Pearl POV
*Skip the class*
Soo,uwian na. Ngayon nandito ako sa locker ko kasma ko si Alex.
"Pearl,Sama,punta tayo sa mall? Tutal naman sa saturday,hindi ka pupunta." Sabi niya. Tumingin ako sakaniya.
"O sige ba. Wait lang..." Sabi ko. Hinahanap ko kasi yung book kong isa,habang hinahanap ko may nakita akong maliit na papel,ang cute ng design,para saakin ata. Kinuha ko iyon at binuksan.
"Ano yan?" Tanong ni Alex at lumapit saakin at tinignan.
"Hindi ko alam... Wait..." Sabi ko. Pagbukas ko....Im falling for you....
Nagulat ako. Anong im falling for you? Sino ito. Wala namang pangalan.
"Ayiee! Sino kaya yan!!" Tukso ni Alex.
"Ewan ko,ewan ko na rin sayo." Sabi ko at tinago. Mahilig akong magtago kahit ganito yung letter.
"Halina,alis na tayo." Sabi ko at tinignan siya. Nakangiti siya. Buwisit.
"Okay..." Sabi niya at tumatawa. Kaninis.*********
Ngayon nakapunta na kami sa mall. Sabay kami ni Alex pumunta dito sa Mall. Nasa mega kami.
"Soo,ano gawa natin dito?" Tanong ko.
"Tutal naman 6 na. Dinner tayo." Sabi niya,nag nod ako.Habang naghahanap kami ng Kakainan. Tumigil si Alex.
"Oh bakit?" Tanong ko sakaniya. May nilabas siya. Singsing?
"A ring?" Sabi ko at ngumiti.
"Friendship rings." Sabi niya. Binukasan niya yung box... Wow!
(Yung nasa taas po yung rings)
Ang ganda ng ring!
"Wow!" Sabi ko. Binigay niya yung sing sing at sabay naming sinuot.
"Dapat forever mo yang susuotin ah." Sabi niya.
"Saan at kaylan mo toh binili ah?" Tanong ko.
"Kahapon." Sabi niya. Nagnod ako.
"Nakakagulat ah. Friendship rings pa nalalaman." Sabi ko.
"Syempre naman,dati pa tayo mag bestfriends." Sabi niya. Natawa ako.
"Ikaw talaga. Thankyou." Sabi ko.
"You're welcome Sama." Sabi niya.
"Ewan ko sayo! Halina! Kain natayo gutom naako!" Sabi ko. Nagnod siya.
"Treat ko?" Tanong ko at nakangiti,syempre sasabihin niya siya nalang. Itetest ko siya.
"Sige." Sabi niya.
"Bakla kaba?!" Tanong ko.
"Hindi!" Sigaw niya.
"Eh bakit hindi ikaw yung magtitreat?! Hindi ka gentle man!" Sabi ko.
"Ang gulo mong kausap,sabi mo sayong treat!" Sabi niya.
"Commonsense! Syempre joke lang yun,at dapat lalaki ang magtitreat!" Sabi ko.
"Edi ako!" Sabi niya.
"Yun! Use your commonsense!" Sabi ko.Naghanap hanap kami,hanggang nakahanap kami,sa isang Ramen Restaurant kami kumain.
Ngayon kumakain na kami.
"Uy,alam mo na ba?" Tanong ko. Its time to tell him about me and Harry,kung alam niya
"Ang alin?" Tanong niya.
"Sa pinsan mo.." Sabi ko. Nagtaka siya
"Anong meron?" Tanong niya.
"Alam mo ba na kami ng pinsan mo magkaaway?" Tanong ko. Nagtaka nanaman siya.
"Huh? Paanong magkaaway?" Tanong niya.
"Hayy,ganito kasi yun..." Kinuwento lahat,kinuwento ko na rin ang prank ko sakaniya.
"Whow,ang lupet ng prank mo ah. Pero,wag na wag kang maiinlove sa Pinsan ko...." Sabi niya nanakangiti.
"Baliw ka. Syempre hindi noh!" Sabi ko at ngumiti.
"May hindi ka pa alam..." Sabi niya. Nagtaka ako.
"Huh?" Tanong ko.
"Wala. Kumain kana." Sabi niya. Weird. Pero bakit ganon,iniisip ko parin yung sinabi neto ni Taba?
"Huy! Kumain kana! Alam kong iniisip mo yung sinabi ko!" Sabi ni Alex.
"H-hindi ah!" Sabi ko at sumubo.
"Tsss." Sabi niya. Nagroll ako ng eyes.Kain lang ako ng kain hanggang maubos pagkain ko.
"Hayy! Tapos na rin!" Sabi ko at nag stretch.
"Tapos ng magisip?" Tanong niya nanakangiti.
"Shut up!" Sabi ko at nagrolleyes.
"Whatever. Bill out naako ah." Sabi niya. Nagnod nalang ako.
"Punta lang ako CR." Sabi ko.
"Okay." Sabi niya. Umalis naako at pumunta sa CR.
