Girl POV po ang story na ito. Pero for prologue, i'll use Jayden's POV para maalala niyo siya. Thanks for the support, readers. I lab you. <3
--------------------------------
Prologue
Jayden T. Corpuz
"It's been a year, man!" Tinapik ni Chase ang balikat ko.
"I know..." Humalakhak ako.
Ngumisi si Chase. Alam ko na ang ibig niyang sabihin sa mga ngisi niyang ganito. We've been friends simula nung nagclassmate kami noon sa MBA sa Manila.
"Pag-iisipan ko pa, Chase Martin."
Nagkibit-balikat siya, "You know my plans, Jayden. At ngayon pa lang, nililigawan na kita." Tumawa siya.
Naghihintay samin ang maganda niyang asawa. Sinusundo nila ako. They don't need to. Itong si Chase kasi ay may offer sakin. Tinanggihan ko na pero nagpupumilit parin.
"Kung sana ay hindi ka nag via Cebu..."
"No, Chase. Alam kong kahit sa Manila ako nag touch down ay susundan mo ako. I know your style, man." Sumulyap ako sa asawa niya.
Ngumisi naman si Eliana Castillo. Mahigit isang taon o dalawang taon na yata silang kasal. Taga Manila itong si Eliana, hindi ko nga alam kung paano napatira ni Chase Martin ang isang tulad nitong sobrang yaman. Ang alam ko kasi, nag iisang anak ito ng isang sikat na businessman. Not sure if my facts are correct.
"You know my style. Pero bakit dito ka sa Cebu lumapag?"
Simpleng tanong niya ay hindi ko masagot. Of course, wala silang alam. Kaya gusto kong dito na lang muna sa Cebu ay dahil ayaw kong may maalala sa Manila.
"New environment." Simple kong sagot.
Pumasok kami sa kotse ni Chase. Nasa likod ang tahimik niyang asawa. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito. Para bang laging nakabantay. Natawa na lang ako sa inaasta ng kaibigan ko.
Napalingon siya sakin.
"Ilang araw ka dito?" Tanong ni Chase.
"Months, I think." Sagot ko.
"See, man? I told you, tanggapin mo na lang yung alok ko. It's not hard. Mataas akong magpasahod." Tumawa siya.
"I don't know if I can handle it, Chase. Masyadong malaki at ambisyoso yung hotel and resort niyo sa Bantayan. Oh come on!" Tinignan ko ang traffic ng Cebu City sa labas.
Mainit at maraming tumatawid sa bawat nadadaanan naming pedestrian lane.
"Oh come on!? Ilang Le Marcelle na ang na handle mo? Halos gawin ka ng manager ng Taj. Hinabol ka ng offer sa Singapore pero nagresign ka? What's up with you?"
"Just soul searching." I grinned.
Ngumuso siya.
He finds it ridiculous, huh? Syempre , kasi hindi niya na kailangang mag soul searching. His soul is right here.
"Baka nandito sa Cebu ang hinahanap mo. Malay mo, nasa Bantayan pa." Humagalpak siya sa tawa.
Umiling na lang ako sa kawalan. Damn, guy!
"Saan ka ba nag s-stay?" Tanong niya.
"Riala." Sagot ko.
"Ah!" Sumulyap siya sa asawa niya sa likuran. "Which floor?"
"15th." Sagot ko.
"Ah! Magkapitbahay pala kayo ng dating ni-rirentahang condo ni Eli."
"Maganda dun." Simpleng sinabi ng tahimik niyang asawa.
"Talaga, thanks!" Nilingon ko siya at nginitian.
Ngumiti din si Eliana sakin.
"Nirerentahang condo? Bakit? Kanino yun noon?" Tanong ko kay Chase.
"Kay Celine. Yung asawa ng pinsan ko. Pero may nakabili na nun. Yung anak ng mayor dito." Sumulyap at ngumisi si Chase sakin. "Neighbors yata kayo kung 15th floor ka."
"Malamang." Sabi ko.
Nakita ko ang malaking letters ng "RIALA TOWERS" sa taas ng condo na titirahan ko.
"Here you go." Pinark ni Chase ang sasakyan niya.
"Thanks for the drive, man." Sabay tapik ko sa balikat niya.
"You think walang kapalit to? Meron. You work for my hotel. Di kita pinipilit pero di ka rin pwedeng tumanggi kaya... kwits, alright?"
Tumawa ako, "Businessmen."
Natawa din si Eliana. "Pagbigyan mo na, Jayden. Minsan lang yan naghahabol."
Sumulyap si Chase kay Eliana. Ngumuso si Chase, yung tipong nagpipigil ng ngiti.
Suminghap ako, "Alright! Sige, pag ililibre mo ako mamaya sa isang magandang bar dito, Chase Martin."
"Sure!" Si Eliana ang sumagot. "Of course he'll treat you, Jayden."
"Okay! Syempre isasama ko itong asawa ko. Isasama ko na rin ang pinsan ko. If that's okay with you?"
"Of course, Chase."
"You don't need to stay forever there, Jayden. Pwedeng dito ka lang sa Riala. Computerized naman yung data. Pwedeng weekends ka lang pumunta dun or when you want to. Basta kailangan mabisita mo yun sa loob ng isang linggo."
Tumango ako, "Alright, Chase."
Umikot ako para kunin ang luggage sa likod ng sasakyan niya. Lumabas din si Chase para tulungan ako.
"Thanks, man!"
BINABASA MO ANG
Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)
RomanceIf you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden Corpuz. Hindi pa kailanman ito nangyari sa buhay niya. Simula pagkabata, mahal na siya ng mga taong...