"Ms. Kara Dizon! Are you listening?! Nakatunganga ka dyan sa bintana. Bakit, mas gusto mo bang tingnan yang bintana kesa makinig sa lesson ko?!"
Nagulat ako ng biglang may stick na humampas sa desk ko at nakita si Ma'am Tiu na nagsesemon sa harap ko.
Nakatingin sakin ang buong klase, pero halata namang wala silang pake.
"S-sorry po ma'am." ang tangi kong nasabi .
2 araw na ang nakalipas simula nung may bumulong sakin sa may bodega. At simula nun, di ako makatulog ng maayos at hindi rin ako makapagfocus sa pag-aaral ko.
"Mortem iuxta est" bulong ko sa sarili ko.
Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay namin ay sinearch ko kagad ang ibigsabihin non at nagulat ako .... Death is near ... Death is near ang kahulugan.
"Mortem iuxta est" inulit ko ulit ang mga katagang ito.
Ewan ko ba pero para bang may nakamasid sakin, kinilabutan ako at napatingin sa paligid.
Wala namang kakaiba, may sari sariling mundo ang mga tao dito at ni isa sa kanila, alam kong walang may panahong tumingin sakin
"Death is near"
Nagulat ako ng may biglang bumulong sakin. Napaharap ako sa kinauupuan ko at nakita si Kai na nakatingin sakin ng seryoso. (Sa harap ko kasi siya nakaupo)
"h-huh?" sabi ko. Nauutal ako. Ngayon lang kasi may kumausap sakin sa kalagitnaan ng klase. Madalas kasi tuwing manghihiram ng ballpen, hihingi ng papel, mangongopya ng sagot o kaya pag mambubully sila tsaka nila ko kakausapin. Si Kai kasi, sikat to sa school kahit suplado at mejo weird. Isa pa, kabarkada niya rin si Leo.
Tinignan niya muna ako ng matagal at tsaka siya Nngumiti ng nakakaloko at mala demonyo at sinabing "Mag-ingat ka". Pagtapos ay bumalik na siya sa tingin niya sa harapan.
Gusto kong magtanong sa kanya kaso di ko alam kung pano. Dahil sa kanya, lalong dumami ang iniisip ko.
Pinagmasdan ko lang ang likod niya, lumilipad pa rin ang utak ko at naghahanap ng mga sagot ....
Sagot sa mga natatagong tanong.
*RIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGG*
NagBell na pero, wala padin ako sa tamang pag-iisip.
Ako nalang pala ang natira sa classroom. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na.
Maglalakad na sana ako sa hallway ng may humila sa kamay ko.
"Kailangan kitang makausap"
---------------------------
(Author's note: Hi! May nagbabasa kaya nito? Wala PA siguro. Hahaha. Oo, 'Pa'. Siguro naman kasi, kinalaunan, may magta-tyaga din magbasa nito :) Hi nalang. Pagpasensyahan niyo na tong storya ko ah)
BINABASA MO ANG
Voca Morti: Call of Death
Mystery / ThrillerAre you ready to answer the call of death?