Nilalang ng Karagatan

30 3 0
                                    


Dahil sa inusal na mga kataga ni Sheia ay nagkawangis nga sila na gaya ng mga nilalang sa dagat. Di pa nila alam at namamalayan ang naging bagong anyo nila ngunit nagtataka na silang pareho dahil nakakahinga sila sa tubig. Nadatnan nilang may mga ibang nilalang na lumalaban at nakisali na din sila dahil sinusugod na din sila ng mga pangyan.

Ang pangyan ay may malalaking tenga na kahawig ng mga paa ng pato at may apat na matutulis at mahahabang patusok magkabilaan. Gayundin ang mga kamay at paa ngunit lalabas lamang ang tulis nito kapag gagamitin nilang armas at pananggalang sa sarili. Mas malapad nga lang ang mga tenga. Ang bunganga nito ay kagaya ng mga normal na isda ngunit ang mga ngipin ay katulad ng sa mga pating. Ang mga mata nila ay maihahalintulad sa mga mata ng palaka. At ang katawan ay parang sa tao ngunit nababalot ng kaliskis na kakulay ng grasa. Halos ay kasinlaki lamang din nila sina Aya at Raz ngunit may angkin silang liksi at bangis sa pakikipaglaban. Dahil nga nasa ilalim sila ng dagat, hindi sila makakapag-salita at mag-uusap lamang sila sa pamamagitan ng isip. Habang patuloy silang nakikipag laban sa higit kumulang sampung mga pangyan ay maya-maya ay may narinig sila.

"Ang mga pangyan ay mamamatay lamang sa pamamagitan ng pagsugat at pagbaon ng mga bakal sa kanilang puso. Maging ang ibang metal o mga espesyal na bato na pinanday sa pamamagitan ng apoy ay maaari ring gamitin. Mag-ingat lamang kayo na huwag masugatan dahil nakakalason ang kanilang mga katawan." paalala ng prinsipe.

Napa-isip ang dalawa at batid nilang wala silang mga dalang armas sa pagsuong sa labanang ito. Hindi naman maaaring panay lang ang ilag at habulan nila sa ilalim dahil wala itong patutunguhan at mapapagod din sila kalaunan. May naisip ng paraan si Sheia ngunit si Raz ay patuloy na nakikipag-habulan at ang prinsipe naman ay gumagamit ng mga sandatang tubig ngunit hindi pa rin sapat upang mapatay ang kalaban. Naitataboy nya lamang ito ngunit sumusugod pa din. Maya-maya ay may sibat na nahulog mula sa himpapawid at ito'y tumungo sa kinaroroonan ni Azee. Agad nya itong kinuha at hindi na inisip kung san at kanino galing. Napansin din nya ang biglang pagningning ng asul na bato na hugis pangil sa kwentas ng prinsipe. At na-realise nilang tatlo na tila huminto ang oras at pati ang mga pangyan ay di na gumagalaw ganun din ang mga isda at ibang gumagalaw na nilalang sa dagat. Silang tatlo lamang ang gumagalaw at nakakakilos.

"Anong nangyayari prinsipe? Ikaw ba ang may kagagawan nito?" tanong ni Azee.

"Hindi ako. Maging ako rin ay nagtataka kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito."

"Kung gayon, sino? At bakit? Pero salamat sa kanya kung sino man sya aah. Pagkakataon na natin ito upang makatakas at mahanap ang solusyon sa pagkakaroon mo ng paa prinsipe." Dugtong ni Aya.

"May naisip ka na ba kung ano ang gagawin natin sa mga nilalang na ito prinsipe ng karagatan?" tanong ni Razee.

"Ikaw ang magpapasya prinsipe sapagkat ang teritoryong ito ay iyong nasasakupan at wala kaming karapatan na ikaw ay pangunahan." Pagpapangalawa ni Sheia.

"Akin munang iminumungkahi na sila'y dalhin sa may dalampasigan at tayo'y umahon upang doon natin pag-isipan ang mga susunod na hakbang." tugon ng prinsipe.

"Paano kung gumalaw na ulit yang mga yan pag umahon na tayo?" pangangamba ni Razee.

"Natatakot ka ba bes? Malamang alam ng prinsipe ang mga pinagsasasabi nya at mas alam nya ang mga dapat gawin sa mga bashteru na yan."

"Chalte! Wag mo akong kausapin. Pakiramdam ko nakahubad ako lagi sa harap mo at wala akong naitatago. Bashteru ka Aya. Di pa ako tapos sayo."

Isla L'arcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon