The Last Scene

23 7 3
                                    

Sandra's POV

Kakatapos ko lang maligo and at this moment, nagbibihis na ako. I am about to put on my sandals nang bigla kong narinig ang phone ko na nagring.

"Hello Jessica. Ba't ka napatawag?" Tanong ko habang sinusuot ang sandals ko.

"Girl, nasan ka na? Kanina ka pa hinihintay ni direk?" Nag aalalang sagot sakin ni Jessica.

" Nagbibihis na. Teka, akala ko ba mamaya pang 9am ang call time. Ba't hinihintay ako?" Nagtataka lang ako kasi 7:45am pa lang naman.

"Naku girl, biglang binago ang mga eksenang ititape ngayon. Mahaba-haba raw yung eksena kaya dapat maaga."

"Pa'nong binago? Eh ibig sabihin binago rin ang script? Pano yan di ko pa naaral?"

"Basta bilisan mo na diyan at parang naiinis na si direk."

"Sige bibilisan ko na. 30 minutes andiyan na ako."
Grabe naman. Bakit binago? Di man lang ako nainform agad.

Nagmamadali na akong umalis ng bahay ngunit bago pa ako makarating sa pinto ay tinawag ako ni Sandro.

"Ate, anong oras ka uuwi mamaya? Magpapatulong sana ako sa'yo sa project namin. Ang hirap kasi. Deadline na bukas." Sabi niya na hawak-hawak ang isang tasang kape.

"Ahh Sandro di ko pa alam e. Pero susubukan kong umuwi nang maaga."

"Sige ate. Hihintayin kita ah."

"Sige. Sige. Bye alis na ako. Ikaw ba bahala kay Sandrea." Tugon ko habang paalis na.

Pagkadating ko sa set, binigay agad sakin ni direk ang binagong script. At nung binasa ko iyon, narealize ko na ito na pala ang huling eksena na gagawin ko.

--------------------

"Action!"

Nasa isang hotel ako. Hinihintay ko si Louie. Sinabi ko sa kanya na huling pagkikita na namin ngayon. Ngunit siyempre, di yun totoo. Actually, may plano ako. Lalasingin ko siya at pagkagising niya, ipapalabas kong may nangyari sa amin. And after how many weeks, babalikan ko siya at sasabihin kong buntis din ako. Hindi ako papayag na makuha ulit siya ni Sabel. Akin lang siya.

Di nagtagal, dumating na ang sasakyan ni Louie. Ngunit nagulat ako nung nakita ko na babae ang lumabas. Si Sabel yun. Umakyat siya sa 75 steps na hagdanan, papunta sakin, sa kinaroroonan ko ngayon. Lumapit siya sa akin.

"Hinihintay mo ba ang asawa ko?" ani Sabel

"Oo, alangan naman ikaw ang hintayin ko. By the way, why are you here? Sinusundan mo ako? Gusto mong makita kung anong ginagawa ko at naagaw ko ang asawa mo?" Sagot ko

"At umaasa ka talagang pupunta dito ang asawa ko? Haha. Nasa bahay ng tatay ko siya. Pinagbabayaran yung mga ginawa niya."

"What do you mean?" pagtataka ko

"Di mo na kailangang malaman. Basta sinasabi ko sa'yo, pagkatapos ng araw na to, magiging masaya na ulit kami. At mabubura ka na sa buhay niya!"

Akma na siyang tatalikod ngunit pinigilan ko siya at hinawakan ko ang braso niya. Hinarap niya ako bigla at sinampal. Kung kaya sinabunutan ko siya. Nagsabunutan kami. Di ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng hagdan. At sa di inaasahang pagkakataon........

"Margaret!!!!" sigaw nung babae sa taas.

"Yung babae nahulog! Tulong!"

Nakakarinig pa ako ng ingay sa paligid. Di ko sila maintindihan. Hanggang sa wala na akong naririnig at pakiramdam ko makakapahinga na ako na walang katapusan.

"Cut!"

------------------

Pumalakpak ang lahat ng kasama ko sa set. Pero ako, hindi ako umimik. Di ko pa rin kasi maintindihan kung bakit huli ko na to. Tatanggalin na nila ako sa soap na to.

"We are happy that you became part of the series Sandy. Naging effective kang kontrabida. Congrats!" sabi ni direk sa akin.

"Bakit niyo po ba ako tatanggalin sa show?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam Sandy. Tinawagan lang ako ng management at yun, sabi nilang last scene mo na daw ngayon. Anyway, alam ko naman na may ibibigay sila sayo na bagong project. Hindi ka pababayaan ng network. You are a good actress." 

"Thank you po."

Di na ako nagsalita. Umalis na lang ako. Kakausapin ko ang management bukas.

Please comment and vote. Thanks sa mga nagtitiyaga sa story ko. Haha. Love you all!

The Kontrabida's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon