Episode 14 #Not a Date#

20 2 8
                                    

Episode 14 #Not a Date#

I'm panicking. I'm hyperventilating. I'm being frantic!

"Ang sabi ko ihatid mo ako sa labas ng subdivision namin" kalmadong sabi ko kahit na kumukulo na ang dugo ko. "Sa labas ng subdivision namin at hindi rito sa kung saan man to!" Dugtong ko na pinagdiinan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

Parang natutuwa naman nya akong tiningnan and I swear gustong gusto ko nang dukutin yang mga mata nya dahil kanina ko pa sya nakikitang tuwang-tuwa. Gusto ko naring gupitin yang bibig nya dahil nakakainis ang pag-ngiti nya.

"Well why don't you stay the night? It's not safe for a girl to go wandering the streets at this hour" sabi nya na para bang nage-explain sa isang batang pasaway. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"And it's most likely that it is not safe for a girl to stay with you" sabi ko at nawala sa mukha nya ang kanina ko pang kinaiinisang ngiti. "or even to be with you" dagdag ko pa at humawak sya sa dibdib nya at umaktong parang nasasaktan

"Ouch! Those are harsh" sabi nya pa na parang maiiyak na.

Napahilamos ko ang right hand ko sa mukha ko.

What the hell is going on with this Death?! For the past few days hindi naman sya ganito! Hindi ba tumino na to?! Nakakatakot na nga ang aura na ine-emit nya lagi! Miski kanina nung nasa bahay kami, hindi naman sya ganito umakto! Prim and proper nga sya at aakalain mong napaka-well mannered nya! Tapos bigla syang ganito?! Seriously?! Kailan ba nung huli syang umakto nang ganito?

"Dito ka na magpalipas ng gabi. Soon mas madalas ka na rito" sabi nya at nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"What do you mean?" I asked pero ang hayop, nginitian lang ako nang makahulugan.

Tinalikuran ako ni Kamatayan at naglakad papunta sa pinto. Binuksan nya ito at lumabas sya saka nya isinara ang pinto. I am dumbfounded for a moment pero parang bigla akong nagising dahil sa tunog ng pagsara ng pinto.

"What the hell?!" Napasabi ko bigla at walang ano-ano'y tumakbo ako papunta sa pinto. Pinihit ko ang door knob at nang buksan ko ang pinto ay napabalik ako ng hakbang.

What. The. Hell.

Isang kawalan ang tumambad saakin pagbukas ko ng pinto. As in kawalan! Pakshet! Puro itim lang ang nakikita ko. Animo'y lumulutang ang kwartong kinatatayuan ko.

"Death!!" I screamed out of frustration.

Ni hindi manlang nag-echo ang boses ko. Seriously?! Nasaan na ang kaninang hallway na dinaanan namin?! Nasaan na ang pader kung saan nakasabit ang pang-sinaunang torch?! Shet! It all vanished! Like it wasn't even there!

"Death naman" I said in almost a whisper.

Humugot ako ng hininga at padabog na isinara ang pinto. Napahilamos ko nalang ulit ang kamay ko sa mukha ko saka ako naglakad papalapit sa kama ko-kuno.

Nang umupo ako sa kama ay medyo nagulat pa ako dahil ang lambot ng foam. Ay wow ha! Infairness naman sa kama. Malambot.

Humiga na ako at tinignan ang madilim na kisame. You see, pati rito sa kwartong kinaluluguran ko ay torch lang ang nagsisilbing ilaw. Yung torch, as in yung kahoy na may apoy sa dulo nito

The structure of the room is like the room of royalties in the 17th or 18th century. Basta, makaluma ang design. King-sized bed na may pakemeng kurtina sa side-frame with matching chandelier pa. Yung design ng wall ay yung parang may mga golden carvings. Meron ding wardrobe na sobrang laki. Well, malaki itong room. I'm not overreacting pero halos kasinglaki ng sala namin itong kwarto na 'to. It is indeed huge.

Sighter and Death [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon