Pearl POV Tuesday
Nagising ako sa alarm clock ko. Pinatay ko iyon at tinignan ang time. 6:00 pa. 8 ang pasukan ko pero kaylangan kong maaga palagi para makapagaral. Tumayo ako at pumunta sa cabinet para kumuha ng damit. Nung kumuha naako punta naako sa cr at naligo.
*******
Ngayon nandito ako sa dinning kumakain,maya maya nakita kong papunta sila cha-cha,naka uniform na sila.
"Goodmorning sis." Sabi ni Charlie.
"Morning." Sabi ko at sumubo ng cereal.
Habang kumakain kami,bumaba at kumain narin sila mama. Nung tapos naako,ininom ko na yung vitamins ko.
"Bye ma,bye pa!!" Sigaw naming tatlo at kumaway. Kumaway rin sila mama.
(Yung suot niya nasa taas po,at kung anong style ng buhok niya.)
******
Mabuti mabilis lang byahe namin papuntang school,at hindi ako nakatulog.
"Bye ate!" Sigaw ni Charles,tulog si Charlie eh.
"Bye!" Sigaw ko at naglakad na.
Wala pang masyadong tao,pumunta agad ako sa locker ko para kunin ang books ko at para makapagaral sa library. Nung nakuha ko na,pumunta ako sa library.
Pumasok ako sa library... Gosh! Ang lamig,mabuti may jacket akong dala. Umupo ako malapit sa mga shelves para kapag may isesearch ako,madali na. Ng makaupo naako,kinuha ko yung phone ko at earphones.
Hayy,ang ganda nanaman ng kanta.
*********
Mga 1 oras na,rumarami na ang mga students na nandito. Tinignan ko yung time. 7:49 na,nakapunta ako dito mga 6:50. Soo,mahaba ang study ko.
Nag adjust paako ng oras. Maya maya may umupo sa tabi ko,tinignan ko kung sino.... Bakit pa siya?!!!
"A-anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko at tinanggal ang earphones ko sa tenga ko.
"Mmm,lets say.... Magaaral rin ako?" Sabi niya. Nagkunot noo ako.
"Ang dami daming space jan,dito kapa?! Umalis ka nga dito!" Sabi ko at tinulak tulak siya. Hinawakan niya yung wrist ko para tumigil sa kaka tulak ko.
Nilapit niya yung mukha niya sa tenga ko
"Hoy,hindi paako tapos sayo. Sasabihin ko lang sayo na.... Magready ka..." Sabi niya at kinalas ang pagkakahawak niya saakin at umalis.
"Hindi pa talaga." Sabi ko ng mahina.
Nawalan tuloy ako ng ganang magaral. So nagaayos naako ng gamit at umalis.
Nang papunta ako sa first class ko. Nakita ko sila Eunice,Faith,Coleen,at JM. Nakita nila ako at kumaway sila. Kumaway ako. Pumunta ako sakanila.
"Uy!" Sabi ko.
"Hey,gurl." Sabi ni Eunice.
"Hey. Uhmmm,guys,iniinvite kayo nila mama na pumunta sa party celebration next month. Isama niyo family niyo. Pwede ba kayo?" Tanong ko. Ngumiti sila.
"Weh?! Yess! Magpapaalam ako,para saan yung celebration?" Tanong ni Eunice.
"Mmm,kasi yung company namin at company ng HHV mataas ang rate,soo magcecelebrate kami. Sama daw kayong lahat with your family." Sabi ko. Nanlaki ang mga mata nila.
"HHV?! Diba company nila Harry yun?!" Tanong ni Faith.
"Oo nga!" Sabi ni Eunice.
Alam kasi nila yung nangyayari.
"Ewan ko rin. Magkakampi kasi company namin at company nila. Kainis nga eh." Sabi ko.
"Paano na yan? Baka magaway kayo sa celebration." Sabi ni Eunice.
"Subukan niya lang mauna." Sabi ko at nagcross arms.
*bell*
Nag bell na,soo time to go.
"Bye! See you sa break!" Sabi ko at kumaway. Kumaway rin sila. Nagkalas kalas na kami.
