Episode 7 #Lyndon Callix#
Hindi ko maintindihan ang mga bagay na narinig ko mula kay mama at kay lolo. Meron din akong pakiramdam na parang hindi ko yata magugustuhan ang ibig sabihin nila. Kaya naman hindi muna ako nagpakita sa kanila at dumeretso nalang ako dito sa I.C.U ni Sandy.
Though, nang papunta ako rito ay may lumabas na lalaki galing dito sa kwarto nya. Hindi ko alam kung sino yon. Hindi naman kasi yon mukhang si tito Seth, papa ni Sandy, at mukhang hindi rin iyon doctor. Naka-suot kasi sya ng pang-casual at yung tangkad nya ay hindi naman nalalayo sa tangkad ko kaya naman I'm thinking na kasing-edad lang namin sya ni Sandy.
Hindi kaya manliligaw yon ni Sandy?
Ay hindi, imposible! Wala naman syang pinapakilalang manliligaw sakin eh. Syempre hindi maglilihim ng ganong bagay sakin si Sandy. Sobrang liit na bagay nga sinasabi non sakin, yung manliligaw nya pa kaya -,-
Pero sino kaya yon? Sana naman wala syang ginawang ka-ewanan dito kay Sandy! Nako! Baka gusto nyang masundo ni Grim reaper ng wala sa oras!
Hay...
Bigla namang bumukas ang pinto ng ICU kaya napalingon ako rito. Nakita ko namang papasok ang parents ni Sandy kaya tumayo ako mula sa pagkaka-upo at lumapit sa kanila para mag-mano.
"iha, bakit nandito ka? Hindi ba babantayan mo ang lolo mo?" tanong ni tito Seth. I gave him a half smile
"ah tito, tita, gising na ho si lolo. Nandoon ho si mama, nagbabantay" pagkasabi ko non ay parang nagulat pa silang dalawa at nagkatinginan. Though, unang nag-iwas ng tingin ay ang mama ni Sandy.
"a-ah, t-that's good! Mabuti naman kung ganoon. Pero hindi ba dapat ay nandon ka lalo na't gising na pala ang lolo Sebastian mo?" sabi ni tita Dera at nginitian ko naman sya.
"okay lang po. Ayaw ko naman pong iwan dito si Sandy ng mag-isa" sabi ko at napa-ngiti rin si tita. They guided me on Sandy's bed at hinawakan ni tita ang pisngi ng anak nya. Tumingin naman sya uli sakin.
"ang swerte naman ng anak ko at naging kaibigan ka nya" sabi ni tita at para akong sinampal ng malakas ng marinig ko ang mga salitang iyon. Nahiya ako bigla sa sarili ko.
"hindi ho" sabi ko at napa-lunok ako.
Hindi swerte saakin si Sandy. Kung tutuusin ay ako nga yata ang malas sa buhay nya. Simula palang noong bata kami, lagi na syang nahihirapan dahil sakin. Lagi nya akong nililigtas. Lagi syang napapa-away nang dahil sakin. At ngayon, muntikan na syang mamatay nang dahil sakin.
"sana ay hindi mo sinisisi ang sarili mo sa aksidenteng nangyari kay Sandy, Angel" sabi bigla ni tita at naramdaman kong nag-init ang mata ko. Heto nanaman ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
Simula nang umiyak ako nang umiyak sa harap ni Grim Reaper ay ngayon nalang ulit ako naiyak.
Napansin siguro ni tita na naiiyak ako dahil nginitian nya ako at inilapit nya ako sa kanya at saka nya ako niyakap. At sa pag-yakap na iyon ni tita ay tuluyan na akong naiyak.
"ssh, shh. Tahan na. Wala kang kasalanan iha" sabi ni tita habang yakap-yakap nya ako.
Napa-iling naman ako na parang sinasabi kong hindi
"kasalanan ko po tita. Sorry po. Sorry po sa nangyari kay Sandy. Kung...Kung pumayag lang ho sana ako sa gusto nya, sana...sana hindi ho sya lang ang naaksidente" I said between my sobs at pinapakalma parin ako ni tita. Sumama na nga rin pati si tito. Hinahagod nila ang likod ko para maka-hinga ako ng ayos kahit konti.
"ssh, iha. Wag mong sisihin ang sarili mo. Aksidente ang nangyari" sabi muli ni tita Dera.
"hindi magugustuhan ni Sandy pag narinig nya ang mga salitang iyan, sige ka" sabi naman ni tito Seth at umiiyak parin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/60256925-288-k19943.jpg)
BINABASA MO ANG
Sighter and Death [Hiatus]
FantasyI am a girl but not the ordinary girl. I am living my life that is not a life. I can see things that are not things. I can hear things that are not things. Especially, I can speak with someone that do not suppose to exist but exists. I can speak wit...