"MAGBALIK" by: Callalily

129 6 0
                                    



~Janet's POV~


Almost 2 years na din ang lumipas mula nung maghiwalay kami ni Gian.


College pa kasi kami when we had our break-up.


And by that time, I was already moved on. Masaya na ko ngayon sa single life ko. Wala akong ibang pinagkakaabalahan kundi yung trabaho ko. Malaya akong nakakasama sa mga kaibigan ko sa mga lakad at wala akong ibang isipin kundi ang pamilya ko at ang sarili ko lang.

Akala ko talaga totally nakamove-on na ko kay Gian, pero nagkamali pala ako ng akala nang dumating yung hindi ko inaasahang araw.

May hindi inaasahang bisita ang kumakatok sa pinto ng bahay namin. Hindi ko alam kung sino yun kaya naman agad ko itong pinagbuksan. Sa pagbukas ko ng pintuan ay laking gulat ko nang si Gian ang nakita ko na nakatayo sa labas ng bahay namin.


"Hi Janet! Kamusta ka na?" bati ni Gian sa 'kin.


Tila agad bumigat ang loob ko at nainis ako sa pagmumukha niya, kaya naman walang imik ko siyang pinagsarhan ng pinto. Ngunit wala pang sampung sigundo nang muli siyang kumatok ulit. Nakulitan ako kaya muli ko siyang pinagbuksan.


"Ano ba! Ano bang kailangan mo?!" inis kong tanong sa kanya.


"uhm... wala lang... miss kita eh." medyo pangiti niyang sagot na parang nakakaloko.


"Ah ganun?" muli ko siyang pinagsarhan ng pinto, pero agad niyang naikalang yung paa niya kaya muli ko ulit itong binuksan. "Bakit ba nagpunta ka pa dito?? Ang tigas din naman ng mukha mong magpakita pa sa 'kin!" galit kong sabi sa pagmumukha niya.


"uhm... nagpunta ko dito para humingi ng tawad sayo. Nagsisisi ako sa nagawa ko. Narealize kong hindi pala dapat kita iniwan at ipinagpalit." Seryosong sabi niya.


"ah.. nagsisisi ka na?? Pwes! Magsisi ka habang buhay! Dahil kahit anong gawin mo, hindi na ko makikipagbalikan sayo! G*go!!" Sa sobrang inis ko ay sinipa ko siya sa tuhod tsaka ko siya pinagsarhan ng pinto, at hindi ko na siya pinagbuksan pa.


The next day...


Hindi ko inaasahang babalik pa siya kaya naman hindi pa siya nakakaimik ay tinadtad ko na siya ng mura at agad ko siyang pinalayas sa paalis ng bahay namin. Pero tila ayaw magpatinag ng loko at bumalik pa din siya sa sumunod na araw, at sa sumunod pa, at sa sumunod pa, hanggang sa umabot na ng isang linggo ang kanyang pagpapabalik-balik sa bahay namin para suyuin ako.


"Aba't talagang ang tindi mo rin ano? Pinagsasampal na kita, pinagsisipa, pinagmumura, at paulit-ulit na din kitang pinalalayas, sa halip na sumuko.. paulit-ulit ka pa ring bumabalik! Para kang dandruff. Isa kang malaking dumi na pabalik-balik sa ulo ko alam mo ba yun?!" pagtataray ko kay Gian.

Love Song Playlist [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon