[6] Nightmare

2.9K 97 22
                                    


      
              Nasaan ako? Bakit ang dilim? Wala akong ibang makita.


Sinubukan kong tumayo at maglakad, umaasang makita ang pinto palabas. Pero imbis na pinto ang makita ko. . . sina Hiro, Darwin, Akane, Ken, Riye at Reiji ang nakita ko.

"Akane? Riye? Reiji? Ken! Hiro?! Darwin!?" tinawag ko sila pero kahit isang salita ay wala akong narinig, maging ang sarili kong boses ay wala kaya linapitan ko sila.

Hindi ko pa man nakakalahati ang daan ay parang may pumalibot na enerhiyang nagtutulak sa'kin para makalayo sa kanila.

Maya-maya lang ay may lumabas na isang tao. Hindi ko mawari ang itsura niya dahil naka-masmakara siya. Sunod 'don ang pagsulpot pa ng apat tao na tumapat kina Akane, Ken, Reiji at Riye.

May hawak silang mga patalim na kahit anong oras ay pwedeng sumaksak sa kanila.

Sunod namang naglakad ang taong naka-maskara at pumwesto sa pagitan nina Darwin at Hiro. May hawak itong baril na parang pinapapili ako kung sino ang gusto kong iligtas sa kanilang dalawa.

Oh, God. No. No please, no.

Tinignan ko ulit sina Akane at sina Hiro. Walang emosyon ang mga mukha nila.

Kahit anong pilit kong sumigaw at humingi ng tulong ay wala. Wala na naman akong magawa. Katulad dati.

Ano 'to!? Bakit ganito?! Hindi pa ba tapos ang lahat?


***

"AKEMI! AKEMI?! AKEMI, WAKE UP?!"

Napabalikwas ako ng higa ng marinig ko ang boses nina Akane at Riye.

Panaginip lang pala. Buti naman.

"Ayos ka lang ba, nee-chan?" agad na tanong ni Riye. Tumabi sila sa aking dalawa, si Akane pinupunasan ang pawis ko habang si Riye ay inabutan ako ng tubig.

I nodded as a response. Tumingin ako sa kanila at kinabig sila payakap sa'kin. I was scared. I was scared as hell that I don't know what to do if something bad happens to them. I treasure them so much that I want to give my own life just to save them. . .but I know, I can't.

I'm weak. . .physically and emotionally.

Ramdam kong nagulat at nagtaka sila sa biglang kilos kong 'yon pero niyakap din nila ako pabalik.

"Ayos ka lang ba, Akemi? T-teka u-umiiyak ka ba?! Akemi. A-akemi?" tanong ni Akane at hinarap ako sa kanya. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

I don't want to lose them.

***

Habang naglalakad papasok sa classroom ay nakasalubong namin sina Hiro na mukhang papasok pa lang.

"Hindi yata kayo late ngayon?" pang-aasar ni Ken.

"Nope. Akemi had a bad dream earlier kaya nagising namin siya ng maaga," sagot ni Akane.

Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang pag-uusap nila at pinakatitigang mabuti ang tatlong lalaking nasa harapan namin ngayon. Yung tinging ayaw pakawalan. And yes, I am still affected by that nightmare tho it was just a dream. A very very  bad dream.

'Problem?'

Napaigik naman ako sa gulat ng tanungin ako ni Hiro using our inner voice. Ngumiti ako ng tipid bago sumagot,

Hiro And Akemi [T.H Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon