KAYKAY POV
Nakakaloka naman. 3 hot papables nasa kabilang table namin. Kaso ung isa meron nang girlfriend. Di bale mas gwapo naman ung dalawang kasama nya. HAHAHAHA!! Kailangan kumain ng marami mukhang papalaban ako nito.
" Hoy bakla kung ano yan iniisip mo hindi pwede" Mataray sa bulong sakin ni juls. Ito talagang babaeng to. Palibhasa pusong bato! Ayaw sa mga papables. Tinignan ko lang sya at tinaasan ng kilay.
" Umayos ka kaykay! They look like gangster! Ewww" Diring bulong naman nitong ni yen. Isa sa mga hate ni yen ang gangster. May nang yare kasi sa past nya naging epekto ng pag kadiring diri nya sa mga gangster.
" ang K.J nyong dalawa! Hintayin ko nalang ang twin ko! Sya nalang yayayain ko sa plano ko! Bwahahahahaha " Malademonyo kong tawa sa kanila, Sinagut naman nila ako ng isang matalim na tingin. Oppps wrong move.
" Alam mo naman na hindi pwede yan sinasabi mo! Tandaan mo my hinihintay sya! " Babala sakin ni juls. Napatakip nalang ako ng bibig sa pag wawarning sakin ni juls. Pano ko ba nakalimutan ang sumpaan un. Nag peace sign ako sa kanila nakina-iling nilang dalawa. Bumalik na sila sa pag kain habang hinihintay namin si twin.
Lumipas ang mahigit isa't kalahating oras pero wala padin ang twin ko. OMG baka naman pinapalitan na sya ng mukha ng daddy tiger nya. Charot!
" why so tagal naman ata ! Im so bored!! " Maarteng sabi naman ni yen saamin. Napabaling naman sa akin si juls nang tingin.
" ohh! Not me please ! " Pag mamakaawa ko. OMG! AS IN! OMG!!! Lahat harapin ko wag lang ang dragona at tiger na ama ni twin! Baka malayo palang tegment na ang beauty ko!!
Pag tutulakan pa sana nilang dalawa ako nang nakita namin bumukas ang pinto ng VIP at niluwa ang aking twin na mugto ang mata. Why anong nang yare??? Takang taka kaming nag katinginan bakit mugto mata ng aking twin.. Ohh no!!
Kasunod nyang lumabas ang isang SO-CALLED-YUMMY-HANDSOME-KALAGLAG-PANTY , Wag nya sabihin na sya nag paiyak sa twin ko.
Deretcho mag lakad ang twin ko patungo sa table namin, Yumuyuko naman ang mga pink boys pag napapadaan sa kanya. Kasunod nya ang papables na kinalaglag ng panty ko. Pero huminto ito sa tapat ng mga table ng mga poging papa na mga gangster pero still nakasunod padin ang tingin nito kay twin.. Spell something fishy CHANDRIA (^.^)V
Nang nakarating sa table namin ang twin ko naupo agad ito sa assign seat nya at niyakap si juls, tumayo naman si yen at nag yakapan silang tatlo. Wait bakit di ako kasali sa group hug na yan..
Pero iba ang napansin ko, lahat pala ng attention nasa amin, nakita kong my tinanung si girl sa hot papa na kasabay lumabas sa vip ni twin. Tumango ito at nag lakad papunta sa table namin..
Oh baka naakit sa kagandahan ko. Dahil busy ang tatlo sa yakapan nila di nila napansin papunta samin si hot papa. Nakita ko pang hinarang sya ng mga pink boys pero matalim lang nya itong tinignan at nag si alisan na ang mga ito sa harapan nya.. My gollyyy yan ang gusto ko mga badboy.
Kagat labi ko syang hinarap " Why handsome? What do you want ? " Mapang akit sa tanong ko nang humarang ako sa harapan nya baka maistorbo pa nya ang moment nila twin mabuti na dito kami mag usap sa medyo malayo layo sa table namin.. hihi!
Pero nilagpasan lang nya ako! Teka denedma ang ganda ko! No hindi pwede.. Haharangin ko ulit sana sya nang nakita kong hatak hatak na nya si twin.
Wait san nya dadalhin si twin ko!!
---------
JULIA/CRISA POV
Umiiyak na yakap ko si cha-cha, Sa totoo lang wala kaming alam bakit sya umiiyak. Nakita kong tumayo si yen at nakiyakap na din samin.. Ganito kami pag my problema isa samin. Umiiyak sa bisig nang isa't-isa.
" I broke my promise to him! " Iyak nyang sumbong saamin kahit hindi namin maintindihan alam naman namin kung sino ang tinutukoy nya. Hinagod ko ang likod nya at pinatatahan sya.
" Ssshh! Dont cry. Were here for you" Pag aassure naman ni yen sa kanya.
" This is not a vacation. It is unexpected wedding! Im now married to someone i didnt know! For someone i didnt love ! " Nagulgul na saad nya na kinagulat namin.. It means kasal na sya! Tatanong ko palang sana sa kanya kung sino nang bigla bigla syang hatakin ng isang gwapong lalaki mukhang gangster. Tsk!! Hatak hatak syang lumabas ng resto. Hahabulin ko sana ng pigilan ako ni yen, Takang tinignan ko naman sya.
" Maybe they need to talk " Saad naman nya na tinanguan ko. Pansin ko naman na kanina pa ako tinitignan ng lalaking nasa kabilang table. My hawak itong tablet.
Im not in a good mood para makipag socialize, tinaasan ko sya ng kilay at talagang hambog nag smirk lang.. Aminin gwapo pero wala akong paki lahat silang mga lalaki mang gagamit lang.
------------------
CHANDRIA/KATE POV
Hatak hatak ako ni brylle palabas ng resto. Alam ko na name nya kasi binanggit kanina nun kasal namin. Nakakasama ng loob. Grabe hindi ko na sya mahihintay. At higit sa lahat hindi ito ang pangarap kong kasal.
" Ouch ! " Daing ko sa kanya. Ang higpit kasi ng hawak nya sa kamay ko. Napahinto naman sya sa pag kaladkad sakin at tinignan nya ako ng my pag aalala sa mata nya. Aminin ko ang gwapo nya. Crush ko sya. Lalo na nang hinalikan nya ako kanina bumilis tibok ng puso ko.
" So-sorry " Nahihirapan at parang nahihiya nyang sorry sa akin. Nginitian ko nalang sya. Nakinamula ng tenga nya sabay iwas ng tingin.
Katahimikan ang bumalot samin gusto ko mag salita kaya lang nahihiya ako. Biruin nyo isang sikat na celebrity may hiya pa.. This is not me.
Umubo muna sya para makuha ang attention ko " alam kong napilitan ka lang mag pakasal sakin, Parehas lang naman tayong naipit sa situation na ganto" Panimula nya sa akin, medyo nakaramdam ako ng kirot sa puso ko napayuko nalang ako. " Pero nandito na ito! Kaya wala na tayong magagawa pa! " Napatingin naman ako sa kanya nun sinabi nya un. Ano ang gusto nyang iparating.
" Alam ko isa kang sikat na celebrity, hayaan mo mananatiling sekreto tong kasalan na ito! Alam kong mahalaga ang carrer mo sayo" Saad nya at nauna nang pumasok sa loob ng resto.
Tinignan ko lang sya habang pumapasok sa loob ng resto. Actually kampante ako kasama sya. Kahit mukha syang gangster! I think wala na din ako magagawa pa kaya tatanggapin ko nalang.
Pero paano sya? Ano nalang sasabihin ko sa kanya pag nag kita kami.
Huminga ako nang malalim at tumingin sa langit " Guide me mom " Mahinang usal ko.
-----------------
AUTHOR NOTE
Sino ba ang hinihintay ni chandria?
Anong mang yayari sa kanya or sa kanila ngayon ?
FIND OUT !