Chapter 4: Try Out

119 6 1
                                    

Lumipas ang ilang araw na halos wala silang ginagawa dahil karamihan sa mga subjects nila ay wala pa yung mga Instructors. Ganun talaga sa State University pag first week of classes. Buti na lang ay nakita nila ang nakapaskil na magkakaroon ng try out sa Basketball, Volleyball, Badminton, Sepak Takraw at Table Tennis sa Friday. Excited ang anim na magkakaibigan sapagkat silang lahat ay mga athlete, si Denise at Mark ay sa Volleyball, si Kevin naman sa Basketball, si Angelo sa Badminton, sa Sepak Takraw naman si Niko at sa Table Tennis si James. May motto nga sila eh, "Friends that play sports together lives longer". At ngayong araw magaganap ang try out nila.

"Galingan natin guys, lakas makapogi ng mga athlete, mas madami kayong mahahatak na chix hahaha" sabi ni Denise habang naglalakad sila papunta sa gym.

"Kaya nga naman, makakahatak ka na din ng chix Denise HAHAHAHA" pangaasar naman ni Kevin

"Dapat lang dahil lahat tayo ay pogi" dagdag naman ni  James sabay tingin na nakakaloko kay Denise

"Mga gago, haha pero basta ah, alalahanin niyo pag nakapasok tayo dito ay free na ang tuition fee natin, sayang din yun" sagot naman ni Denise

Though kaya naman nila bayaran ang tuition fee nila dahil lahat naman sila ay may kaya. Iniisip lang kasi ni Denise yung masesave niya kasi matulungin din siya, may mga project kasi siya sa mga street kids.

"Iniisip mo na naman kasi yung masesave mo para sa katakawan mo  haha" - Mark

"Grabe naman kayo kay Denise, sayang din naman yun talaga, pangchix niyo na rin un haha, kayo talaga lagi niyo binubully prinsesa natin" pagtatanggol naman ni Niko

"Ayieeeee pre, tinatamaan ka na ata kay Denise pre, wag, pigilan mo, kawawa ka lang diyan kung sakali hahahahaha" hagalpak na sambit naman ni Angelo

POOOOOOOOOOOKKKKKKKKKK! pinokpok nga ng papel ni Denise yung lima para magtigil na.

"Buset kayo haha pinagtritripan niyo na naman kagandahan ko, bilisan niyo na nga diyan mahuli pa tayo." pampatigil namang sabi ni Denise

Binilisan na nila ang paglalakad papunta sa gym, samantalang sa kalayuan ay may mga lihim na nakatingin kay Denise....

Alexander's POV:

"Oh the cutie lady is an athlete, magtatry out din pala siya"  sabi niya sa sarili

"Ano yun pre? Nagsasalita ka mag-isa diyan" singit naman ni Jake

Magkaibigan pala ang dalawang to. Since High School pa ay magkaibigan na sila, pareho ding mga basketball players, parehong tinitilian ng mga babae, pero mas malakas lang ang dating ni Jake

"Wala pre, may nakita lang akong magandang tanawin" sagot ni Alexander na nakatingin sa direksyon ni Denise at maganda ang kanyang pagkakangiti

"Baliw, tsss" bulong naman ni Jake dahil nakita niya kung sinong tinitignan ni Alexander

Jake's POV:

Busy ako sa paghahanda para sa try out ko nang paglingon ko ay nakita ko siya sa di kalayuan, oo nakita ko si Ms. Tulala pero mas nagulat ako sa sinabi ng tropa ko, "Oh the cutie lady is an athlete, magtatry out din pala siya" , nagtaka ako, napaisip, kilala kaya ng kaibigan ko ang babaeng yun, at bakit ganun na lang siya makangiti, wag niyang sabihing type niya ito, hmmm. "Baliw, tsss" yun na lang ang nasabi ko.

Papalapit na siya ng papalapit sa direksyon namin, may mga kasama siyang lalaki, siguro mga kaibigan niya, baka magtatry out din sila, nakasports attire sila eh. Eksaktong pagdaan niya sa harap ko ay nagtatawanan sila, nagkamali ako, hindi pala siya bungi, ang ganda at ang puputi ng pantay pantay niyang ngipin, ang ganda niya ngumiti. Sana lang hindi niya napansin na nakatingin ako sa kanya. Ang ganda niya talaga, ang cute niya pa tignan sa white jersey short at white tee shirt, ang simple pero anlakas ng dating. Ugh, ano ba tong iniisip ko.

DaydreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon