Chapter 3
Ang Ulam
Maagang maaga akong nagising sa sumunod na araw. Nakangisi akong pinapakinggan ang favorite song ko. Kumakanta at sumasayaw pa ako habang nag luluto ng sunny side up at hotdogs.
"Thank you for making my heart beat again, heart beat again, heart beat again..."
Kumembot at gumiling pa ako habang pinalalaruan ang buhok.
"No... I'm never letting this go, I'm stuck on you..."
Nag pose pa ako sa harap ng niluluto ko. Hindi naman talaga ako magaling na cook. Marunong akong pumrito ng breakfast. Pero useless kasi madalas, hindi ako nag bi-breakfast.
*Kriiiiing!*
"Hello, couz, brunch?" Dinig ko sa background ni CJ ang ibang pinsan ko. "Ihahatid namin si A ngayon sa Mactan pa Manila. Sama ka?"
"Ermm... I'm busy." Ngumisi ako.
Ilang sandali siyang natahimik.
"Huh? Kailan ka pa naging busy tuwing brunch? Diba lagi mong iniisip kung anong damit ang sosootin mo?"
"Hmmm, not this time, Ceej. I'm really busy. Bye."
Binabaan ko siya ng cellphone at nagpatuloy sa ginagawang pagluluto. Napangiti ako at sinulyapan yung t-shirt nung lalaki. Ano kaya ang pangalan niya? Hmmm.
"Luto na 'to." Sabi ko sa sarili ko.
Nilagay ko na ang mga iyon sa lalagyan. Ibibigay ko kasi ito kay Mr. Neighbor.
Hindi ko na nilabhan yung damit ni Mr. Neighbor. Alam niyo na, para ma preserve ang kung ano mang nilagay niya dun. Hindi ko iyon ibabalik sa kanya, no! Ilalagay ko lang yun dito para palamuti sa condo ko. Sarap pang amoy-amuyin. Itatanong ko rin dapat sa kanya kung ano yung perfume na ginagamit niya para mabili ko.
Kumatok ako sa unit niya at ngumisi. Dala-dala ko ngayon yung niluto ko. May kasamang french bread pa ito sa loob. Excited ako sa magiging reaksyon niya.
Medyo matagal niyang binuksan ang pintuan. Naka ilang katok pa ako. Siguro ay natutulog pa iyon.
"Yes?" Aniya pagkabukas niya sa pintuan.
Nalaglag ang panga ko nang nakitang naka boxers lang siya. Checkered navy blue boxers.
He snapped his hands at me.
"What do you want?"
Bumaling ako sa mga mata niyang nanliliit.
Ngumisi ako at ipinakita ang lalagyan ng breakfast niya, "Cooked you some breakfast, mister?"
Sumimangot siya, "I don't do breakfast, sorry." Umamba siyang isasarado ang pintuan pero pinigilan ko iyon.
"Kahit ngayong umaga lang." Mapilit kong sinabi kasama ang matamis na ngiti.
"No, Trisha, sorry."
Pinagsarhan niya agad ako ng pinto bago pa ako nakaangal. Pero imbes na panghinaan ako ng loob at hayaan siya sa kasupladuhan niya, mas lalong na challenge ako. Pinagtimpla ko rin siya ng kape.
Pagkatapos ko siyang pinagtimpla ay kumatok ulit ako sa condo niya. Ilang sandali ay binuksan niya ito. Ngayon ay nakatuwalya na siya at basang-basa. Kakagaling yata ng shower.
BINABASA MO ANG
Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)
RomanceIf you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden Corpuz. Hindi pa kailanman ito nangyari sa buhay niya. Simula pagkabata, mahal na siya ng mga taong...