[11] The Story

1.3K 41 4
                                    


            "So, ayon sa libro na nahanap mo Akemi, maganda talaga ang samahan nila mula pa noon at tulong-tulong sila sa paggawa ng paraan sa lahat. Then, this Shinigami came in and ruined everything, gumawa siya ng maling kwento at isinisi ang lahat sa mga Senshin, the worst part is, naniwala sa kanya ang mga Humdrum, dahilan kung bakit may galit pa rin ang mga natira nilang kamag-anak na scientist din sa uri natin." Paninigurado ni Ken habang binabasa ang libro na nakuha ko.

"Ayon din sa libro na nakuha namin ni Akane nee-san, mas lalo pang lumala ang hidwaan ng dalawang panig noong namatay ang isa sa kanila dahil sa bawal na pag-ibig nina Takeru na isa ding scientist at isang nababanggit na humdrum na si Maxim. We all know na hindi pwedeng magsama ang isang Erityian at isang humdrum. It will only cause death which is nangyari nga sa isang humdrum din na siyang ikinagalit ng mga ka-uri nito sa mga Senshin." Seryosong saad ni Riye.

Then, Reiji spoke, "Maxim is the only daughter of the most well-known scientist of humdrums. Dahil na rin sa impluwensiya ng mga magulang niya, unti-unti nitong nahikayat ang mga kapwa nila scientist na ipaghiganti ang namatay nilang anak sa mga ka-uri natin."

Napaisip naman ako. Para kasing may kulang sa mga nakasulat dito. Sabi doon sa librong nakita ko isang shinigami ang nagpakalat ng maling balita. Ano naman kaya ang kinalaman ng shinigaming iyon kay Maxim at sa iba pang mga humdrum scientist?

Napatayo ako bigla at hinablot ang librong binabasa ni Riye. Napangiti ako ng mapagtanto ko na ang lahat. 1769 yan ang nakasulat na petsa sa librong nahanap nina Akane. Ibig sabihin, ito ang unang bersiyon ng libro na nakita ko. 1769 at 1770.

"Ano naman kayang kinalaman ng shinigami na iyon sa kwento?" Takang tanong ni Akane. Sasagot na sana ako pero alam ko namang alam na ni Hiro ang lahat sa umpisa palang ng pagbabasa.

"That shinigami had a feelings for Maxim. And in order to put revenge on Takeru, he spread a rumor that caused a big trouble for humdrums and senshins. Sinisisi niya si Takeru sa pagkamatay ni Maxim kahit na alam din niya na ganoon din ang magiging kahihinatnan kapag siya at si Maxim ang nagkatuluyan." Pagpapaliwanag ni Hiro.

Pero bakit ngayon? Bakit ngayon nila naisipang maghiganti kung kailan napakarami ng dekada ang nakalipas? Ano ba talaga ang gusto nilang makuha?

Teka lang ah, ibig sabihin, si Takeru, ay isang senshin na karelasyon ni Maxim na isa namang humdrum, and then dahil nga sa hindi pwedeng magkatuluyan ang isang Erityian at normal na tao, namatay si Maxim? And in that certain situation, lumitaw naman ang isa pang character which is yung isang shinigami, na may lihim ding pagtingin kay Maxim. That shinigami ruined everything.

      He wants to seek revenge for her crazy love. Sinisisi niya si Takeru at lahat ng mga senshin kung bakit namatay si Maxim kaya siya nagpakalat ng maling balita at sinira ang imahe ng mga senshin sa mga humdrums. At ngayon, mukhang hindi pa tapos ang paghihiganti niya.

"Pero nii-san, nee-san, if that history about Erityians and Humdrums was way back 247 years ago pa, bakit ngayon lang sila naghiganti? What I mean is, may possibility ba na kayang mabuhay ng isang Erityian for almost 200+ years? Kasi po kung susumahin natin, ang mga taong nababanggit dito ay di hamak na patay na. Posible pa rin bang may mabuhay na isa sa kanila para ipagpatuloy ang paghihiganti nung Shinigaming iyon?" seryosong tanong ni Riye.

That made me think deeper. Oo nga naman. How can someone be able to know about this History kung way back 1769 pa ang petsa ng taon kung kailan nangyari ito? Sadya bang may nabuhay na isa sa kanila, o kagaya ni Goblin o ni Grim Reaper na patay na ay nabigyan lang ulit ng chansang mabuhay para sumundo ng mga kaluluwa panghabang-buhay? Chos. Pero kasi baka naman sadyang marunong lang silang mag-re search diba? Hmm. Napaka-affected naman nila.

"Erityians doesn't have the capability to live for a hundred decade, but we can be able to rise someone from the grave."

Napamulagat ako sa sinabing iyon ni Hiro. Oh hell. Teka lang, ah? Ibig sabihin may kakayahan kaming bumuhay ng patay? Ba't parang hindi naman ata nabanggit sa History lesson namin yun. Husay, ah.

Magtatanong pa sana ako nang magsalita ulit si Hiro.

". . .if and only if, we have their deceased body or we have something to keep about them that they own. Kahit ano pa man iyon, para makabuhay tayo ng patay, dapat may bagay tayo na pwedeng magamit na pag-aari nila."

"So you mean, posibleng binuhay talaga ng mga nakatakas na shinigami nung war yung taong yun for two possible reasons. Una, para tuluyan ng masakop ang Tantei High, at pangalawa, for their revenge to their counterpart." Akane said.

"It could be." Hiro agreed.

Ngayong napaisip ako. Kung ang mga nakatakas na shinigami nung war ang may kagagawan non, posible kayang may kinalaman sina Darwin?

Katahimikan ang namayani sa aming lahat pagkatapos niyon. Para bang lahat kami ay nasa malalim na pag-iisip. Pag-iisip kung paano ba matatapos lahat ng ito. Pag-iisip kung bakit mayroong mga tao na kayang manghamak ng kapwa nila para lang sa pansariling kasiyahan.

Nakakalungkot isipin na sa dinami-dami na ng nangyayari ngayon, hindi pa din mawala-wala ang kaguluhan. Bakit ba hindi na lang tayo magkaintindihan lahat? Minsan, nakakapagod na rin ang sumubok na malutas ang problema kung hindi naman lahat ay nakikisama. Napapaisip ako kung moral pa bang matutukoy ang nangyayari ngayon. Bakit ba ang dali na lang sa ating ang pumatay at mang-alipusta ng tao? Oo, iba-iba tayo, magkaiba tayo ng uri, ng lugar na pinanggalingan at pangalan, pero sapat na ba iyon para gumawa tayo ng masama sa kapwa natin? Hindi ba't lahat tayo ay pantay-pantay lang naman?

"Hayyy. Sumasakit ang ulo ko dito. Break muna tayo, guys." Sabi ni Ken.

"Sorry, pero walang tayo." Madrama naman na sagot ni Akane.

"O edi, break muna, wala nga palang tayo." Ken said. Poker-faced.

Napailing na lang ako sa kakulitan nila. Mukhang hindi na talaga magbabago ang dalawang ito.

***

A/N:


So ayun na nga po. Gusto ko lang mag-sorry kung pinaghintay ko kayo ng matagal sa walang kwentang update nato kekeke~

Gusto ko lang i-share sa inyo kung gaano ako tumututol sa EJK. Lol. Seryoso ako. Napapaisip ako sa mga nangyayari ngayon. Puro na lang patayan.

Is killing a spree now? Pagpatay na ba ngayon ang nararapat na parusa sa lahat? Sa pagpatay na yan, marami na tungkol sa karapatan ng tao ang involve.

Alam kong karamihan ng mga nagbabasa nito ay nasa edad 10 pataas. Siguro hindi niyo pa naiintindihan ang pinaglalaban ko (chos) pero sana, mamulat kayo sa realidad ng tama at mali.

So, ayun lang po. Salamat sa pagbabasa. Hintay na lang po sa next chap. Di ko na po kayo papaasahin. Haha. Sorry ulit for the long wait V(^.^)

Hiro And Akemi [T.H Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon