Bakasyon

73 4 0
                                    


Maya maya ay nag-alarm na ang orasan. Unang bumangon si Sheia dahil kanina pa naman sya gising sapagkat sya'y nagninilay nilay. Pumunta sya agad sa kusina at nagtimpla ng kape para sa kanilang dalawa ni Razee. Pagbalik nya sa cuarto ay kasalukuyang nagliligpit ng higaan si Razee at inalok nya ng maiinom ang kababata.

"Azee, ito na ang kape mo. Inumin mo na hangga't mainit pa." Agad naman itong inabot ni Azee at nagpasalamat.

Nakasanayan na ng dalawa ang ganitong gawi. Kung sino ang unang bumangon, sya na ang magtitimpla at maghahanda ng maiinom. At nakasanayan na rin nila ang pakikinig ng balita sa kanilang mini radio. Tamang-tama lamang ang pagbukas ni Raz ng radio dahil patungkol ang balita sa kanilang unibersidad.

"Magandang umaga po. Amin pong ipinapabatid sa lahat ng estudiante, staff, and faculty members ng Unibersidad ng Pargani na magkakaroon po ng general renovation. Ang mga UNP'ian ay malugod naming binabati ng Advance Merry Christmas and a Prosperous New Year. May God bless us! Magkita-kita nalang po tayo sa ika-6 ng Enero sa susunod na taon. Ako po si Karish, nag-uulat."

"Yes! Yehey!" Halos tumalon sa tuwa si Razee pagkatapos marinig ang balita. Nahalikan pa nito sa pisngi ang kaibigang si Aya. Masaya din naman si Aya sa narinig dahil mahaba-haba ang kanilang Christmas break – for 3 weeks! Uuwi sila sa kanilang hometown at muling makakasama si Ashnie.

"Azee, ikaw na bahalang magbalita kay Yandi. Lalabas lang ako at bibili. Ibibili na din kita ng paborito mo."

"O sige, teshkara! Ingat ka," bilin ni Razee.

Palabas na ng cuarto si Sheia nang makasalubong ang board mate sa may pathway. At kinausap sya nito.

"Nadinig nyo ba ang balita?" Hindi pa man tapos sa pagsasalita ang kanyang kausap ay sumabat agad si Sheia, "Ah oo, ang saya saya nga eh. Mahaba-haba ang bakasyon natin. Ikaw, uuwi ka ba sa inyo?"

"Oo, uuwi din ako. Sigurado namang walang maiiwan dito sa b-house eh," sagot ni Arnie.

"Kaya nga, tugon ni Sheia. Mamimili ako ngayon, baka gusto mong sumama?"

–"Aah, hindi na. Kagagaling ko lang din naman sa store kanina. Salamat nalang sa pagyaya," ani Arnie.

"Okay, sige wala 'yon. Oh pano, alis na muna ako aah."

Malapit lamang ang isang malaking grocery store sa kanilang boarding house kaya madali namang nakapamili si Sheia. Palabas na sya ng tindahan nang may narinig syang tumawag sa kanya na tatlong di kilalang tao. Mga dalaga din ito at may angking kagandahan na hindi common sa iba. Gandang hindi makikita sa mga mortal.

"Ay keshta Sheia! Dito ka din pala namimili?" isa-isang pakunwaring tanong ng mga dalaga.

"Ay keh," manghang tugon ni Sheia – "Hi! Bakit nyo alam ang pangalan at salita ko?"

Teka, tama ba ang narinig ko? Kinukumusta nyo ako? Esh bya'ne. Ok lang ako. Masasagot nyo na din ba ang tanong ko?"

Biglang sumagot ang isa, "Oo nga pala, ngayon ka palang naging deci-otso.

-"Aah, kaya pala," sabat ng isa.

-"Pero di bale nalang, ibigay mo nalang ito sa iyong ina." sabi ng ikatlo. Inabot naman ni Sheia ang sobre at nilagay saglit sa kanyang mini-pocket. At nang humarap na sya ay bigla syang nagtaka dahil wala na ang tatlo sa kanyang harapan, tila bula na naglaho bigla. Hinanap pa nya ang mga ito ngunit di nya makita ang mga hinahanap kahit mga anino man lang.

At nang tuluyan na syang lumabas ay nakarinig sya ng mga bulong... "Mag-iingat ka Sheia, maging mapagmasid sa mga bagay bagay. Ang mga kaaway ay naghahanda at kumikilos na."

Mabilis namang nakauwi si Sheia bitbit ang mga pinamili. Nadatnan naman niyang nagliligpit ng mga gamit si Razee.

"Azee, bilisan mo dyan baka mahuli tayo sa bus. Yong trip bandang 8 o 9. Buti nalang at wala akong mga labahin kaya't madali kong maliligpit ang mga dadalhin ko."

"Ang yabang nito aah, ayos na po! Ok na! Si nanda nalang palalabahin ko ng mga damit ko pagka-uwi natin." Sabay tawa ng malakas na tila nang-aasar.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa terminal na sila. Hinanap nila ang bus na magbabyahe patungong Mayas. Habang naglalakad ay marami silang nakakasalubong na mga estudiante na uuwi rin sa kani-kanilang mga bayan. Merong byahe papuntang Yneyo,Neumani, Tayat at Banraza. Mula sa ciudad ng Pargani patungong Mayas, ang byahe ay umaabot ng dalawa hanggang tatlong oras. Hindi naman mahirap ang byahe dahil maayos naman ang daan at kalsada.

"Sheia, dali! Andon na ang bus papuntang Mayas. Mapupuno na ata. Bilisan natin!" patarantang wika ni Azee.

"Hala! Oo nga! Tara. Apora! Nong! Kami po matabid! Sasakay po kami!" sigaw ni Sheia.

"Haayst! Kinabahan ako 'don. Buti nalang umabot tayo," hingal na sabi ni Azee.

"Ayan, muntik kayong maiwan. Buti na lamang sumigaw ka neng," ani manong .

Habang nasa loob ng bus ay may nasulyapan si Sheia. Tila yata nakita nya ang tatlong babae na naka usap nya sa grocery store na naka-upo sa harapan. Kinalabit nya si Razee at balak ituro ang tatlong babae at nang ikinurap ang kanyang mga mata ay sabay ding naglaho sa kanyang paningin ang mga dalaga.

"Bakit mo ko kinalabit?"

"Aah,e may ituturo sana ako sa'yo kaso lumagpas na tayo. Di mo na makikita." palusot na tugon ni Sheia.

"Ganun ba? Dapat kasi sinabi mo nalang agad hindi yong kakalabitin mo pa ako."

Hindi na pinansin ni Sheia ang sinabi ni Razee at ang tanging nasa isip nalang nya ngayon ay ang tatlong dalaga – kung totoo ba ang nakita nya o guni guni lamang ang lahat. At kung sakaling totoo man, ano ang pakay ng tatlong 'yon? Bakit sya sinusundan?

Makalipas ang halos tatlong oras mula Pargani ay nakarating na sila sa Mayas. Naging maayos at ligtas naman ang kanilang byahe kahit medyo maulan. Bumaba sila sa may pier at agad na pumunta sa banca. Marami na ang mga pasajero at tulad ng inaasahan, karamihan ay mga estudiante at kababayan din nila. Humanap sila agad ng magandang pwesto na pwedeng mahigaan kung sakaling sila ay mapagod sa kaka-upo. Sa katunayan, ang bangkang kanilang sasakyan ay di ganon kalaki. It has only a capacity of 50 passengers. Sa lower part nito ay mga upuan at sa bandang taas ay may papag na pwedeng mahigaan.

Ang byahe ay tumatagal ng tatlo hanggang lima o walong oras depende sa sasakyan at sa lagay ng panahon. At sa sitwasyon ngayon, magtatagal lamang ng 3 o hanggang 4 na oras ang byahe dahil na rin sa bilis ng sasakyan.

"Azee, ang sarap sa pakiramdam dito sa taas no? Kitang-kita mo ang kagandahan ng karagatan."

"Oo nga Aya, at ang presko pa sa pakiramdam. Nakaka-relax ang mga tanawin at ang pagdampi dampi ng hangin sa ating mukha. Tsaka ang sasaya ng ating mga kasama; may naglalaro ng baraha, may kumakanta, nagtatawanang magbabarkada habang ang iba naman ay may konting tagayan. O, san ka pa? Diba? Walang katulad." Sabay tawa.

"Haha. Nakakatuwa nga. Sana lang ay hindi maglaho ang ganitong kasiyahan," ani Sheia.

Bigla namang natahimik si Azee sa sinabi ng kaibigan. Batid nyang may kakaiba sa tinuran nito at alam nyang may hindi ito sinasabi sa kanya. Sabagay, sya din mismo ay may nililihim kay Ayah. Tulad na lamang ng panaginip nya bago sila magbakasyon. Pero, balak naman nyang sabihin kapag nasa isla na sila – sa kanilang tirahan. Maging si Sheia din naman ay planong magsalita tungkol sa mga nangyari sa kanya kapag nasa tamang lugar na sila. Pareho silang dapat may malaman at mapatunayan. At ito'y nalalapit na.

Isla L'arcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon