Episode 7 #Soon#
"Kung noong first year kayo, pinag aralan ninyo ang inyong kapaligiran sa Gen. Science. Kung noong 2nd year naman kayo ay pinag aralan nyo ang pinagmulan ng buhay sa Biology. At kung noong 3rd year naman kayo ay napurga kayo sa kakabisado ng Periodic Table of Elements sa Chemistry, ngayong 4th year na kayo ay babalikan natin lahat yan sa Physics. Well, maliban sa Biology" sabi ni sir Kailan at pakiramdam ko ay walang pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi nila. Nakikita ko syang nakatayo sa harapan naming lahat at nagsasalita, pero para syang naka-mute. Nakikita kong bumubuka ang bibig nya ngunit wala akong naririnig na tunog mula rito.
"Ihanda nyo narin ang sarili nyo sa mga kakabisaduhin nyong formulas" sabi muli ni sir at at nag-protesta ang mga classmates ko.
Dahil hindi ko parin lubos na maintindihan si sir Kailan, sa kadahilanang lutang ako at iniisip ko kung ano ba talaga ang nangyari kagabi, ay hindi ko alam kung bakit nag-violent reaction ang mga kaklase ko. The next thing I knew ay may bumagsak na kamay sa desk ko na syang umagaw sa atensyon ko.
I looked at the hand and my eyes traced its arms to see who owns it at nakita kong pagmamay ari ito ni Jino. Sya kasi ang nasa harapan ko.
"Ano Ms. Callisto, inaantok ka pa?" biglang tanong ni sir kaya bahagyang kumabog ang dib-dib ko sa kaba. Shat! May sinabi ba si sir saakin?
"Po?" I asked at sinundan ito ng halakhakan ng mga classmate ko. Eh pano, pinagtatawanan nila ang paos kong boses.
"Nako sir! Kinikilig lang yang si Angel! Palibhasa kasi..." sabing muli ni Jino na hindi tinapos ang sasabihin pero alam naman na ng lahat ang gusto nyang iparating.
Kumunot ang noo ko sa kanya at sa iba ko naring classmate dahil nagsi-gatungan na sila. Kung nandito man si Sandy, malamang ay apaw na apaw ang halakhak non.
"Ano nanaman Jino?" sabi ko gamit ang paos na tinig at mahihimigan sa boses ko ang hindi pagka-gusto sa sinabi nya.
Agad naman akong napa-sulyap kay Jico at nakita ko syang parang natatawa rin. Napa-simangot tuloy ako lalo. Alam ko naman kasing kahit may ngiti sa labi ni Jico ay nasasaktan sya ngayon sa hinihimigan ni Jino.
Nako! Ang abnormal naman kasi nito ni Jino! Kung ano-anong ka-abnormalan ang sinasabi! Tss!
Pero chos lang! Hindi naman ako hibang para maisip yon. Alam ko namang pure na natatawa si Jico ngayon dahil ang pangit na nga ng boses ko, napahiya pa ako kay sir Kailan!
"osya, tama na" sabi ni sir at unti-unting humupa ang ingay sa room.
"oh, miss Callisto, What is Science?" tanong ni sir Kailan at napa-pikit ako ng mariin.
"Science is a sistematized body of knowledge, sir" I said gamit parin ang paos na boses pero naiintindihan naman. Pero hindi parin napigilan ng iba kong kaklase ang kanilang tawa kaya naman ang ilan sa kanila ay humagikgik parin.
Napa-hinga ako ng maluwag nang magsimula nang mag-discuss si sir dahil tumahimik narin ng tuluyan ang mga kaklase ko. Maski ako ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pakikinig at pagsusulat ng mga bagay na sa tingin ko ay importante.
Hindi ko naman napigilan na tumingin sa upuan ni Sandy. Walang laman iyon syempre pero sa paningin ko ay nakikita ko syang nagpe-pen spin.
Mahilig kasing mag-pen spin yon si Sandy. Hindi ko na alam kung kelan nagsimula pero namulat na akong nakikita ko syang laging nagpe-pen spin. Parte rin kasi si Sandy ng Drum&Lyre band. Actually, dalawa kami dahil hinigit nya ako. Pero, all around sya. Halos lahat yata kaya nya. Majorette, flagger pati Lyre at drum mismo ay alam nya. Ganoon syang uri ng tao. Napaka-unfair naman kung mawawala sya agad. Pero, dahil alam ko namang ligtas sya ay hindi na muna ako magi-isip pa ng kung ano. Mamaya naman ay dadalawin ko sila ni lolo.
![](https://img.wattpad.com/cover/60256925-288-k19943.jpg)
BINABASA MO ANG
Sighter and Death [Hiatus]
FantastikI am a girl but not the ordinary girl. I am living my life that is not a life. I can see things that are not things. I can hear things that are not things. Especially, I can speak with someone that do not suppose to exist but exists. I can speak wit...