[7] Training

2.8K 90 31
                                    

         

             Kahapon pagkatapos ibigay sa'min ni Sir Hiroshi ang mga new weapons ay dumeretso na kami kay Ms. Michiko. Wala naman kaming ibang ginawa maliban sa pag-test ng bago naming mga weapons.

             Papunta kami ngayon para sa class namin na class ni Ms. Reina. May announcement daw kasi ito at mukhang importante.

"Sa tingin niyo, may kinalaman ba ang announcement ngayon sa pagbibigay ng new weapons sa atin kahapon?" tanong ni Akane.

"I think so. Pero kung ano man 'yun. Siguradong hindi iyon maganda," sagot ni Reiji.

"Hindi naman siguro war ito no?" sabat ni Ken.

"We still can't be so off-guard about it. We're still not sure," ani Hiro.

"Pero sana naman hindi na. Hindi pa naman po kasi fully-recovered ang mga senshins sa nangyaring war, nee-san, nii-san,"

"Sana nga," mahinang bulong ko nalang.

Miski ako, ayoko na 'ring mangyari ang nangyari two-and-a-half months ago. Nang makita ko ang kinalabasan ng war ay halos malaglag ang puso ko. Maraming namatay at maraming umiyak. May ilang parte 'rin ng school ang nasira. Sobrang gulo.

Pero kagaya nga ng sinabi ni Hiro. Hindi kami dapat magpakampante. Naguguluhan pa'rin kasi ako sa panaginip ko nung nakaraang araw.

Pagkapasok namin sa room ay nakita agad namin si Ms. Reina na mukhang kakapasok lang 'din dahil akmang uupo pa lang siya.

Nang makita niya kami ay agad siyang napatuwid ng tayo at ngumiti.

"Good morning, guys. You may now take your seats," anito at iginaya kami paupo.

Nang makaupo na kami ay saka siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"No quizes tayo for today but I have a special announcement." Nakatingin lang kaming anim sa kanya nang sinasabi niya 'yon.

"You will have a Training."

Napasinghap kaming anim ng marinig iyon. Training? Para saan? So, our suspicions are true? May war na naman?

Doon na kami nagkatinginan. Litong-lito na may kahalong kaba ang bakas sa mga mata nila. Miski ako ay ganun din ang nararamdaman, pero siguro si Hiro ay hindi, kailan ba naman 'yan nagpakita ng emosyon? =_=

"Akemi." he said in our inner voices with a warning tone. Napa-tawa naman ako ng mahina.

And yes, I can't also believe na nakakatawa pako.

Pagkatapos no'n ay tumingin kami ulit kay Ms. Reina.

Nauna nang nagtaas ng kamay si Riye at nagtanong.

"P-para saan p-po ba yung training?,"

Muking sumeryoso ang mukha ni Ms. Reina.

"I'm sorry, kids. Pero hindi pa namin pwedeng sabihin sa inyo hangga't hindi kami nakaka-sigurado, masyado pang malabo ang mga nakuha naming impormasyon kaya habang wala pa ay kailangan na namin kayong isanay," ani Ms. Reina.

"Is there a war?" si Hiro naman ang nagtanong.

"I'm really sorry but we're not allowed to say any informations about these,"

***

          Nandito kami ngayon sa dorm namin nina Akane kasama sina Hiro na pumasok na naman dito ng walang paalam.

Kasalukuyan kami ngayong nandito sa sala at katatapos lang naming mag-hapunan ng adobo na si Hiro ang nagluto.

"Sa palagay ko tama nga ang hinala natin," basag ni Reiji sa katahimikan.

Hiro And Akemi [T.H Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon