Chapter14: When The Cassanova Made A Move

71 2 0
                                    

Chapter14: When The Cassanova Made A Move

JOSH POV

Eto na nga at kinausap ko na lahat ng classmate ko. Kaso nga lang pahirapan! Kailangan na to ngayon. Yung mga lalaki kailangan ko pang hamunin ng pustahan. Awa ng diyos nanalo naman ako sa DOTA. Yung mga babae, charms lang at kindat ang katapat! Hayss, buti pa itong si Mhirdiel madaling kausap eh. Sya itong pinagtawag ko kay Cess.

Medyo napagastos ako sa pagaayos pero kahit paano. Successful naman! Binayaran ko din ang lahat ng teachers para walang maepal sa plano ko. HAHAHA!

"Mhirdiel! Shit. Kinakabahan ako. Mhirdiel. Hoy! Mhir - -" Kinukulit ko si Mhirdiel ng biglang lumingon ito at sinamaan ako ng tingin.

"Hoy MISTER JOSH MONTES! Di mo ko binabayaran kaya wag kang masyadong demanding! Kung kinakabahan ka. Problema mo na yon. Basta ako, nagawa ko na yung part ko! Mangulit ka pa nang di na kita tulungan." pagbabanta nito.

TTATT Kinakabahan talaga ko ng di ko malaman. Shit. Nakakabakla naman to ng sobra. Hayss! Ngayon ko palang to gagawin para sa isang babae.

*

Ayan na nga at sinundo na ni Mhirdiel si Cess. Ayan na sya! Nakapiring ang mata habang inaalalayan sya ni Mhirdiel.

Kelangan ko nang icompose nag sarili ko. "Ehem." Eto na nga sya. Iginaya sya ni Mhirdiel tungo sa harapan ko. Hinawakan ko ang magkabillang balikat nya.

'Eto na talaga to. SHIT lang talaga. Nakakakaba pala ng sobra. Puta, nakakabakla.'

"J-Josh? Ikaw ba yan?" tanong ni Cess.

Di ako nakapagsalita at tinanggalan ko sya ng piring kasunod ng paghawak ko sa kamay nya.

PRINCESS POV

Nakapiring pa rin ako habang inaalalayan ako ni Mhirdiel. Huminto kami ng makarating ng, kung hindi man ako nagkakamali, sa may rooftop! 

Huminto kami. Biglang may humawak sa magkabilang balikat ko mula sa likod. Ang amoy na yon!

"J-Josh? Ikaw ba yan?" nagaalangang tanong ko.

Di ito sumagot bagkus ay naramdaman ko nalang ang pagalis nito ng piring ko.

"Lingon ka sa may baba! Bilis." anitong katabi ko. Tama, si Josh nga to.

Paglingon ko sa baba. Nanlaki ang mga mata ko! Napatakip ako ng bibig! 

May mga tao sa ground floor na may mga hawak na karatula na nagsasabing "MAHAL KITA PRINCESS ALEJO!". Napansing kong full effort ang pagkakagawa nito. Parang matagal nang pinaghandaan. Isa pang ikinagulat ko ang biglaang pagsulpot nin Josh sa ground floor. 

'Eh, diba kanina katabi ko lang yun? Hays, ewan.'

Bigla itong sumigaw!

"PRINCESS ALEJO, MAHAL KITA! TANGGAPIN MO MAN O HINDI. PATULOY PA DIN KITANG MAMAHALIN. DI KO ALAM KUNG PAANO KO SASABIHIN TO! PERO ATLEAST NASABI KO NA. PRINCESS ALEJO. INUULIT KO. MAHAL-NA-MAHAL-KITA! MAGHIHINTAY AKO."

Napanganga ako sa mga sinabi nya. Una si Khai! Tapos si Josh. Haay, Gawd? Ano pa ba ang susunod.

Bumaba na din ako sa ay school grounds para kutusan ng marami si Josh Montes.

Nakababa na nga ako at ikinagulat ko naman ang sunod nyang ginawa. Sinalubong nya ako sa may hagdanan ng first floor at iniabot sakin ang tatlong bouquet ng rosas.

"Josh - -" umpisa ko ngunit di rin ako pinatapos ni Josh ng ilapat nya ang hintuturo nya sa aking mga labi.

"Hindi ko hinihingi ang sagot mo. Pagisipan mo muna at hayaan mo lang ako. Please." seryosong sabi nito.

Tumango nalang ako bilang sagot. Bumalik naman agad sya sa pagkabubbly nya at umakbay sakin.

"Halika na. hatid na kita sa room nyo." masayang saad nito. 

*

Malapit na kami sa rrom ng makita ko si Ace na kausap si Khai! Muhkang seryoso ang dalawa at di kami napansin habang dumadaan kami.

'Ano kayang pinaguusapan nila? Waah. nakakaaning na araw naman ito!'

<3Mariehya_Aires

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pers Lab Ko Si Parekoi &gt;___&lt; [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon