Wakas

1.7M 40.2K 20.4K
                                    

Salamat po sa support. Sana pati sa Heartless supportahan ninyo ako. Yun na mainstory ko from now on. Thans so much!!! I love you Cebu City! I love You Cha! Haha. Sorry mahaba. Tried hard para hindi bitin. Abangan. Haha.

Song: Feels Like Home by Chantal Kreviazuk

---------------------------------

Epilogue

"Hey, baby, what's your name?" Tanong ng isang lalaki sa matigas na ingles.

Napatingin ako sa babaeng kinakausap niya. Lumakas ulit ang music sa bar. Sa sobrang lakas ay halos di ko na marinig ang sinabi noong babae. Ininom niya ang shot na mukha atang malakas ang tama galing sa lalaki.

"... Trisha."

Nagkataon na humina ang trance music sa bar nang binanggit niya ang pangalan niya. Nalaglag ang panga ko. Trisha?

Tinignan kong mabuti ang babaeng iyon. She's pretty. Really pretty. Kahit na may make up siya ay alam mong sa likod noon ay isang magandang mukha. The way her lips curved when she talks. Hindi ko masisisi kung bakit ang foreigner na kausap niya ay diretso sa labi kung makatingin. Medyo maputi siya at halatang mayaman kasi makinis. Ang buhok niya naman ay nagpapaalala sakin sa buhok ng Trisha'ng kilala ko bago niya nakilala si Troy. Wavy and thick. But there's something in the way she flips her hair... Tuwing kumikisap siya ay nakikita mo kung gaano kaganda ang mga mata niya. Tumayo ako. Unti-unti kong naramdaman ang namumuong galit sa kalooblooban ko. Why? I don't know. Maybe coz she's 'Trisha'...

Umalis silang dalawa ng foreigner. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya papunta sa dancefloor. May kung anong nag init sa ulo ko nang nakita kung paano siya sumayaw. Pinaglalaruan niya ang buhok niya habang matamang gumigiling at napapaliyad sa bawat pitik ng mga nota sa trance music.

Sumiklab pa lalo ang galit ko. I know Chase and Eli's somewhere on the dancefloor at sinabi ko sa kanilang doon lang muna ako sa table dahil hindi naman ako mahilig sumayaw, pero ngayon ay gusto ko na ring pumunta sa gitna. Not to dance... But to stop Trisha.

Bago ko siya napigilan ay tamad siyang bumulong sa lalaki saka pumihit na ito. Hinawakan ng foreigner ang kamay niya.

Kumulo ang dugo ko at halos itulak ko ang mga taong baliw na sumasayaw sa gilid. Matalim niyang tinitigan ang foreigner saka kumawala dito. Napabuntong-hininga ako.

Seriously, what is wrong with me? Ah! It's just the name. I guess I'm not yet over her. Tatlong babae lang ang nakarelasyon ko. Una ay si Anna, ang highschool girlfriend ko. Sabi ng iba, 99% ng mga relationship na nagsimula sa highschool ay hindi magtatagal. Tama sila. We grew apart. Nag iba ang pananaw ko sa buhay, ganoon din siya. It turns out, hindi kami para sa isa't-isa. Noong college ako, si Olivia. She was the typical mahinhin. Simple lang siya at galing sa isang mabuting pamilya. Masyado ata akong naging engrossed sa pag aaral ko kaya nababawasan ang atensyon ko sa kanya. Iyon rin siguro ang nagtutulak sa kanya para pagdudahan ako tuwing nakakalimutan ko siya. She became paranoid. Kinain siya ng mga pagdududa at mistrust niya sakin. We broke up. Ayoko na. Nasasakal ako sa kanya. I loved her... but I'm fed up. She asked for me to come back, I didn't. We need to learn from our mistakes. Ako, kailangan kong matutong pahalagahan ang taong nagmamahal sakin. Siya, kailangan niyang matutong i-let go ang taong mahal niya.

The last girlfriend... was Trisha Roncesvalles. She broke my heart. Masyado akong nahumaling sa mga nakalaang trabaho para sa akin. Gutom sa tagumpay, minahal niya ako, minahal ko rin siya, pero napabayaan ko. For the first time, I felt really stupid and irresponsible. Kung sana ay mas binigyan ko siya ng atensyon, sana ay di siya nakawala. Kung sana ay mas minahal ko siya, sana hindi ako nasaktan. She cheated on me. Habang kami ay may minahal siyang iba. Kaya kong magpatawad. Kaya kong tanggapin ulit siya kung sakaling sinabi niya saking hindi niya minahal ang lalaking iyon, pero di, eh, minahal niya. Talo ako. Kasi ako yung una, si Troy ang pangalawa. Walang pangalawa kung mahal ang una.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon