Hinila niya ako papunta sa may rooftop ng building.
“Isang beses ko nalang ulit sasabihin sayo ito … Mag-ingat ka” Sabi niya ng hindi nakatingin sa akin. Alam ko seryoso sya lagi pero, kakaiba ngayon. Parang dumoble yung pagkaseryoso niya na dumating sa punto na nakakatakot na.
Kung titignan mo siya ngayon, parang hindi siya yung Kai na nakikita mo sa room na tahimik at laging nagbabasa, yung Kai na sinisigawan ng mga babae tuwing lalakad sa hallway. Sa ngayon, para siyang nakakatakot na demonyo. Hindi sa nago-overacting ako pero, natatakot talaga ako sa aurang pinapakita niya ngayon. Kakaiba.
“Mortem iuxta est. Kanina mo pa paulit ulit sinasabi yang katagang yan na ang ibig sabihin ay Death is near. Wag mo na ulit sasabihin yan lalo na sa maraming taong nakapaligid sayo ….” Huminto siya saglit at tinignan ako sa mata.
“Binabalaan kita” at nagilabot ako sa pagkakasabi at pagtingin niya sakin. Feeling ko pag di ko siya sinunod, papatayin niya ko.
“U-uh. Kai, ano bang ibig mong sabihin?” Lakas loob ko siyang tinanong kahit nauutal ako.
“Masasagot lahat ng tanong mo sa takdang panahon”
at pag tapos nyang sabihin yon ay iniwan niya akong mag-isa dito.
Wala akong naiintindihan sa mga pangyayare.
Una, sino ba ang bumulong sakin non?
Ano ba kinalaman ni Kai dun sa katagang binulong sakin?
Ano ba ang alam ni Kai?
at ang huli, ano ba ang kinalaman ko sa mga alam ni Kai?
Naguguluhan ako. Di ko alam kung dapat ba akong matakot sa mga sinabi sakin ni Kai.
Di ko alam ang gagawin ko, lalo na kung wala akong alam sa mga nangyayari. Di ko masagot ang tanong kung sa sarili ko, naguguluhan na ko. Shit.
“Oh, bakit parang loka loka ka dyan?”
teka, sino yon?
tiningnan ko ang pintuan ng rooftop at nakita si Ashley .. Asley Peralta, kaklase ko din. Girlfriend siya ni Leo.
Aba, bakit nandito ang Bitch queen ng buong campus? Takang taka ako. Bakit? Siya lang naman kasi ang pinakasikat na babae sa buong school, dahil sa taglay nyang kagandahan, kaseksihan at lalong lalo na sa kanyang kamalditahan. Siya na yata ang female version ni satanas base saking pananaw at hanggang ngayon ay takang taka ako bakit ako kinakausap ng demonyitang to. Bubully-hin na naman kaya niya ko?
“Hoy! Babae! Kinakausap kita. Wag mo kong tignan lang. Oo, alam kong maganda ako pero kinakausap kita ..” Lumapit siya sakin na inihakbang ko naman patalikod. “Kaya, sumagot ka!”
Di ko alam kung anong gagawin niya sakin, baka sampalin, sabunutan o kaya naman itulak ako nito dito sa rooftop.
“A-ah. W-wala” ang tanging nasambit ko.
“Anong wala, eh nung nakita kita parang gusto mo ng pumunta sa mental” Mataray na sabi niya.
Tiningnan ko lang ulit ito pagkatapos ay yumuko ako.
Naramdaman kong papalapit siya sakin, pero parang napako ako sa kinatatayuan ko. Pumikit nalang ako kasi akala ko may gagawin siyang hindi maganda, pero nagkamali ako.
Nilagpasan niya lang ako at umupo dun sa may bench.
“Wag kang mag-alala. Wala pa akong gagawin sayo. Hahahaha”
Nangilabot naman ako sa narinig kong tawa niya. Tawa ng demonyo.
Tinignan niya ako ng masama. Feeling ko ay tagos tagosan na ang tingin niya na pati ang kalamnan ko ay natatakot. Kakaiba siya. Demonyo siya.
---------------------------------------------------------
[A/N: Hi! Sana may nagbabasa na <3 Oo, part padin ng intro ang chapter na to. Pinapakilala ko lang yung iba, o sabihin na natin MAIN CHARACTERS. Atleast may kilala na kayong characters. Habang tuloy tuloy kasi ang storya, nadadagdagan pa ang characters. Hahaha :)) Ge salamat :)]
![](https://img.wattpad.com/cover/3321385-288-k538669.jpg)
BINABASA MO ANG
Voca Morti: Call of Death
Tajemnica / ThrillerAre you ready to answer the call of death?