"I'LL NEVER GO" by: Erik Santos

67 5 0
                                    



~Zav's POV~


Hi! Ako nga pala si Zav! Short for Zyrine Ariella Victoria.


Sa 'ming apat.. ako yung may ideal at stable na relationship since college.


Pano ko nasabing Ideal??


'Cause for me it's almost perfect!


The relationship, the feeling, and even my partner... Quen.


He's perfect for me, kaya wala na kong hahanapin pa.


Magkasama kami sa trabaho ni Quen, pero walang nakakaalam sa work place namin na couple kami, because it is strictly prohibited, at ang alam ng lahat ng katrabaho namin ay magpinsan kami.


Break Time...


"Zav, ano kaya kung umamin na tayo?" tanong sa 'kin ni Quen.


"umamin na ano?" pagbabalik ko ng tanong.


"na.. TAYO." Sagot niya.


"ano ka ba Quen? Gusto mo bang matanggal ang isa sa 'tin?? Alam mo namang bawal ang magka-relasyon sa trabaho natin diba?" sabi ko.


"medyo nag-aalala lang kasi ako eh. Pakiramdam ko kasi madaming nagkakagusto sayo sa department niyo, kasi hindi sila aware na TAYO." sabi niya.


"*sigh* Hon.. Hindi man nila alam na ikaw yung boyfriend ko. Aware naman silang naka in a relationship na yung status ko, kaya wag mo ng alalahanin yun, okay? At kahit naman may magpa-cute sa 'kin dun eh.. hindi ko din naman sila ineentertain, dahil may mahal na ko.. at ikaw lang yun! hmf?" pagpapalubag loob ko sa kanya.


"dapat lang! because you're all MINE." Sabay inilapit niya sa 'kin ng konti yung mukha niya.


"Mr. Enrique Gil? Gusto mo ba talagang magpabisto at matanggal? Hmf? Ilayo mo nga yang mukha mo!" galit-galitang effect kong sinabi.


Nang ilayo na niya yung mukha niya sa 'kin...


"Sus! Kinilig ka naman. Aminin mo!" tukso niya sa 'kin.


"kinilig mo mukha mo! Tigilan mo nga ako. Hmf!" sabay alis ko dahil tapos na ang break ko.


"Insan! Wait!" at agad siyang sumunod sa 'kin.


At dahil sa bawal nga ang pagkakaroon ng karelasyon sa trabaho namin, kaya naman may advantages at disadvantages din ang pagpapanggap namin bilang magpinsan.

Love Song Playlist [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon