Muling Pagtatagpo

16 3 1
                                    


***Brian's POV

I am editing the vlog that I shoot yesterday about the chicken tinola and I found out putol-putol pala ang  clips ko. (A/N: Clips nga di ba? Edi putol-putol talaga yun. Ang gulo-gulo mo Bry 😅😂)

I also found out na navideo ko pala ang sarili ko yesterday sa resto while answering my mom's call. Try ko nga munang iwatch, baka may magamit ako.

So I paid attention to the video. Ipo-pause ko na sana nang may bigla akong napansin.

Napansin ko na in the middle of our conversation ni mom, may dumaang pamilyar na babae.

"Kamukha niya yung babae sa airport!"
Sabi ko sa sarili ko.

Agad-agad kong sinuot ang jacket ko at kinuha ang susi ng sasakyan ko.

Baka makita ko siya dun. Pupuntahan ko siya.

Nagmamadali ako'ng sumakay sa kotse ko at pumunta sa resto na kinainan ko last Sunday. Baka kasi nagpunta ulit dun ang babae sa airport.

Pagdating ko dun wala na masyadong tao sa resto. Nagtingin-tingin ako sa paligid baka andito ulit yung girl. Tingin sa harap, lingon sa gilid at sa likod... di ko siya makita.

Mayamaya, may lumapit na service crew sa akin.

"Hello sir. Mag oorder po kayo? Pasensiya na po pero pasara na po kami." tanong niya sa akin..

"Hmmm I won't order. May hinahanap ako." tugon ko sa kanya.

"Ahh ganun ba. Samahan ko na po kayo sa lost and found." sagot naman niya.

"Ayyy hindi, hindi. What I mean is may hinahanap akong girl." utal ko.

"Omg sir. Destiny pala hinahanap mo. Pwede mo namang sabihin agad. Available naman ako always." sabi niya sabay ngiti at hawi sa bangs niya.

Naku, alis na kaya ako dito. Baka pagkaguluhan pa kagwapuhan ko (feeling 😂).

"Ayy sorry miss. Alis na lang ako. Salamat na lang." sabi ko na namamaalam na sana nang biglang...

"Excuse me. May problema ba?" sabi ng isang pamilyar na boses. Kaya napatingin ako sa kanya at.....

Siya nga.

"Ahh eh Miss Sandy, may hinahanap daw po siyang babae. Pero paalis na po siya. " sabi ng babaeng crew.

"Sino yung babaeng hinahanap mo?" tanong niya.

"Ikaw." tanging sambit ko.

*********
Michelle's POV

"Ginagalit talaga ako ng Sandy na yan!"

"Hello, ikaw pa 'tong galit eh ikaw kaya ang sumugod dun. Bakit mo pa kasi sinundan si Sandy dito sa Cebu?" tanong nang kaibigan kong si Andrea na bestfriend ko.

"Sissy, hindi naman siya ang pinunta ko dun, si Liam. May nagpost kasi sa facebook ng picture niya dun sa resto na yun. Kaya nagbakasakali akong baka andun pa siya kaya pumunta ako. E di ko naman alam na dun pala nagtatrabaho ang babaeng yun." Pabalang kong tugon kay Andrea.

"Sissy, pwede mo namang tawagan si Liam di ba? Ba't sinundan mo pa? Desperada moves ka naman eh" ani Andrea.

"Sissy, bakit ba lahat ng sinasabi ko ay kinokontra mo? Bestfriend ba talaga kita?"  masungit kong tanong sa kanya.

"I'm just being neutral here. Galit na galit ka na kasi e. Anyway, nagtatrabaho ba talaga si Sandy dun sa resto na yun? From a star to a service crew? Nakapagtataka naman yata." pagtataka ni Andrea.

"Well, may point ka ah. Imposible naman atang serbedora siya dun. Siguro kanya yun. Sa kanya yata yung resto." sabi ko.

"Hmmm so are you planning something?" tanong ni Andrea.

"Aalamin ko muna ang totoo. At kung mapatunayan ko na sa kanya yun, humanda siya." pagbabalak ko.

"Oh my God! Magtatayo ka rin ng resto at kukumpetensiyahan siya?"

"Gaga! Hindi. Wala na akong panahon pa para sa mga ganyan noh. You will see." tugon ko with an evil smile.

I checked on my phone and saw 3 missed calls from the producer ng series namin ni Sandy noon. So I called him back to ask him kung may kailangan ba siya. Sa pagkakaalam ko kasi, pinayagan ako ni direk na magleave just for today. Babalik din ako bukas.

"Hello. May problema ba?"

"What? Bakit? Is there something wrong?"

"No! This can't be. Hintayin niyo ko sa office ng production unit bukas. We will talk about this."

At binaba ko na ang phone.

"May problema ba?" Tanong ni Andrea sa akin na may pag aalala.

"The production decided to cutshort the series. Bumaba daw ng 50% from the usual ang ratings namin. Naungusan na kami ng kabilang show." bitter kong sagot.

"Since when?" tanong ni Andrea.

"Simula daw nung nawala si Sandy sa show. Imposible naman yun. Ako kaya ang bida." sabi ko naman.

"Kailangan kong bumalik agad sa Manila bukas. Hindi ako papayag." Dagdag ko.

*******

Brian's POV

This is the most memorable day of my life. Sa wakas, nahanap ko rin siya. At sobrang ganda niya.

Hindi ko nga lang nakuha ang pangalan niya pero okay na yun. At least alam ko na kung saan siya hahanapin. Kung hindi lang talaga dumating yung lalaki kanina.

*FLASHBACK...

"Excuse me. May problema ba?" sabi ng isang pamilyar na boses. Kaya napatingin ako sa kanya at.....

Siya nga.

"Ahh eh Miss Sandy, may hinahanap daw po siyang babae. Pero paalis na po siya. " sabi ng babaeng crew.

"Sino yung babaeng hinahanap mo?" tanong niya.

"Ikaw." tanging sambit ko.

"Ako?" tanong niya.

"Maam, may naghahanap po sa inyo. Si sir Liam po." sabi ng isang crew sa kanya.

"Excuse me." pamamaalam niya at umalis.

"Miss, teka lang!" Pahabol ko sa kanya.

"Sirrrr, stalker ka pala ni maam ah. Naku sir, wala na po kayong chance dun. Sa akin ka na lang." sabi ng babaeng crew sakin habang nilalandi ako. Well, sorry for the word pero parang ganun na nga.

"Hmmm ano ba'ng pangalan niya?" tanong ko sa crew.

"Seryoso ka sir? Hindi mo kilala si maam? Taga saang planeta ka ba? Imposible naman atang di mo kilala si maam." sabi niya.

"I'm serious miss. What's her name?" Seryoso kong tanong.

"O sige. Sasabihin ko sayo sa isang kundisyon. Halikan mo ko." Sabi niya.

Kesa mag-aksaya ako ng panahon, umalis na lang ako.

*Back to present

"Makikilala rin kita. Babalikan kita bukas." Bulong ko sa hangin para sa kanya.

*To be continued..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Kontrabida's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon