Side Story 1

16 0 0
                                    

Wala kang ibang tunog na maririnig kundi ang tunog ng machine na nag-iindika kung mayroon pang tibok ang puso ng tao. Pati narin ang machine na nag-iindika kung gaano gabilis ang paghinga nito.

Sa ICU ay nakahiga ang isang pasyenteng babae. Matagal na ito rito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sya gumigising. Wala nang problema sa katawan nito. Dumikit na ang mga nahiwalay na buto, gumaling na ang mga sugat na natamo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sya gumigising.

Sumulpot ang isang nilalang sa gilid nito. Pinagmasdan ang mukha ng dalaga at saka napa-buntong hininga. Alam nyang walang makakaintindi sa mga kilos nito pero ang kanyang mga ginawa ay dapat lang dahil kung hindi, mas malala pa ang mangyayari.

Hinawakan nya ang daliri ng dalaga at bumulong ng mga katagang sya lamang ang nakakaintindi.

Bago pa man pumasok ang isang nurse para tignan ang kondisyon ng dalaga ay umalis na ito.

"Good evening Sandy!" Maligayang bati ng nurse sa dalaga.

Binuksan ng nurse ang thermometer at itinapat ito sa tenga ng dalaga.

"Hindi ka maniniwala sa kwento ko ngayon" masaya pa ring sabi ng nurse "kanina, nakasabay kong magdinner yung crush ko!" Kinikilig na saad nito at tinignan ang temperatura ng dalaga. Isinulat naman nya ito sa chart nyang dala.

"Tapos nagkausap kami hihihihi! Akalain mong pareho pala kaming mahilig sa bandang The Script!" Kinikilig pa ring sabi nito habang tinitignan ang vitals ng dalaga.

"Grabe! Hindi ko inaakalang magkakausap kami ng ganon!" Sabi nyang muli habang inoorasan naman ang patak ng I.V ng dalaga.

"Tapos kanina---" napatingin ang nurse sa dalaga at napatigil ito nang makitang nakatingin din ito sa kanya.

Napatigil ang nurse ng ilang segundo, gulat sa nakita. Maya-maya ay pinindot nya ang red button na nakalagay sa taas lang ng kama ng dalaga. Inalarma nito ang ward na kailangang pumunta sa ICU.

"Sandy? Sandy naririnig mo ba ako?" Intense naman ngayon ang boses ng nurse nang sabihin nya iyan

"Kumurap ka kung naririnig mo ako!" sabing muli ng nurse at kumurap naman ang dalaga.

Hindi maipaliwanag ang saya ng nurse at halos maiyak pa ito. Sakto namang dating ng doktor at iba pang nurse na mga humahango.

"Doc! Gising na ho sya!" Maligayang bati ng nurse sa doktor at gulat na tumingin sa kanya ang doktor.

Pumihit naman sa direksyon ni Sandy ang doktor. Katulad ng ginawa ng nurse ay tinanong ng doktor kung naririnig sya nito, kumurap kung oo kaya naman kumurap si Sandya.

Sunod na pinagawa ng doktor ay kung nagagalaw ni Sandy ang daliri nito sa kamay. Ginawa ni Sandy at gumalaw ang hintuturo nito. Sunod ay ang daliri sa paa at nagawa ito ng dalaga.

Halata ang saya ng mga tao sa ICU na hindi na nila napansin ang taong nakatingin lamang sa labas. Hindi makapaniwalang nakatingin ang taong iyon at para bang iyon ay ang pinakamasayang araw sa buhay nya. Napatingin sa kanya ang dalaga kaya naman napahawak sya sa salamin na para bang hinahawakan nya ang dalaga.

Hindi man halata ngunit ngumiti ang dalaga nang makita nya ito. Kahit walang tinig, alam nyang binanggit ni Sandy ang pangalan nya.

"Lyndon" ang sabi nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sighter and Death [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon