Mage-eleven na ng gabi at nandito ako sa kwarto ni Sandy, dito sa I.C.U sa hospital. Nadalaw ko na kasi si lolo kanina at sa kwarto nya ay nandoon sila tito Seth at tita Dera, parents ni Sandy. Nag-exchange muna kami kasi may mga bagay daw muna silang paguusapan. Hindi ko alam kung tungkol saan pero may narinig ako kaninang may balak sila tito at tita na dalhin si Sandy sa Japan for further medical treatment.
Hindi ako against sa gusto nila tita pero hindi rin naman ako agree. I mean, alam ko namang kung nasa Japan si Sandy ay malaki nga naman ang chance na gumising sya agad dahil mas advance ang technology at medicine nila roon. Pero, paano maglalakbay si Sandy kung ganitong halos nagfi-50/50 ang buhay nya? Isang maling kabig lang sa mga tubong naka-konekta sa kanya ay maari syang mawalan na ng buhay ora mismo.
Napa-hinga ako ng malalim at tumingin kay Sandy. Pero pag tingin ko sa kanya ay halos manlaki ang mata ko nang nakita kong gumalaw ang daliri nya. Pigil ang hininga ko dahil hindi ko alam kung totoo ba ang nakita ko. Pero, mas gumalaw pa ang daliri nya at unti-unting bumukas ang mata nya. Umikot ang mata nya at napa-tayo ako agad at napa-takbo papunta sa gilid ng kama nya.
Oh my gosh!
"S-Sandy? Sandy? Sandy" tawag ko sa pangalan nya at napapunta saakin ang tingin nya.
Tinignan nya ako habang nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Gusto nang tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko dahil ayaw kong ang pag-iyak ko ang una nyang makita pag gising nya.
"S-Sandy.. Hey, naririnig mo ba ko?" I ask at muli nya akong tinignan. Bigla namang bumaluktot pataas ang labi nya at ang luhang pinigil ko kanina ay tinraydor na ako ng tuluyan dahil pumatak na sya nang makita ko ang ngiti ni Sandy.
"ejel" hirap na banggit ni Sandy kaya nilapit ko ang sarili ko sa kanya. Pero kahit hindi gaanong malinaw ang pagka-banggit nya ay alam kong ang pangalan ko ang inutal nya.
"a-ano yun? May kailangan ka ba? May masakit ba sayo? T-teka tatawag lang ako ng doktor" halos natatarantang sabi ko kaya kahit labag sa loob kong iwan si Sandy ay ginawa ko. Patakbo akong lumabas sa kwarto nya at pumunta sa pinaka-malapit na ward para sabihing gising na si Sandy. Wala kasing intercom ang I.C.U nya.
Nang magsitakbuhan na ang mga nurse ay nakitakbo narin ako pero sa kwarto ako ni lolo tumakbo para ibalita kila tito at tita na gising na si Sandy.
Hindi na nag-aksaya pa ng segundo sila tita dahil tumakbo narin sila agad nang marinig nila ang balita ko.
I stared at Sandy's face at napa-kagat ako sa ibabang labi ko. Sana lang ay totoo ang binuo ng utak ko. Sana nga ay gumising na si Sandy. Pero hindi. I was just imagining things. Ang totoo ay nandito parin ako sa I.C.U ni Sandy at tinititigan sya habang ang tunog lang ng monitor ang syang nag-iingay.
Muli akong tumingin sa orasan ko at nakita kong lagpas 11 na. Napa-hinga ako ng malalim at narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako rito. Nakita ko sila tito at tita na naglalakad papasok kaya tumayo ako at nag-nod para i-acknowledge ang presence nila. Ngumiti naman si tita at hinaplos ang ulo ko nang makalapit sya saakin.
"nakapag-usap na kami ng lolo mo at ikaw naman ang gusto kong makausap" sabi ni tita Dera at alam ko na agad kung anong ibig nyang sabihin. Pero bakit kahit nahihinuha ko na ang mga salitang lalabas sa bibig nya kinakabahan parin ako?
"hon, sa labas nalang kayo mag-usap" sabi ni tito at tumango si tita Dera.
Tinignan ako ni tita Dera at walang salita akong tumango rin. Nauna akong naglakad at saka naglakad si tita. Nang isarado na nya ang pinto ng I.C.U ay muling kumabog ang dib-dib ko na para bang may balita syang nakamamatay.

BINABASA MO ANG
Sighter and Death [Hiatus]
FantasiaI am a girl but not the ordinary girl. I am living my life that is not a life. I can see things that are not things. I can hear things that are not things. Especially, I can speak with someone that do not suppose to exist but exists. I can speak wit...