Nomination

23 6 1
                                    

Sandra's POV

Pagkadating ko sa bahay, tumawag sa akin si Liam. Ayoko na sanang sagutin kasi ayoko nang mas gumulo pa ang issue. Pero para matapos na ang lahat, kakausapin ko siya.

"Sandy!"

"Liam, ano na naman ba to?"

"Sandy, gusto ko lang magsorry dahil nadamay ka sa gulo namin ni Mich."

"Wala kang kasalanan Liam. Pero may hihingiin lang sana ako."

"Ano yun?"

"Wag mo na akong lapitan, wag mo na akong kausapin . Para matapos na tong lahat. Para matahimik na ang buhay ko."

-----------

Kinabukasan,

Nakatanggap ako ng sulat mula sa "Bayani ng Sining Awards" at nakalagay sa sulat,

Congratulations! You are nominated for the Best Actress Category of this year's Bayani ng Sining Awards.

Wala akong mapagsidlan ng saya at tuwa. Di ko aakalaing mapapansin din pala ng mga award giving bodies ang pag-arte ko. Sa kabila ng lahat ng pagsubok na kinakaharap ko ngayon, may magagandang bagay pa palang mangyayari.

Sana ito na ang pagkakataon ko na malinis ang pangalan ko. Ito na ang pagkakataon kong patunayan ang sarili ko.

______________

Michelle's POV

Nasa bahay ako ngayon. Kakabasa ko palang ng sulat mula sa "Bayani ng Sining Award" at nominated ako sa "New Emerging Star" category. Nakakainis! Bakit dun pa ako nominado sa category na yun? Para lang naman yun sa mga baguhan.

"Pero okay na rin yan anak. At least nominated ka. Kesa naman sa wala e baka maungusan ka pa ni Sandy." Sabi ni mommy sakin

"What about Sandy?" pagtataka ko.

"Hindi mo alam? Nominated din siya. Pero di sa category na yan. Nominated siya for best actress." sagot ni mommy sakin.

"Paano nangyari yun? E kontrabida lang naman siya."

"Anak, walang bida kung walang kontrabida. So what's your plan?"

"Hindi ba pinsan mo ang organizer ng event mom?"

"Yes. Bakit?"

"Alam ko na ang gagawin ko."

Akala ko tapos na. Pero di pa pala. Masyado kasing epal tong Sandy na to e. Binura ko na nga siya sa serye namin, ginugulo pa buhay ko. Bwisit!

---------------

Sandra's POV

"Kayo na muna dito ha. Wag niyo pababayaan ang isa't-isa. Tsaka mag-aral nang mabuti. Padadalhan ko na lang kayo ng pera weekly para sa panggastos niyo." Bilin ko sa mga kapatid ko.

Inaayos ko na mga gamit ko. Aalis na kasi ako bukas pagkatapos ng awarding. Babalik muna ako sa probinsiya  namin. Bakasyon, pahinga, total wala naman akong masyadong gagawin. May naipon pa naman akong pera. Malaki-laki din yun kaya it can support me for at least 3 months.

"Di ka na ba aattend sa awarding bukas ate?" Tanong ng kapatid ko.

"Pupunta ako. Pero pagkatapos nun aalis na ako. Tsaka as if naman mananalo ako dun, e nominated din kaya si Julia Montes at Kim Chiu dun." sagot ko naman.

"Si ate talaga walang bilib sa sarili."

Actually di na ako umaasang mapapanalunan ko ang award na yun. Konti pa lang ang nakikilala kong kontrabida na nanalo sa mga award na to. Tsaka may issue pa ako kaya malabong mangyari yun.
Pupunta lang ako dun para magpakita sa publiko. Para di nila iisiping guilty ako sa mga binabato sakin. Magpapainterview na rin siguro ako para malinis ko ang pangalan ko.

---------------------

Seoul, South Korea

"Mom, I'll be in the Philippines tomorrow. Pero di muna ako uuwi sa atin. Cebu ang punta ko."

"Alright Brian. Pero mag-iingat ka ha. Call me if you arrived na." Sabi ni mom.

"Yes mom. I love you."
At binaba ko na ang phone.

I am Brian Monterde. 22 na ako and I am currently working as a photographer in South Korea. Official photographer ako ng isa sa mga big TV network dun. Pag may mga events sila, pag may mga press con pati na rin pag may photoshoot ang mga models and artists nila, ako ang kinukuha nila.

May blog at page na rin ako na umaabot na sa 13.5 million followers/subscribers. Yung mga followers ko dun from different parts of the world but most of them are Koreans.

I will be having a vacation for 3 months and I guess best time ko to for me to relax and to show the world how beautiful my country is. Pinoy ako, and I miss Philippines so much. Cebu yung punta ko bukas. And siguro gagala na rin ako sa mga neighboring provinces like Bohol, Negros at Siquijor.

I am now packing my things and tomorrow afternoon flight ko.

While on my bed, I am surfing the net. I opened my facebook. Checking my friends' status and a news article caught my attention. "Rosales nominated as Best Actress".

I am so curious about this news kasi wala pang one hour ay naka-541,000 likes na ito at 300,000 comments. First time to have seen this.

Sikat na sikat siguro tong si Rosales. I checked the comment section and to my surprise, puro bash ang nababasa ko.

Grabe na talaga ang social media ngayon. Madali na lang para sa mga tao ang magsalita ng masama against someone.

I turned my laptop off and lie on my bed. Excited na ako for tomorrow.

And I closed my eyes to sleep.

The Kontrabida's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon