[4] Case 1: Ticket to Hell p.3

3K 107 10
                                    



          "Ano ba!? Bakit pa ba kami nandito?! Wala naman kaming kinalaman diyan ah!?" rinig kong sabi ni Miss Rhina.

Pagkapasok namin dito sa loob ay 'yan agad ang naabutan namin. Hindi pa 'din kasi pinayagang makauwi ang mga natira dito sa bahay na mga kaibigan ni Miss Monica.  Ang iba sa kanila ay tahimik at ang iba ay nagpupumilit ng makauwi. Ang mga pulis naman ay pilit na pinapaliwanag kung bakit. Si Ate Elrahh tahimik lang siya pero halata mo ang kalungkutan.

Tumikhim si Sir Hayate para makuha ang atensyon nilang lahat.

"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa," panimula ni Akane, "We already solve this case and we already know who's behind all of this."

Tumawa naman ng pagak si Miss Mia, "Nagpapatawa ba kayo? Kung ganon totoo ngang kayo ang mga "Detective" na sinasabi nila?" iminuwestra niya pa ang mga kamay na parang qoutation,
"Akala ko ba mga kaibigan lang kayo nito?" sabay turo kay Ate Elrahh na napayuko na lang, "Ano bang alam niyo, eh, bata lang naman kay---"

"Shut.up" pagpuputol ni Miss Rhina.

"Can't you see, Mia? They're pissed. So you better shut up. Kung ikaw ang may gawa nito, umamin ka nalang! Hindi yung nandadamay ka pa ng ibang tao sa pinaggagawa mo!" atungal pa niya,

"Bakit ako nanaman?! Hindi ba ikaw?! You have the most reasonable reason for doing this dahil inagaw niya ang boyfriend mo! Am I right?! He dumped you because of her! He.dumped.you.because of Monica!--"

"Oh please Mia!! For the second time! I can't blame him for doing that! Alam ko namang nagkulang ako sa kanya! And in fact, I'm happy for the both of them. Can't you just accept na mas angat sayo si Mia!?"

She laughed sarcastically, "At anong pake ko kung mas angat si Mia sa'ken!? Kung tutuusin pare-pareho tayong may rason sa kanya! You, Ate Elrahh--oh. No, Elrahh, galit ka 'din sa kanya diba? Ilang beses ka na ba niyang kinuhanan ng pera para lang makapag-bar siya?! Haha, and she even used your credit card for her own happiness. So, ngayon sabihin niyo sa'king ako ang gumawa nito!? Na ako ang pumatay sa kanya!? Are you even a detective for not knowing who's the real suspect--"

"Shut.up" pagpipigil ni Ken. For the long time ngayon ko nalang siya ulit nakitang ganito ka-seryoso. Maybem he still can't forget what happend an hour ago. I even saw Hiro clenching his fist on my peripheral vision.

Alam kong galit siya at nagpipigil lang kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat para pakalmahin. Ngumiti lang naman siya sa'kin pagkatapos n'on.

As for Ate Elrahh. Hindi ko alam na ginagawa 'yon ni Miss Monica sa kanya when in fact I thought na close silang dalawa.

"Don't you ever dare say it again. You're not a detective so you don't have the rights to accused anyone, Miss Mia." madiin na pagkasabi ni Akane. Sigurado akong inis 'din 'to, kahit naman ako, kaming anim nainis dahil sa sinabi ni Miss Mia. Tinignan ko sina Riye at Reiji na tahimik na nakatitig lang kay Miss Mia. Kaya si Hiro na mismo ang nagsabi ng katotohanan dahil baka mas lalo pang lumala ito.

"You are the culprit, Miss Mia. No other than you." this time kay Hiro naman napunta ang atensyon nilang lahat.

Tumingin ng masama sa'min si Miss Mia na halos ika-atras ko. She has an aura that can make everyone quiet and shut their mouth close.

"Nalaman naming mas madalas kayong mag-away ni Miss Monica dahil lahat ng atensyon ay sa kanya napupunta," pagsisimula ni Riye na itinuloy naman kaagad ni Reiji.

"Nagkaroon 'din kayo ng issue sa restaurant na pinagt-trabahuhan niyo doon kaya muntik na kayong masisante, pero hindi 'yon ang pinaka-dahilan kung bakit mo nagawa 'to,"

Hiro And Akemi [T.H Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon