Chapter12: Be Amused And Be Hurt

34 0 0
                                    

Chapter12: Be Amused And Be Hurt.

KHAI POV

Napakagaan ng loob ko kay Princess. Di ko alam kung bakit pero ang tanging alam ko lang i can be who am i whenever im with her. Yung tipong carefree lang at walang inaalala.

*

Malapit na kami sa KLU at nagulat ako ng biglang mapahinto si Princess.

Sinundan ko ang tinitingnan nya at nakita ko ang isang lalaki kahawak kamay ang isang babae.

Napakunot ako ng noo sa di malamang dahilan. Di ko alam pero may isang parte sa utak ko na nagsasabing kailangan na may gawin ako. Alam kong konektado si Princess sa tao na yun. Pero di ko lang sigurado kung ano talaga. Pinigil kong itanong kay Princess ang mga nais kong itanong. Ayoko nang makagulo pa sa mga dinaramdam nya.

Hinigit ko ang kamay nya na agad nya naman ikinabigla.

"W-W-Wait lang. Uy, Khai? Ano ba." Angal ni Princess.

Napansin kong napalingon samin ang lalaking yun ng makita nya kaming magkasama.Kumunot ang noo ng lalaking yun at napansin ko na din ang pagkuyom ng kanyang kamao.

'Bakit kaya ganon na lang ang reaksyon nya. Boyfriend ba sya ni Princess? Eh, bakit may kasamang ibang babae yun? Di kaya tinu-two-time nya si Princess? TEKKAAAAAA? Bakit ba ako nagkakaganito? Kelan pa ako nagsimulang magalala sa mga babae? Tch. Hayyssss' >___<

*

ACE POV

20 minutes nang late si Princess. Kahit kelan talaga yung babaeng yun. Pero kahit na anong gawin nya na pananakit sakin, alam nya man o hindi na nasasaktan ako. Wala akong pake, sadyang bulag lang ako kay Princess sa di malaman na dahilan. 

"ACEEEE!" tawag sakin ng isang pamilyar na boses. napalinga ako sa pinangagalingan ng pagtawag sa akin.

Si Mika nanaman? =__=; Nga pala, si Mikaella Lois Bernaldez o Mika, pinakasikat sa KLU. Sabi nila sya daw ang pinakaperfect na babae sa University namin. Sabi nila yun ah, pero para sakin. Wala akong pakialam dun. HAHAHA. Wala pa din syang binatbat sa Parekoi ko. At tropa kami nito ni Mika in addition. 

"Hey? Are you listening?" Mika.

"No." diretsong sabi ko na ikinairita nya,

Ikinagulat ko ang bigla nyang higit sa mga kamay ko patungo sa loob ng school. Pero mas ikinagulat ko ng madinig ko bang boses ni Princess sa di kalayuan.

"W-W-Wait lang. Uy, Khai? Ano ba." dinig kong angal ni Princess.

Napakunot ang aking noo at napakuyom ang aking mga kamao. Sinibukang kong kumalma pero di ko magawa dahil sa selos na nadarama ko ngayon.

Nagpahila nalang ako kay Mika sa loob.

*

ADMIN's OFFICE

Nakita ko si Princess at yung lalaking yun doon. Masaya sila! Ganito ba talaga? Mahalaga na nga si Josh para sa kanya tapos may kasama nanaman syang ibang lalaki.

"Hahaha. Bagay naman talaga kayo ah!" sabi nung babae sa may desk.

"Ganun po ba?"  tanong nung kasamang lalaki ni Princess.

"ASA" narinig kong sabi ni Princess.

Nababadtrip na ko.Siniko ako ni Mika dahilan para tingnan ko sya ng masama.

Pers Lab Ko Si Parekoi &gt;___&lt; [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon