"Mag ingat ka"
"Ang dapat mong alalahanin ay ang sarili mo"
Parang nung isang araw lang ay napakanormal ng takbo ng buhay ko. Walang pumapansin sakin, parang invincible lang ako. Pero dahil sa isang 3 katagang iyon, unti unti ng nagugulo ang buhay ko. Pinansin ako ng mga taong ni minsan ay di ko aakalaing titigan man lang ako, pero hindi lang simpleng pansin ang nangyari, tila lahat sila'y may nalalaman at pinayuhan ako.
Nakakatakot, di ako mapakali. Ngunit, bakit ba ko natatakot? Ano bang kinalaman ko? Ano bang koneksyon ko sa mga alam nila Kai, Ashley at Leo?
Sa ngayon ay wala akong kaalam alam na kahit ano. Kung ano ang gagawin ko. Hindi na nga ako nakakapasok sa parttime job ko, dahilan ko lagi ay may sakit ako kahit ang totoo'y nasa bahay lang ako at pilit na sinasagot ang mga tanong na kahit ang sarili ko ay hindi alam kung ano.
Pinaglalaruan lang ba nila ako? Isa lang ba to sa mga instrumento nila upang bully-hin ako? Sana nga. Mas gugustuhin ko pang malait at mabully kesa malaman kong nasa isang sitwasyon akong, ako mismo ay hindi alam kung pano makalusot.
"Guys, dalian natin. May nangyari daw sa school!"
Nagising ang diwa ko sa narinig ko. Base sa itsura nila, schoolmate ko sila.
Tumakbo sila patungo sa school. Tulad ko kasi ay naglalaakad lang sila. Medyo malapit nalang ang school mula sa pinaglalakaran ko kaya napatakbo din ako.
Iba ang pakiramdam ko.
Kinakabahan ako.
Pagdating na pagdating sa school ay tumambad sakin ang napakadaming estudyante na hindi naman tiga dito sa building namin. May mga pulis din.
Ano kaya ang nangyari?
Magtatanong na sana ko,bigla namang nagusap itong mga katabi ko.
"Si Dianne De Vera. Nakita daw siyang patay sa may old storage room"
"Nakakatakot naman"
"Diba si Dianne yung kalaban lagi ni Ashley?"
"Oo, sayang. Ang ganda nya pa naman"
Dianne De Vera. Teka, classmate ko sya ah. At oo, lagi silang magkalaban ni Ashley. Ultimo kay Leo, ang usap usapan kasi sa school ay ex ni Dianne si Leo at inagaw ito ni Ashley kaya naman lumipat si Dianne dito sa Southbridge at kinalaban niya si Ashley sa lahat ng ginagawa nito.
Pero ... bakit naman siya namatay? Nagpakamatay? O baka naman pinatay?
Aish, ano ba to. Kung ano ano na naman naiisip ko.
"Tinatawagan lahat ng 4th year section D, oumunta kayong lahat ngayon sa classroom niyo"
May nagsalita sa may speaker na nakakalat sa buong school.
At dahil isa ako sa estudyante ng nabanggit na seksyon ay pumunta ako sa classroom namin.
"Fvck!"
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Panong ...
-
(A/N: Yown, edi nakaUpdate na :) andami kasing nagrerequest ng update eh. Yan :))
![](https://img.wattpad.com/cover/3321385-288-k538669.jpg)
BINABASA MO ANG
Voca Morti: Call of Death
Mystery / ThrillerAre you ready to answer the call of death?