya.

"Who are you?" mataray kong tanong.

"Ako si Sabel, ang asawa ni Louie!" galit niyang sagot sa akin.
Nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot, galit at hirap. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa at halata sa kanyang hitsura na pagod siya.

"So what brought you here?" tanong ko.

"Gusto lang kitang pakiusapan na layuan mo na ang asawa ko!"

"And what if I wouldn't?"

"Lalayuan mo siya sa ayaw at sa gusto mo dahil asawa ko siya."

"Pwes sabihin mo yan sa asawa mo. Siya ang lumapit sakin. Pinagbigyan ko lang siya. Pinapasaya ko lang ang lalaking bored na bored na sa asawa niyang losyang!" bwelta ko sa kanya.
Ngunit katatapos ko lang sabihin ang mga katagang iyon ay sinampal niya ako.

"Oo, siguro nga losyang ako. Pero sigurado akong malinis ako. Ikaw? Ilang lalaki na ba dumaan sa'yo? Pang-ilan na ba ang asawa ko sa mga lalaking inahas mo sa mga asawa nila?"

At di ko na rin pinatagal, sinampal ko siya nang dalawang beses at mas malakas pa sa sampal na ginawa niya sa akin kanina.
"Yung unang sampal, ganti ko yun sa sampal mo sakin. Yung pangalawa, para yun sa sinabi mo sa akin. Kung ayaw mong tuluyan kong agawin sayo ang asawa mo, umalis ka na dito." banta ko sa kanya.

"Hindi pa tayo tapos. Tatandaan ko ang araw na to." sabi niya bago umalis sa shop kung nasaan ako ngayon.

"And CUT!"

"Good scene! Congrats Michelle and Sandra. Keep it up." sabi ni direk.

"Thank you po." sagot ko naman.

Ako nga pala si Sandra, ang kilalang primera kontrabida sa industriya. Ilang teleserye na rin ang aking nagawa na kung saan ang kontrabida ay ako. Napakaraming taong galit na galit sa akin dahil pinepersonal nila ang napapanood nila sa TV. Di ko naman masyadong pinoproblema yun dahil ibig lang sabihin nun ay effective akong kontrabida.
Pero lingid sa kaalaman ng lahat ng taong nakakilala sa akin ang kwento ng buhay ko. Di nila alam kung ano ang mga pinagdaanan at mga pinagdadaanan ko. Di nila alam kung ano yung hirap na dinaramdam ko. At higit sa lahat, di nila alam kung ano ang nasa puso ko.

I am Sandra, kilalang kontrabida and this is the story of The Kontrabida's Heart.

The Kontrabida's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon