Chapter 8

14 1 0
                                        

Pearl POV

*skip the class*
Tapos na rin ang fourth class ko! Sabay kaming umalis ni Alex. Pero aalis na sana kami ng biglang may humawak sa braso ko. Tumingin ako at nakita si Adrian.

"Bakit?" Tanong ko na may inis.
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya. Tumingin si Alex saamin.
"Uy! Adrian,right?" Tanong ni Alex.
"Oo. Uhmm,pwedeng makausap muna si Pearl?" Tanong ni Adrian,binigyan ko siya ng 'no! No!' Look. Numiti si Alex.
"Ahhh,okay." Sabi ni Alex. Inaasar ata ako neto!
"Salamat,halika!" Sabi ni Adrian at hinila ako papalayo.
"Ano ba Adrian?! Plano ba toh ni Harry?! Sabihin mo sakaniya na wag muna!" Sabi ko. Tinatry kong i alis ang kamay niya sa braso ko pero ang lakas niya.
"Hindi,hindi plano toh ni Harry ,gusto lang kitang kausapin." Sabi ni Adrian at kinalas ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nakapunta kami sa field.

"Bakit?" Tanong ko.
"Okay.... Kayo ba ni Alex?" Tanong niya. Nagulat ako.
"Hindi." Sabi ko.
"Eh bakit kani--magkasama kayo kanina?" Tanong niya. Nagkunot noo ako.
"Wala lang,at ano ba? Magkaibigan kami noong bata pa kami!" Sabi ko.
"Okay,madali lang naman akong kausap." Sabi niya at umalis.
"Hoy! Adrian! Iiwan mo lang ako dito! Sasama naako sayo!" Sigaw ko. Hindi niya ako pinansin,nag roll eyes ako at tumakbo papunta sakaniya.

*******

Sabay kaming pumunta ni Adrian sa locker at nakita kong nagbabasa si Alex ng libro,whow,ang gwapo niya habang nagbabasa. Yung isang kamay niya naka suot sa pocket niya yung isa hinahawakan yung libro niya.

Papunta na sana ako sakaniya ng biglang may sumigaw ng pangalan ko

"Pearl!!!!" Sigaw ni JM,kasama niya sila Eunice. Tumingin saakin si Alex kasi narinig niya panagalan ko. Papunta rin si Alex saakin. Nagkasabay sila Eunice at Alex ng dating
"Ay,sino ka?" Tanong ni Eunice kay Alex.
"Ahhh,wait lang..... Mmmm,guys si Alex childhood friend ko,Alex sila Eunice,Faith,Coleen,At JM. At guys,siya ang pinsan ni Harry." Sabi ko,nagulat sila.
"Weh?!!" Sabay sabay na sabi nila.
"Oo nga." Sabi ko. Lumapit si Faith kay Alex.
"Totoo ba?" Tanong ni Faith.
"Oo." Sabi ni Alex na nakangiti.
"Okay!" Sabi ni Faith na masaya at nakangiti. Anong meron dito?
"Kaya pala magkamukha kayo ni Harry." Sabi ni Coleen.
"Ahhh,oo." Sabi niya.
"So,guys! Alex,sama kana saamin." Sabi ko. Ngumiti siya.
"Ahhh,sige." Sabi niya. Nagnod ako at pumunt kayla Faith,si JM kasama si Alex kinakausap niya. Sana hindi sabihin ni JM ang pagaaway namin si Harry.

"Hoy,ikaw ah. Kapag ikaw talaga,maraming lumalapit sayo na lalaki." Sabi ni Eunice.
"Oy! Kayo talaga,hindi naman. Nagtanong kasi siya kanina kung saan yung room niya tapos magkaroom kami,so sabi ko sumama na siya saakin,tapos nalaman ko na childhood friend ko siya kaya naging kaibigan ko siya. Ganun lang yun." Sabi ko.
"Ehh bat si Adrian kasama mo kanina sa feild?" Tanong ni Eunice.
"May tinatanong lang siya saakin." Sabi ko.
"Ano?" Tanong nilang tatlo.
"Kung kami ba daw ni Alex." Sabi ko
"Anong sabi mo?" Tanong ni Coleen.
"Kaibigan lang,syempre." Sabi ko.
"Pero may napapansin ako sa mga mata ni Alex. Parang hindi kaibigan turing niya sayo." Sabi ni Eunice.
"Ano?" Tanong ni Faith.
"Pagmamahal. Gusto ka niya!!! Haba ng hair!!" Sabi ni Eunice.
"May gusto nga si Harry sayo eh! Pati ba naman niyang pinsan niya! Love triangle!!!" Sabi ni Eunice at tumawa sila.
"Oy! Nakakahiya kayo,at ano bang pinagsasabi niyo! Mga baliw!" Sabi ko
"Kung,KUNG LANG ha,kung mag kagusto sayo si Alex at Harry,tapos may gusto ka sa dalawa,sinong pipiliin mo? Harry o Alex?Sinong pipiliin mo?" Tanong ni Eunice habang nakangiti.
"Kung lang ah!" Sabi ko. Nagnod sila. Nagisip isi p ako. Naku! Iniisip ko pa toh?!
"Ummm,wala." Sabi ko at nagflip ng hair.
"Ehh! Dapat meron!" Sabi ni Eunice,napansin kong nandito naako sa tapat ng room ko.
"No! Wala nga! Alex!" Tinawag ko si Alex na ngayon kausap si JM. Tumingin si Alex saakin.
"Saang room ka?" Tanong ko sakaniya. Lumapit siya saakin.
"Wait,tignan ko schedule ko." Sabi niya at may kinuha sa bag niya at may papel na nilabas.
"Ahhh..." Sabi niya habang tinitignan ang papel.
"Sa roomV." Sabi niya at tumingin saakin. Karoom ko nanaman siya.
"Magkaklase nanaman tayo. Halina pasok n--" naputol ang sasabihin ko kasi nagsalita siya.
"Maya na,naguusap pa kami ni JM,pag nag bell nalang. Please? Sama ka muna kayla Eunice." Sabi niya. Tumingin ako kayla Eunice na ngayon nakangiti,kinikilig sila. Mga baliw.
"Osiya sige. Pagnagbell kita tyo dito ah." Sabi ko. Nagnod siya at pumunta kay JM,umalis silang dalawa.
"Naku! Sabi walang gusto,eh bat parang inaaaya mo na sa loob eh maaga pa naman. Sus." Sabi ni Faith. Nangaasar tong mga toh.
"Kasi ayoko ng kausapin kayo!" Sabi ko at umirap.
"Okay! Punta tayo feild?" Tanong ni Eunice. Nagroll ako ng eyes at naglakad,sumunod nalang sila sa likod ko.
"Uy! Mag hintay ka naman!" Sigaw ni Faith. Ramdam kong nakangiti siya. Hindi ko parin sila pinansin.

Hating Him At First  (On Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon