"Sama! Punta ka bahay,dinner diba?" Nagulat ako,iniisip ko baka malate nanaman kami ng uwi at malate nanaman ako ng gising at baka nandun lang si Harry. Kaya wag na... "Mmmm,diba may pasok tayo bukas? Baka malate nanaman akong umuwi at malate nanaman akong magising. Hindi nalang." Sabi ko "Ano kaba,hindi lang naman ikaw eh,lahat ng family mo. At kung iniisip mo na kasama si Harry,oo kasama SILA,hindi mo alam?." Diniin niya yung 'sila' meaning non,lahat ng kakampi ng company namin,magdidinner sabay sabay?? Shocks... Hindi ko alam,hindi sinabi nila mother kanina,syempre,nagmamadali ako kanina eh. "Okay...." Yun lang nasabi ko.
Hanggang nakapunta naako sa kotse namin. At nag paalam na kay Alex.
"Yieee,ate,sino si kuya Alex?" Nangaasar tong mga toh,pinakilala ko kasi sila kay Alex. "Sabi niya,pupunta daw siya sa bahay natin tapos maglalaro kami ng Basket ball! Excited na kami!" Sabi ni Charles. "Ewan ko sainyo,at kaibigan ko lang si Alex,at please,stop teasing me!" Sabi ko at nagroll ng eyes. "At pupunta pa tayo sa bahay nila! Yieeeeeee,magkikita ulit sila!!!" Pangasar ni Charlie. Errrr,nakakainis na. "Shut up Charlie!" Sabi ko na medyo pasigaw. "Okay,okay,sorry..." Sabi niya. Nagroll nanaman ako ng eyes at sumandal.
******
Nang makauwi kami,nakita kong nagaayos na sila mama ng sarili nila. Mag bebeso sana ako pero nagsalita si mama.
"Anak,hurry up,pagugupitan kita." Sabi niya. Nagulat ako. "What?! Mama,no!" Sabi ko. No way. Maganda na ang buhok ko. "Ano kaba,para new look mamaya,papastraight lang natin at gugupitan...." Sabi niya. "Pero Mababalik parin yung curls???" Tanong ko. "Nope." Sabi niya. Nagulat nanaman ako "Sige na anak..." Sabi ni papa habang nagbabasa ng Bible. "Okay po..." Sabi ko "Okay! Punta ka sa room mo,nandun na yung maggugupit sayo!" Sabi ni mama na sobrang saya. Nagnod ako at umalis na.
Nang nakapunta naako sa room ko,may nakita akong dalawang babae at si Ate Gina,yaya namin.
"Hi maam,pumayag po kayo?" Tanong niya "Sabi ko itawag niyo saakin Pearl. Oo pumayag ako." Sabi ko. "Sorry po Pearl. Sige po. Upo na po kayo at magsastart na po.." Sabi niya. Nagnod ako at umupo nga sa chair ko,kaharap ko yung salamin,lang. "Hi maam,ako po si Hannah. Eto po si Alessandra..." Pagpapakilala niya "Hi,nice meeting you." Sabi ko at ngumiti. "Ang ganda ganda niyo po maam." Sabi ni Hannah. "Bagay po kayong maging Artista. Mamaya po papicture po ah." Sabi ni Alessandra. "Okay,sige,at salamat na rin." Sabi ko. "Welcome po,start na po tayo?" Tanong ni Hannah. Nagnod ako.
Nagstart na.....
******
"Maam! Tapos na po! Wow!!" Sabi ni Hannah,naka blindfold kasi ako,para daw suprise. "Aalisin po namin yung blindfold,wag po kayong mabibigla ah..." Sabi ni Alessandra. "Okay." Sabi ko. Excited na kinakabahan ako.... "1,2,3!!!" Sabi nila at inalis ang blindfold ko. Shemay....
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.