Tumayo sya sa kinauupuan niya ng hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa akin. Humakbang papalapit ... papalapit .. papalapit .. hanggang nasa harapan ko na siya. "Mag-ingat ka'"
Umalis na siya pagtapos ng sabihin ang mga katagang iyon. Nagulat ako sa sinabi nya at hanggang ngayon ay napako padin ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw. Natatakot ako.
Inayos ko na ang sarili ko at bumaba narin sa rooftop.
Di ko maintindihan ang mga tao ngayon, natatkot ako sa kanila. Para silang may mga ibang katauhan na hindi nila nilalabas. Parang hindi sila yung mga kaklase ko na mga bully at mayayabang. Higit na sila doon, mukha sila mamamatay tao. Pero, sino ba ako para husgahan sila?
Sa ngayon, dalawang taong hindi ko inaasahan ang nagpayo saking mag-ingat. Sana nagbibiro lang sila. Sana isa lang tong panaginip. Kahit na sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari di ko maiwasang matakot.
Nasa groundfloor na ko. Di ko namalayan n nakababa ako ng hagdanan galing sa rooftop.
"Ouchhhh!"
"Ano ba yan! Di tumitingin sa dinadaanan. Tatanga tanga"
Napatingala ako kasi parang kilala ko na kung sino ang nabangga ko.
"S-sorry na" Sabi ko. nakakatakot sya.
"Anong magagawa ng sorry mo ngayon? HA?" Pasigaw na sinabi sakin ni Leo. Nakakatakot syang tignan. PAra syang mangangain ng tao. Siguro sobrang badtrip nito.
"Sorry na talaga, di ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry" Sinabi ko ng tuloy tuloy habang nakayuko ako. Ayoko syang tignan.
Nakarinig ako ng hakbang ng paa papalayo kaya naman nalaman kong wala na siya. Bakit kaya siya nagmamadali umakyat? Siguro may nakalimutan siya? Sighh. Nakakatakot talaga siya, buti nalang at hindi niya ko masyadong pinaginitan. Pero badtrip parin siya. Ano kaya nangyari don?
Di ko na sya inintindi at tumuloy nalang sa paglakad ko palabas ng gate ng biglang
"Ahhhhhhhhhhhh!" May narinig akong sigaw mula sa taas. Boses lalaki ... Boses ni Leo.
Lumaki ang mata ko sa gulat at di ko inasahang nagkusa ang mga paa kong tumakbo paakyat. Ano kayang nangyayari don sa taas?
pagbukas ko ng pinto ng classroom namin ay nakita ko si Leong basang basa ng pawis at nakayuko. Nasa dulo siya ng room. MAy hawak syang arm chair ng upuan, tingin ko ay nasira niya ito.
Unti unti akong lumapit sa kanya, dahan dahan. Habang papalapit ako ay nakita kong puno ng dugo ang kanag kamao niya, bakas ang dugo sa pader a siguro'y sinuntok niya. Gusto ko syang tulungan ngunit pano.
*eeek* nabangga ko yung isang upuan na nagbigay ng kaunting tunog na naging dahilan kung bakit tumingala ng konti si Leo.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Leo sakin habang nakatingin siya ng nakakatakot, tumutulo parin ang dugo at pawis niya.
"Sabi ko, Anong ginagawa mo dito?!" Tanung ulit niya na sinabayan ng paghagis niya ng blackboard eraser sa sahig.
Napalayo ako ng kaunti dahil sa gulat. "a-ah. N-narinig ko kasi y-yung sigaw mo. Titignan ko sana k-kung ok ka lang"
Tinignan niya ulit ako sa pangalawang pagkakataon ngunit ngayon ay mas maamo at mahinahon, normal na tingin.
Humakbang siya papalapit .... humakbang ulit.
Habang nakalapit na siya sakin, nung magkatapat na kami, nag umpisa na siyang magsalita.
"Alam mo ikaw. Ano pangalan mo? Kara? Wag ka ng masyadong makialam ok? Wag mo kong aalahanin na parang close tayo"
huminto siya sa pagsasalita at naglakad papunta sa pintuan .. at nagsalita ulit.
"Ang dapat mong alalahanin ay ang sarili mo." At sa huling salitang yun ay lumabas na sya ng pinto na kala mo ay walang nangyari.
Ang gulo. Dinagdagan niya ang gulo ng isipan ko. pangatlo na. Pangatlong beses nang may nagpayo sakin.
Ano ba to?
Ano ang nangyayari?
Ano kinalaman ko dito?
----
[a/n: Hi guise. Updated after a long 4 months. Hahaha. Ok. Last na intro na to para mapabilis. Nasasabaw ako eh. Sorry sa mga nagbabasa nito :) Iloveyouguyth.

BINABASA MO ANG
Voca Morti: Call of Death
Mystery / ThrillerAre you ready to answer the call of death?