~Abby's POV~
Nang mapilit akong lumabas ng bahay ni Zav ay isinama nila ko ni Quen sa theme park. Nang tumigil kami sa harapan ng ferry's wheel...
"oh? Bakit niyo ko dinala dito? Wag niyong sabihing magde-date tayong tatlo??" tanong ko.
"hindi ah! ano ka sineswerte? Hahatian mo pa ko ng moment kay Quen? No way!" kontra ni Zav.
"eh bakit niyo nga ako dinala dito?!" pag-uulit ko ng tanong.
"basta. Wag na wag kang aalis dito, okay?" sagot ni Zav.
"at bakit naman hindi??" tanong ko ulit.
"Abby we're doing you a favor, kaya you should trust us." Sabi ni Quen.
"Oh narinig mo si Quen diba? Kaya just stay there, stay put, and be calm! Okay? Geh, maiwan ka na namin dyan.. Byeee!" paalam ni Zav sabay alis.
"Hoy san kayo pupunta!? Iiwan niyo ko dito?? Hoy Zav!" hindi na nila ako nilingon at tuluyan na silang nakaalis.
Nang maiwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko. "ano na naman kayang pakulo ng mga yun?? hay naku!" medyo disappointed kong sabi sa sarili ko.
Tulad ng sinabi nina Zav ay hindi ako umalis sa pwesto ko kahit na wala akong alam sa kung ano o sino ang iniintay ko. 5 minutes palang ang nakakalipas pero pakiramdam ko ay mahigit isang oras na kong naghihintay. Ang bilis kong mainip kaya naman naisipan kong umalis na.
"hay naku, wala naman ata akong hinihintay eh, makaalis na nga lang." sabi ko.
Paalis na sana ako nang magulat ako sa narinig kong malakas na pagputok. Nang tingnan ko kung saan galing yun ay dun ko napansin yung napakagandang fireworks display. Muli akong natigilan dahil na-amaze ako sa ganda nito.
"Wow! Ang ganda! Ano kayang meron? Bigla ata silang nagpafireworks display?" sabi ko sa sarili ko.
Habang pinapanood ko yung display ay kasunod na nagliwanag naman yung ferry's wheel na lalong nakapagpamangha sa 'kin, at kasabay nun ay isa-isang may nagladlad ng pahabang tela na may nakasulat na isang word sa bawat isa.
H V D A V
A A A B I
P L Y B L
P E Y L
Y N G A
T A R
I I O
N L X
E A
S S
BINABASA MO ANG
Love Song Playlist [COMPLETED]
Historia CortaPara sa mga NAGMAHAL.. NASAKTAN.. at NAINLOVE ulit. Ito ang LOVE SONG NG BUHAY NIYO.