"VALENTINE" by: Jim Brickman

70 6 0
                                    



~Author's POV~


Nang magkita-kita sina Abby, Zav, Jade, at Janet sa isang coffeeshop ay tila parang byernes santo sa lungkot ang mga mukha nila maliban nalang kay Zav na sobrang good vibes.


"oh mga bakla? Bakit ganyan ang mga mukha niyo?? Namatayan ba kayo ng chismosang kapitbahay para malungkot kayo ng ganyan?? Cheer up!" masiglang sabi ni Zav.


"Alam mo Zav, hindi mo kami maiintindihan kasi sa 'ting apat.. IKAW yung may pak na pak na relationship!" sabi ni Abby.


"edi ikaw na! ikaw na talaga!" dagdag pa ni Janet.


"bakit Janet? Akala ko ba okay na kayo ni Gian? Napatawad mo na siya di ba?" tanong ni Zav kay Janet.


"oo." Sagot ni Janet.


"so bakit nakikiuso ka pa ng pagkafoker face sa dalwang 'to??" –Zav


"eh kasi nga pinatawad ko lang naman siya, pero hindi pa naman talaga kami officially nagkakabalikan." Sagot ni Janet.


"bakit naman hindi??" tanong ni Jade.


"eh hindi naman siya nanliligaw ulit eh." sagot ni Janet.


"sus! Hindi pa ba panliligaw para sayo yung mga ginawa niyang panunuyo sayo?? Ano ka ba naman Janet? Ang slow mo! Yun na din yun noh! kung pinatawad mo siya dahil naramdaman mong sincere siya, it also means na nakikipagbalikan ka na din sa kanya! hay naku!" sabi ni Abby.


"ganun ba yun??" tanong ni Janet.


"oo ganun yun! bakla ka!" sabay-sabay na sagot nung tatlo nina Abby.


Bahagya namang napangiti si Janet.


"buti pa yung dalwa okay na, tayo kaya Abby?? *heavy sigh*" malungkot na sabi ni Jade kay Abby.


"yung akin, obvious namang wala ng pag-asa. Rejected ako eh. Ewan ko lang yung sayo? Ano ba kasing nangyari sa inyo??" tanong ni Abby kay Jade.


"hindi ko nga din alam eh, basta nalang kami nagkaganito. *sigh*" sagot ni Jade.


"baka naman hindi mo napagbigyan??" –Abby


"paano ko siya pagbibigyan? eh hindi naman niya ko tinatanong!" Sagot ni Jade.


"baka naman kasi kinulang sa pampagana, kaya hindi niya maisipan?" –Janet


Love Song Playlist [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon