Cellphone (chapter 1)

106 0 0
                                    

Ako si drazen. Isang 3rd year student. Masiyahin akong tao, pala tawa, pala kaibigan, at paminsan minsan ay masungit. Busy ako lagi sa skul pero hindi sa pag-aral. Ako kasi lagi ang ginagawa nilang punong abala sa pagdidisenyo  at iba pang bagay na ginaganap sa skul namin.

Tulad ng karaniwang kabataan, may cellphone din ako. Di ako pala text lalo na sa mga araw na may pasok at sa mga oras ng klase. Malimit koi tong gamitin kahit uwian na kami.

Di ko rin ito masyadong nauukulan tuwing sabado at lingo dahil ang kinagigliiwan ko ay magmotor at mamasyal. Wala din naman kasi ako masyadong makakatext dahil wala naman akong boyfriend.

  Hanggang dumating yung oras na medyo nagsasawa na din ako sa mga kaibigan ko, nagtanung ako sa kanila kung may maibibigay sila sa aking katext. Wala daw e, tsk, kasi naman e, iyun at iyon lang din ang pinaguusapan naming sa skul, pati ba naman sa text?

Sabado, may program sa skul naming. Naatasan akong magdisenyo sa stage para sa magaganap na pagtitipon ng ibat-ibang matataas na tao mula sa ibat-ibang campus. Biyrenes nang tanghali ako sinabihan kaya kakaunti na ang oras ko.

Sa tulong naman ng mga kaibigan ko, naging maayos naman ang kinalabasan at nagustuhan ito ng mga bisita.

Sabado ng gabi, matapus ang programa, isang mensahe ang aking natanggap.  “hi.” Dahil di ko siya kilala at number lang ito, hindi koi to pinansin at nireply dahil di ko siya kilala.

Sumunod na araw, nagpatuloy pa ito sa pagtetext. Medyo nainis na rin ako kaya nireply ko na siya.

“sino to.?”

“tawagin mo na lang akong mahal ko..”

“kapal mo..!!”

“sungit mo naman.”

“di kita kilala, san mo nakuha number ko.?”

“ayaw mob a akong makilala,? ibinigay ho ng kaibigan mo. Naghaap kasi ako sa kanya ng makakatext, number mo ibinigay niya.”

“a ok.?”

Tas di na siya nagreply, aba.! Tama lang dahil di ko naman siya kilala at ang kapal pa niya na magpatawag sa akin ng mahal ko.! Nakakainis kasi yung mga ganun klaseng tao.

Di mo naman kilala e, tas ganun biglang ihihirit sayo sa maayos mong tanung? Tssssss, Nevermind.!

Mula noon, kinulit na niya ako. Di rin nagtagal e nakatext ko rin siya pero tuwing uwian lang. wala akong magawa e. :)

Cellphone (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon